Chapter 4: Four Strangers

6 0 0
                                    

Colorful World

Chapter 4: Four Strangers

Fion’s POV:

“JAAAAAAAAAADE!!!” Sigaw ko habang nahihigupan ng lakas.

“Ano nanaman Fion!?” Sagot ni Jade na parang di naaawa sakin.

“Parating na sila! Ngayon na ang araw na magbabago ang ikot ng mundo ko! Omaygaaaaash! Anong dapat kong gawin!?” Hindi niyo ba gets na nagpapanic na ako!? Seryosong bagay ‘to!

May 11, 2013, the fateful day na magbabago ang takbo ng buhay ko... pero umaasa parin ako na sana passive ‘tong mga ‘to at walang pakialamanan, para ma-maintain ko yung pace ko at di nila ako mabulabog ng husto! Argh... mejo half-hearted parin ako sa pagtanggap ng favors na ito... Bakit, universe!? Di pa ba sapat na may dalawang tao nang bumubulabog sa araw-araw ko!?

“Easy ka lang ate Fion! Just be friendly! Pakilala mo muna sarili mo tapos kilalanin mo sila... and then be nice!” Sabi ni Alice na chill lang... palibhasa, di buhay niya yung mabubulabog! Di niyo ako nararamdaman! Yung feeling na, para kang ikinukulong sa isang lugar na ayaw mo... yun yun eh!

“What if di nila ako gusto? What if di ko sila gusto? At kailangan ko ba talagang mag-introduce!? I’m famous, damn it!” May pagka-disorriented ang isipan ko ngayon, wag kayong magulat kung walang sense mga sinasabi ko.

“Fion, kumalma ka! Magpapakilala ka as Fion na tita nila at hindi as Fion the fallen genius!” Sabi ni Jade. Ang sakit naman nung word na fallen! Tumingin si Jade kay Alice, “Tingin ko, by this time, nakarating na siguro sila dito sa Manila. Alice, draw lots tayo kung sino mauuna!” Natuwa si Alice at pumayag. Mga loka-loka, ginawa pang katuwaan, alam nang may pinagdadaanan ako!

Teka, baka nga nasa Manila na talaga sila ngayon... Hmm, I guess mejo fun rin na hulaan kung sinong unang darating... Hmm, sino kaya? Sana yung mejo civilized naman... Oh, Fion! What are you talking about!? Di naman galing sa isang kweba yung mga batang yun para di sila maging civilized! Ok, I’ll wait calmly...

“Fion, gumawa ka na ng juice at baka uhaw yung mga yun pag dating dito... ang init kaya ngayon.” Sabi ni Jade... Sumagot naman ako ng sobrang kalmado, “EH KUNG IKAW KAYA GUMAWA! Alam mo namang di ako mahilig sa juice, therefore, di ako marunong magtimpla ng juice! At bakit kailangang juice pa!? Magpakasasa sila sa tubig!” At narealize ko, di pala kalmado yung sagot ko. Ayun, nabatukan ako ng loka-loka.

“Ano ba!? Akala ko ba genius ka!? Natural, pag may bisita ka, bibigyan mo ng maiinom! Juice lang, di mo pa magawa? Ano pala pinaiinom mo sa bisita mo dati?” Tanong niya sakin. At sumagot ako, “Wine! Di ako nagtitimpla ng juice, so cheap! And FYI, di ko sila bisita... di pa ba sapat na patitirahin ko sila sa mansyon ko na kailangan ko pa silang pagtimplahan ng juice!?”

Binatukan niya ulit ako... aba, nakakarami na ‘to ah! Eh kung iuntog ko kaya ‘to sa pader? Tapos nagsalita nanaman, “Ano ba, Fion.. First time ka nila makikilala, at least be nice! Para kang sira! You know what, forget it. Ako na bahala... Alice, bumili ka ng juice sa pinakamalapit na tindahan.”

Nagulat si Alice, “Akala ko ba ikaw bahala? Pero... ok lang, kaya lang... sure kang ok lang na ako?” Nagtaka si Jade, “At bakit hindi?” Napakamot sa ulo si Alice, “Eh... alam mo na... sikat ako... baka manganga yung tindera.” Hahaha! Ayos ‘to ah! Naalala ko tuloy yung mukha nung kahera sa flowershop last month nung nakita ako. Nagsalita si Jade, “Hayy nako, ikaw na bahalang umisip ng paraan jan... larga na at baka maunahan ka pa nung mga BISITA ni Fion.” Tumawa lang si Alice at umalis. Haha, umAlice! XD Joke! Korny... =_=

Colorful WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon