Chapter 5: Introductions

7 0 0
                                    

Colorful World

Chapter 5: Introductions

Jade’s POV:

Habang may kanya-kanyang business ang girls dun sa sala, eto nanaman si Fion, mukhang sira. Nagugulumihanan ata sa dami ng tao. Siguro nasisikipan siya, pero ang laki naman ng bahay niya para ipagdamot niya sa mga pamangkin niya, diba? “Oh Fion, kausapin mo na sila...” Tinignan niya ako na parang nagulat sa sinabi ko, “Ano bang dapat kong sabihin?” Loka-loka, natural magpapakilla ka! Shunga! Sinagot ni Alice ang nakakatangang tanong ni Fion sakin, “Magpakilala ka na ate! At wag mong kalimutang ngumiti at maging friendly.”

Huminga si Fion ng malalim at humigop ng lakas para malapitan ang girls. Napatingin ako sa mga babaeng yun at nakitang nakikipag-usap na si Monique sa bawat isa, lalo na kay Diane. Lumapit si Fion sa kanila at lahat nanahimik, handang makinig sa kanya. Binulungan ako ni Alice, “Ayan na, mag-iintroduce na siya!” Inobserbahan namin ang naka-poker face na Fion at nag-clear muna siya ng throat bago magsalita.

“Ok... Let’s go over some rules... rule number 1,” Napanganga kami ni Alice. What the heck!? You don’t spring that out on your first meeting without even introducing yourself! Nagtinginan kami ni Alice... her face spells trouble... as for me, gusto ko lang talagang batukan si Fion, right now! Anyway, back to what Fion said... “Rule number 1, What I say is absolute... Ako ang masusunod. Kung ano ang sabihin kong dapat niyong gawin, yun ang gagawin nyo, no complains, no hesitations and no questions asked.”

“Huh!? That’s unfair!” Nagcomplain agad si Claire. Di ko siya masisisi, talagang nakakaloko yung rule na yun. Tapos nag-react din si Lizelle, “For some reason, I agree with this stupid chic beside me... Di mo pwedeng gawin yun!” Haha! I kinda like that remark! Pero si Claire, of course she wouldn’t like it, “What!? How dare you judge me when you don’t even know me!?” Eto na po, away na... sabi na nga ba, dapat hindi rules ang pambungad mo sa first meeting eh... Sumagot si Lizelle, “3 minutes is all I need to figure you out... Yes, you’re that shallow.” At nagalit pa si Claire, “Ugh! Now that’s just going too far! Are you naturally like that when you meet someone new? Where are you’re manners!?”

“I’m only like this when I meet someone I instantly don’t like.” Na-offend si Claire sa sinabi ni Lizelle, then sumagot siya, “Well, I don’t like you either!” At biglang sumali na si Monique sa usapan, para pigilan sila, “Wait, wait! That’s enough! Unang-una, bakit tayo nage-english? Required ba? Pangalawa, pakinggan muna natin si madam!” Hahaha! Oo nga noh? Puro english na pala ‘tong dalawa. Nagsalita narin si Diane, “Hala, mga ate, wag kayong mag-away... ito po, cookies, pampaganda ng mood...” Nilabas niya yung isang tapperware na cookies.

Nagsimulang kumuha ng cookies yung dalawang nag-aaway, pati narin si Monique. Tumingin si Diane kay Fion, “Umm... Tita, ikaw rin po, kuha ka... Baka sakaling....magbago yung isip niyo....tungkol sa rule number 1...” Habang sinasabi niya ‘to, pahina ng pahina, pero narinig parin namin. Haha, ang cute talaga nito eh. Si Fion, na mukhang lalong na inis sa mga girls dahil sa pag-aaway nila, ay nagtuloy ng set of rules, “Rule number 2, bawal niyong pakialaman ang mga gamit sa music room, lahat ng nandun mahalaga... Bawal kayong pumasok doon at bawal rin kayong pumasok sa kwarto ko...”

“Rule number 3, bawal ang masyadong maingay dito sa loob ng bahay. Rule number 4, kung may pupuntahan kayo, leave a note sa may refrigerator. Sa note, nakasulat ang five W’s: Who, ang pangalan mo; What, ang gagawin mo; When, ang oras ng pag-alis mo at target time ng pag-uwi mo; Where, lugar na pupuntahan mo; at Why, kung bakit mahalaga yun. Ayokong kakatukin niyo ko para magpaalam, pero ayoko rin na kung saan-saan kayo pumunta ng wala akong alam dahil yari ako sa mga nanay niyo.” Okay, this is sounding so wrong! Kailangan naming pigilan si Fion bago siya kamuhian ng mga pamangkin niya!

Colorful WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon