Chapter 6: First Hang-out

2 0 0
                                    

Colorful World

Chapter 6: First Hang-out

Fion’s POV:

Kakagising ko lang and it’s 7pm... Kamusta kaya yung bahay ko? Ayos pa kaya o ginulo na nila? Lumabas ako ng music room ko and it’s almost as if nothing changed at all. It’s still very quiet, I like it that way... Nasan na kaya yung mga babaeng yun? Moreover, nasan na sina Jade at Alice? Hindi na ata nakapag-bye sakin... Kung sabagay, off-limits nga pala ang music room ko unless permitted, so talagang di sila makakapagpaalam dahil nasa loob ako. Dumeretso ako sa kwarto ko at tumingin muna ng emails at nakita ko ang mga thank you mails ng mga ate ko sakin... well, almost all of them, except ate Brenda... Bakit kaya? Hmm. Baka busy lang... siguro mage-email rin yung next few days... or maybe not, bahala na.

Lumabas ako ng kwarto, dala-dala ang susi ko ng kotse... Kailangan kong bumili ng pagkain sa labas dahil di ako marunong magluto. Well, usually, Alice or Jade would cook for me... and long before my heartbreaking downfall, meron naman akong personal chef, pero I’m keeping things at low-profile for now, so wala muna akong service people. Anyway, since wala na sina Jade at Alice, bibili nalang ako ng pagkain na maipapakain ko sa mga bruhildang kabataang ito. Naglakad ako sa hall, at dahil di naman kalayuan ang guestrooms, naisipan ko nalang na puntahan sila at yakaging kumain sa labas para di na ako mag-take out at mapilitang pahirapan ang golden hands ko sa paghuhugas ng pinggan.

Kumatok ako sa unang pinto, tapos binuksan ko... Walang tao. Binuksan ko rin yung pangalawang pinto, pero wala ring tao sa kwartong yun? Nasan yung mga yun? Kumain sa labas kasama sina Alice at Jade? Tinignan ko ang phone ko, wala namang text. “So, mag-isa nanaman ako ngayon? Hmph! Okay lang!” Napangiti ako sa thought na wala akong kasama pero bigla nalang napawi yung ngiti ko... I feel something really peculiar... I’m used to being alone, yet parang nalungkot ako agad na wala akong kasamang kumain. Tinawanan ko nalang ang sarili ko... Mukhang tama si Jade, para na talaga akong sira. Pumunta ako sa kitchen, tinignan yung ref... Wala ring note. Nako! Patay sakin yung mga batang yun! Gumimik na hindi nagpapaalam!

“Uy, tita! Lumabas ka na, sa wakas!” Napalingon ako at nakita ko si Monique papalapit, “Kanina ka pa namin inaantay eh... Kaso nasa music room ka...” Patuloy siyang lumapit pa sakin, at di ko alam kung bakit, pero wala akong masabi... as in, di ako makasalita... Siguro nagulat ako because I expected no one at all. Paglapit niya sakin, nilagay niya yung mga kamay niya sa balikat ko, then... She started pushing me lightly, “Tara, tita! Makisalo ka samin!” Makisalo? Saan? “Hah? Ano?” Patuloy siya sa pagtulak. Kahit na magaan lang, feeling ko pag nag-resist ako, malalaglag at gugulong ako sa sahig! What is with her!? Ako ang tita niyang donya! She should handle me with care!

Dineretso niya ako palabas ng bahay ko, tapos lumipat siya ng pwesto, inunahan ako, hinawakan ang kamay ko at sinimulan na hilain ako habang dahan-dahang tumatakbo. Omaygaaash, di na ako pwedeng tumakbo, mabilis na akong hingalin, “Hoy, ano ba!? Dahan-dahan nga! Wag kang tumakbo!” Pagalit ko sa kanya, tapos tumawa lang siya, parang sira! Naglakad nalang siya afterwards... at least she heeded my call. Naglalakad kami sa loob parin naman ng teritoryo ko, pero di ko alam kung saang banda niya ako dadalhin. Ang wish ko, sana makarating na kami agad sa destination namin, kasi... Ang daldal niya! As in, super! Walang awat! Nakakaiyak! Nangyari ang ikinakatakot ko... Ang iyaking batang nakilala ko noon ay lumaking maingay at madaldal! Sa totoo lang, wala akong ma-take in sa mga sinasabi niya, kaya pasensya na readers, di ko maikekwento sa inyo.

Sa paglalakad namin, halos lahat ng bagay sa paligid niya, napansin niya at nagkwento tungkol doon... Lahat naman ng sinabi niya, may sense, pero di kasi mahalaga para sa akin yun, kaya di ko na inintindi. Pero may naalala akong sinabi niya, napakamelodramatic na litanya nung nakakita siya ng Makahiya, sabi daw, “Ito ang isang bagay na hindi dapat tinutularan ng tao... Ang makahiya, kapag nahawakan, titiklop... Ang tao, kapag nasaktan, hindi dapat nagtatago... dapat bumabangon at pinaglalaban ang paniniwala niya... hindi yung, kung kailan lang siya safe, saka lang siya magiging siya... mali yun! Kaya ang dapat tularan ng tao ay... isang pebble! Kahit saan mo ihagis, di nababasag at laging buo!”So, as you can see, lahat ng bagay na nakikita niya, nirerelate niya sa buhay ng tao...

Colorful WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon