Chapter 16
--
Violette's PoV
"So how are you now Vi? I'm sorry I wasn't there to comfort you when the explosion happened, nagkataon din kasi na nilagnat din si Bret noon kaya hindi ako nakapunta." Panimula ni Charlotte. Naglalakad lakad kami ngayon dito sa mall para mapatulog niya si Bret na kasalukuyang nasa stroller niya.
Sabi ni Dalton na kakausapin niya lang muna ang mga kaibigan which he said that is something important. And finally pinayagan niya akong mag lakad lakad muna dito sa mall niya na hindi siya kasama. Ever since that explosion insident kasi hindi na niya ako pinayagang hindi siya laging kasama ko kahat saan man ako pumunta. And since magkaibigan sila ni Brent, kaya ito nga at kasama ko si Charlotte at Bret.
"No it's fine. Andun naman agad si Dalton para saakin." Medyo napailing nalang ako nung maalala ko ng makita na niya ako that exact moment. "You have no idea how he reacted, even I can't explain how he looked." Tuloy ko.
"I can understand Dalton, mahal na mahal ka nung tao, kung paano ka pa nga niya tignan eh. so it's very natural he would act like that." Wari ni Charlotte. I felt mushy inside, so si Charlotte pa talaga nakakahalata kung gaano ako kamahal ni Dalton.
After some walk in the mall, napagdesisyunan naming kumain na kami.
"So kamusta na pala ang pagiging official girlfriend ng isang ex playboy na si Dalton? Hindi kasi kita masyadong nakapagkwentuhan nung binyag ni Bret, masyadong maraming taong inasikaso." Medyo nagpout pa saakin si Charlotte na ikinailing ko na lamang.
Napili namin ni Charlotte na dito kami sa Casa Pizzeria kumain dito sa mall.
Napa tingin si Charlotte sa buong paligid.
"Kanina ko pa talaga gustong magtanong Vi eh. Ano bang meron at ang daming bodyguards na nakapaligid sa'yo?" Charlotte's forehead was creased.
I sighed. "It's just that Dalton's too paranoid. Baka daw kasi may masamang mangyari saakin. Feeling ko tuloy anak ako ng isang presidente na kailangang laging bantayan." I explained.
Napag-awayan na din namin ni Dalton ito, akalain mong gusto pa niya umabot pa ng sampo ang magbantay saakin.
When we were arguing, ramdam ko naman na ayaw niya lang talagang may masamang mangyari saakin. Kaya para lang gumaan ang loob niya pumayag akong tatlo lang ang magbantay saakin.
Pero ang mokong humirit na lima nalang daw. Wala naman na akong magawa kundi pumayag. If I know may mga naka civilian din na nagbabantay saakin.
"Masyado atang paranoid si Dalton. Seriously though, may hindi ba ako alam at ganito nalang siya naging over protective sa'yo?" Naguguluhang wika sakin ni Cha.
I sighed again. "Sorry Cha ha? May hindi pa talaga ako nasasabi sa'yo eh. Yung about sa pagsabog ng apartment ko." Kwinento ko naman lahat sakanya ang nangyari simula nung unang receive ko sa text hanggang sa ngayon kung bakit nga maraming nakapaligid saakin.
"OMG! Bakit hindi ka nagsasabi saakin?" Nagtatampong anas niya saakin pero bakas parin ang gulat sakanya.
"Really I'm sorry Cha. 'Yun lang naman ang tanging hindi ko nasasabi sa'yo eh." Pagpapaumanhin ko nanaman sakanya.
Tinawag ko naman na ang waiter para umorder na kami ni Cha ng kakainin namin.
Pinauna ko muna si Charlotte na pumili ng sakanya. Ng matapos na siya ako naman ang pumili ng saakin, and chose to eat Hawaiian Pizza at Avocado shake.
Nung binigay ko na ang menu sa waiter at binaling na ang atensiyon ko kay Cha, she was looking at me incredolously.
"Bakit?" Takang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Owned by a Playboy Jerk
General FictionCOMPLETE|| SPG || R-18 || General Fiction || Romance -- WARNING! TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS ARE PRESENT IN THIS STORY. READ AT YOUR OWN RISK! -- 2nd Installment of Owned Series Dalton Fuentabella. Better known to be a Drop-dead Gorgeous Playboy...