"Aqui bilisan mo na dyan. Bagal bagal mo talaga kahit kailan." katok ni Kassandra sa pintuan ng kwarto ko. Dali dali ko namang sinuot ang sapatos ko bago nagtungo sa pintuan at binuksan ito.
"Pasok ka muna. Saglit lang. Magsusuklay muna ako." sabi ko at nagmartsa na patungo sa harapan ng salamin.
"Alam mo, mapapagalitan na naman tayo ni Rocky pag na late ulit tayo sa practice. Alam mo naman ang baklang yun, masyadong istrikto." nakairap na sabi ni Kass. Natawa na lang ako.
"Ano bang oras ang call time natin?" tanong ko.
"D-di ko alam." tugon niya sabay iwas ng tingin. Napataas agad ang kilay ko.
"Basta dalian mo na lang jan para iwas sermon tayo." inis nyang sabi sabay martsa patungo sa pintuan. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Sabay na kaming bumaba. Nagpa alam lang ako kay mama bago umalis.
"Saan daw magpa-practice ngayon?" tanong ko kay Kass habang naglalakad kami.
"Doon padin sa basketball court."
"Nasaan na sina Patrice at Jhermaine?" tukoy ko sa dalawa pa naming kaibigan.
"Nandun na sa basketball court. Mauuna na daw sila."
Tumango na lamang ako at binilisan ang paglalakad. Pag na una na namang dumating ang trainor namin kaysa sa amin ay tiyak na mase-sermonan na naman kami. Practice namin ngayon para sa contest ng sayawan ngayong darating ng fiesta ng aming barangay.
Nang makarating na kami sa basketball court ay wala pa halos ang mga kasamahan namin. Tanging nandun lang ay ang mga nagpa-practice ng basketball para sa darating na Liga. Tinignan ko si Kass.
"What?" inosente nyang tanong.
"Kaya pala nagmamadali kang pumunta dito para lang makita ang mga basketbalk players." tukso ko. Alam kong isa sa mga players ang natitipuhan ni Kass.
"Tsk. Di ah. Tara na nga. Dun tayo kina Pat." iwas nya.
Nagtungo agad kami kung saan naka pwesto sina Patrice at Jhermaine.
"Ang aga nyo ah." puna ko.
"Mas mabuti na yun kaysa ma sermonan na naman tayo. Kakahiya kaya. Nandito pa naman ngayon ang mga players. Ang gagwapo nila." kinikilig pa na saad ni Jhermaine. Para itong uod na binudburan ng asin. Napailing na lang ako.
"Onga hihihi." segunda pa ni Pat. Tsk nagkasundo talaga ang dalawa.
"Uy Kass. Tingnan mo si Max. Galing nya talaga noh? Diba yan yung crush mo?" saad ni Pat habang nakaturo kay Max. Napatingin kami sa itinuro niya. So yan pala ang crush ni Kass. Maximus Marquez. Not bad. Gwapo naman pero mukhang playboy.
"Hinaan mo nga boses mo. Baka may makarinig." madiin na bulong ni Kass. Namumula pa ang gaga. Nagkibit balikat lang si Pat at nagpatuloy na sa panunuod. Ganun na lang din ang ginawa ko.
"Oh my! Papasok na si Luke." impit na tili ni Jinks. Nandito pala to? Ngayon ko lang napansin.
"So? Ano ngayon?" takang tanong ko. Para kasing big deal sa kanila yun. Samantalang practice game lang naman to.
"Ang galing kaya nya. Nakaka inlove syang maglaro. Siya yung team captain nila." paliwanag naman ni Jhermaine.
Nagkibit balikat lang ako tapos ay tinignan ang tinutukoy nila. Luke Fontillian. Malapit lang bahay namin sa kanila pero di kami nagpapansinan nyan. Dakilang snobbers ata yan. Di ko nga alam kong kilala ba nya ako. Sabagay, yung kapatid ko at kapatid ay mag bestfriend. Siguro kilala ako nito. Eh pakialam ko ba kung kilala nya ko o hindi? Ay ewan.
Ngayon ko lang sya napanood na maglaro. Habang tinititigan ko sya ngayon ko lang na realize ang sinabi nila. Gwapo nga sya. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, manipis at mapupulang labi, makapal na kilay, maganda ang katawan. Okay? Erase yung panghuli. Nahahawa na ako sa pagka pervert ng mga kaibigan ko.
"Aqui laway mo tumutulo na." rinig kong saad ni Pat. Kinapa ko naman ang bibig ko. Wala naman ah. Sinamaan ko ng tingin si Pat. Tumawa lang ang bruha.
"Makatitig ka kasing eh parang hinuhubaran mo na sya sa isip mo." natatawang sabi nito.
"Kadiri ka Pat. Wag nyo nga akong idamay sa pagka pervert nyo. Gross." nandidiri kong saad sa kanya.
"Gross? Diba alcohol yun? Green Gross?" sabat ni Jinks. Napa face palm nalang kaming tatlo.
"Nice try Jinks. Next joke please." sabi ni Jhermaine at tinapik tapik pa ang balikat ni Jinks. May sira talaga ang mga babaeng to.
Nang dumating na si Rocky ay nahinto ang practice game dahil sisimulan na ang dance practice namin. Ang mga players naman ang naupo sa mga bleachers habang kami ay nasa gitna ng court.
Agad kaming pumwesto. Bad timing naman. Bakit ba sa harapan pa namin na bleachers umupo ang mga players. Nakakailang tuloy. Napanguso na lang ako. Tinignan ko ang mga kaibigan ko. Batid ko rin na hindi sila kumportable dahil nanunuod sa amin ang mga players. Yumuko ako at tahimik na nagdarasal na sana lang hindi ako magka mali para hindi ako mapahiya.
Nag angat ako ng tingin at di ko inaasahan ang pagtatagpo ng mga mata namin. Ang ganda pala ng mata nya. Black as charcoal. Di ko natagalan ang titig nya kaya tinaasan ko sya ng kilay bago pa simple na umiwas ng tingin. What was that?
Matapos ang mahigit isang oras na practice ay natapos rin kami. Buti na lang di ako nagkamali. Bumalik ulit kami sa bleachers kung nasaan nakalagay ang gamit namin.
"Uwi na ba tayo?" tanong ko sa kanila. Nakangisi lang silang apat sakin.
"What?" irita kong tanong. Kanina pa tong mga to eh.
"Di mo napapansin?" tanong ni Kass. Tama bang sagutin ang tanong ko ng patanong rin? Tss.
"Ano nga?"
"Sa buong practice sayo lang nakatitig si Luke! Oh my god!" impit na tili ni Jhermaine. Napataas ulit ang kilay ko.
"Tigilan nyo nga ako. Tara uwi na tayo?" iwas ko sa tukso nila. Wtf? Di ko alam yun ah. Pasimple akong tumingin sa kabilang bleachers kung nasaan ang mga players. Nahuli kong nakatitig ulit sakin si Luke. Di ba sya nahihiya na nahuli ko syang tinititigan ako? Bigla na lang ay parang may nararamdaman akong lumilipad sa tiyan ko. The heck? Ano to?
YOU ARE READING
Secret Relationship
Romance"Palagi na lang bang ganito Aqui? Ise-sekreto na naman natin 'tong relasyon natin? Hanggang kailan ka ba ganyan? Lagi mo na nalang inuuna ang ibang tao kaysa sa sarili mo. Maging selfish ka naman minsan!" irritation is visible in his handsome face. ...