Chapter 5

35 4 2
                                    


  Sabay na kaming tumuloy sa malawak na garden nina Luke. Nagkahiwalay lang kami ng daan dahil papunta siya sa mga barkada nya samantalang ako ay papunta naman kina Jinks.

Hindi pa nga ako nakakalapit ay sinalubong na nila ako ng mapanuring tingin.

"Ano yun? Ikaw ha. Dumada-moves kana kay Luke." tukso ni Jhermaine.

"Tumigil nga kayo. Nagkataon lang na nagkasabay kami. Malisyosa nyo talaga." irap ko sa kanila.

"Okay. Sabi mo eh." kibit balikat ni Kass.


Nagpatuloy ang kasiyahan namin. Matapos ang kainan ay napagpasyahan ng lahat na mag videoke. Dapat daw ay isa-isa kaming kakanta. Unang kumanta ang si Lira. Hanggang umabot na ito kina Jinks. Tawa kami ng tawa. Pano ba naman, yung kinanta nya ay 'Sayang na sayang'. Ang taas kaya nun. Napiyok tuloy hahahaha! Nang matapos kumanta ni Jinks ay biglang nagsalita si Jake. Isa sa mga players.

"Uy teka! May nag request. Magdu-duet sina Jinks at Kyle!" aniya. Isa rin sa mga players si Kyle. Nagsigawan kaming lahat at tinukso namin si Jinks. Namumula ang gaga!

Kinanta nila yung 'Nothing's Gonna Stop Us'. Nakatitig pa sa kanya si Kyle habang kumakanta. Naghiyawan ulit kami nang matapos na nila ang kanta.

Sumunod naman si Kass. Nakita kung tinulaktulak nila si Max. Kinilig ako nang bigla na lang lumapit si Max kay Kass at binigyan siya ng isang bulaklak.

"Lagot ka kay Mommy! Pinitas mo ang bulaklak na tanim nya." natatawang sigaw ni Luke. Napakamot na lang sa ulo si Max. Nagtawanan ulit kami.


Ang sumunod na kumanta ay sina Jhermaine at Patrice. Magdu-duet daw sila dahil nahihiya silang mag solo.

Katulad rin kay Kass, bibigyan sila ng bulaklak. Ang nagbigay kay Jhermaine ay si Andrew samantalang kay Patrice naman ay si Stan. Puno ng hiyawan at tuksuhan ang naganap sa garden. Ang hahaba ng buhok ng mga bruha.


Nang matapos na sila ay lumapit silang apat sa akin.

"Ikaw na Aqui." saad ni Jinks.

"Hala? Ayoko nga. Di ako kumakanta noh." tanggi ko. Ngina! Nakakahiya kaya.

"Alam kong kumakanta ka. Narinig kitang kumakanta sa loob ng banyo nyo." natatawang sagot naman ni Kass. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ah basta! Ayoko!" mariin kong pagtanggi.

"Ay madaya! Guys diba ang unfair? Ayaw kumanta ni Aqui!" sabi pa ni Jhermaine sa mga kasamahan namin. Nanlaki ang mga mata ko. Maraming sumang ayon sa kanya kaya wala na akong nagawa ng hilain nila ako sa gitna.


Sila na ang pumili kung ano ang kakantahin ko. Nagulat pa ako nang marinig ko ang pamilyar na tugtog. Sinamaan ko sila ng tingin. Nanadya talaga ang mga bruha. Pinili nila yung kantang 'Basta Alam Ko Lang'. Wala na akong nagawa. Nakakahiya talaga! Patay sila sakin mamaya.

Di ka maalis sa aking isip
Mula ng makilala ka may bagong nadama.


Naghiyawan ulit sila. Mas maingay nga lang ang mga players. Napatingin ako sa gawi nila. Ayan na naman ang mga titig nyang para akong tinutunaw. Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya habang kumakanta ako.

Kapag kausap ka damdamin ay sumasaya.
Bakit ba naiinis pag may kasama kang iba.


Naalala ko yung eksena nila ni Mitch. Di ko alam kung bakit ako nainis nun. May nararamdaman na ba ako sa kanya?

Sabi raw nila ganito pag umiibig na
Pero di pa ko sigurado sa nadarama


Nalilito na talaga ako. Gusto ko na ba siya?

Basta alam ko lang ako ay masaya sa piling mo
Pag di ka natatanaw nalulungkot ang puso ko
Basta alam ko lang ikaw ang hanap ng aking mata
Kahit di sinasadya laging naiisip ka
Pag ibig ba ito o humahanga lang sayo
Basta alam ko lang ako ay masaya sa piling mo


Gusto ko nga ba siya o humahanga lang ako sa kanya?

Pag ibig na kaya ang nadarama ngayon?
Sana'y malinawan din sa tamang panahon


Sana nga malaman ko na kung ano ba talaga tong nararamdaman ko sa kanya. Hanggang sa matapos ang kanta ay nakatingin lang ako sa kanya.

Pero agad ko rin itong iniwas ng maghiyawan ulit sila. Ang init ng buong mukha ko!

Nagpatuloy pa ang kantahan namin pero pa minsan minsan ay tinutukso na naman nila ako. Nakakahiya! Nandito pa naman si Kapitan.

Maya maya ay biglang pumunta si Rocky sa gitna at tinawag ang atensiyon naming lahat.

"May good news ako! Napag planuhan namin ni Kapitan na mag a-outing tayo bukas! Maliligo tayo ng dagat!" masayang saad niya.

Naghiyawan kami dahil sa saya. Yan talaga ang gusto ko. Ang maligo ng dagat. Hindi ko alam pero gustong gusto ko talaga ang dagat.

"Dun parin tayo sa Barangay Hall magkikita-kita. Dapat 8 ng umaga ay nandun na tayo. Okay?" tanong nya na agad din naming sinang-ayunan.

Pagkatapos nun ay pinagpatuloy parin namin ang kasiyahan. Excited na ako para bukas!






A/n: Thank you for waiting. Enjoy reading!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secret RelationshipWhere stories live. Discover now