Kanina pa kami kinakabahan dito sa back stage. Ngayon na kami sasayaw. At todo dasal kami na sana kami ang manalo.
Biglang pumasok si Rocky sa backstage na natatawa.
"Di ko sila kineri! Nagtanong ba naman kung sasayaw ba talaga kayo o sasali sa beauty contest. Hahaha!" iling pa nya.
"Galingan nyo ah. Bet kayo ng mga judges kasi ang gaganda nyo" sabi nya pa bago lumisan sa backstage.
Huminga ako ng malalim atsaka pumikit. Kaya ko to!
Tinawag na kami dahil kami na ang susunod. Mas lalong bumundol ang kaba sa aking dibdib. Nang makapwesto na kami sa entablado ay nilibot ko ang aking tingin. Nadagdagan pa ang aking kaba dahil sa dami ng tao.
Sa gitna ng maraming tao ay nakita ko na naman ang mga maiitim nyang mata. Madali ko lang syang makita dahil ang tangkad nya. Nakatingin sya sakin. Para na akong mabibingi dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
Ang susunod nyang ginawa ang hindi ko inasahan. Ngumiti siya. Sa akin.
***
Nang matapos na kami ay bumalik agad kami sa backstage. It went well. Kahit na parang naging jelly ang mga tuhod ko dahil sa ngiting yun ay nagawa ko paring ayusin ang pagsayaw ko.
Sinalubong naman agad kami ni Rocky ng malaking ngiti.
"Worth it lahat ng pagtuturo ko sa inyo! Kahit wala na aketch beauty rest ay keri lang! Job will done darlings!" masaya nyang saad. Nagpalakpakan kaming lahat.
Nang mai-announce na ang panalo ay sobrang saya naming lahat. Kami ang nanalo!
Pagkatapos ng awarding ay sinabihan kami ni Rocky na may victory party kami. At doon gaganapin sa bahay ng Barangay Captain namin. Ibig sabihin, sa bahay nila? Sa bahay nga nila. Dahil anak siya ng Barangay Captain namin. Parang gusto ko na lang atang umurong pero alam kong di papayag tong mga kaibigan ko. Lalo pa at nandoon din ang mga basketball players.
"Umuwi muna kayo at mag bihis. Doon na lang tayo magkita sa Barangay Hall para sabay na tayo sa bahay nina kapitan."
Hindi na kami umuwi nina Patrice dahil may dala naman kaming pamalit. Nagtungo na lang kami sa CR ng barangay hall para doon na magpalit.
Nakasabay namin sa paglalakad sina Mitch at Zarrina. Galing sila sa ibang barangay. At naging magkalaban kami sa contest kanina.
"OMG! Sina Luke!" impit na tili ni Zarrina.
Napatingin kami sa pintuan ng barangay hall. Nandun na naman nagkukumpulan sina Luke. Lagi na lang akong kinakabahan sa tuwing malapit sya. Why is that?
"Hi Luke!" nakangiting bati ni Mitch.
"Tss." Jinks hissed.
Napatingin ako sa kanya. Nginuso nya si Mitch na ngayon ay may pa hampas hampas pa sa balikat ni Luke habang tumatawa. Napairap na lang ako at nilagpasan sila.
"Hampas ng malandi yung ginawa nya. Alam mo ba yun Aqui?" tanong ni Jhermaine sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"So what?" kibit balikat kung tanong.
"Sus kunyare ka pa! Alam ko namang nagseselos ka eh." pangungutya pa ni Kass.
"Heck no! Ewan ko sa inyo." Inirapan ko sila bago pumasok sa banyo.
Pagkatapos naming magbihis ay nakihalo kami sa kasiyahan ng mga kasamahan namin.
Di rin nag tagal, kumpleto na kami. Sabay sabay kaming lumakad papunta sa bahay nina Kapitan. Nakisabay rin pala ang mga players. Ang ingay ingay namin sa daan. Napapatingin pa sa amin ang mga tao. Paano ba naman, ang daming joker dito samin. Most of all kasi ng mga dancers ay mga bakla.
"Ang pogi talaga ng mga players." rinig kong saad ni Kleyr. Isa rin sa mga kasamahan ko.
"Lalo na yung team captain nila. OMG!" sabat pa ni Hanna.
Bigla naman akong siniko ni Kass. Umirap lang ako sa kanya. Nang aasar na naman to.
Nang makarating na kami sa bahay nina Kapitan ay dumiretso kami sa garden nila. Ang ganda talaga ng bahay nila.
Napaigtad ako sa gulat ng biglang sumulpot si Ira sa harap ko. Ang kapatid ni Luke.
"Oooops! Sorry ate Aqui." naka peace sign pa sya. Ang cute.
Magkakilala kami ni Ira dahil bestfriend na ang kapatid ko na si Angelica.
"Kasama nyo po ba si Ange?" tanong nya.
"Hindi eh. Baka nandun pa sa court. Nanonood ng variety show." sagot ko
"Pupuntahan ko na lang siya. Bye ate. Thanks." she smiled. May pagkahawig pala sila ni Luke.
"Ira, Where are you going?" rinig kong tanong ni Luke galing sa likod ko.
I froze. Kalma Aqui! Para kang baliw.
"Pupuntahan ko lang si Angelica sa court. Please kuya! Babalik kami agad dito." paki usap ng kapatid nya.
Sumulyap siya sa akin bago ibaling ang paningin kay Ira.
"Okay. Pero sasamahan ka ni Manong Lando." saad nito. Ira pouted. Ang higpit pala nya pagdating sa kapatid nya. But for me, it was sweet.
Nang maka alis na si Ira ay binalingan ako ni Luke. Napatitig ulit sya sa akin.
"W-what?"
Ito ang unang pagkakataon na nagkausap kami. Hindi ko talaga alam kung bakit ako kinakabahan.
"Pasok na tayo." sabi nya sabay ngiti.
That smile! My heart is beating so fast. This is crazy!

YOU ARE READING
Secret Relationship
Romans"Palagi na lang bang ganito Aqui? Ise-sekreto na naman natin 'tong relasyon natin? Hanggang kailan ka ba ganyan? Lagi mo na nalang inuuna ang ibang tao kaysa sa sarili mo. Maging selfish ka naman minsan!" irritation is visible in his handsome face. ...