Chapter 3

19 4 0
                                    


 Napahiga ako sa aking kama dahil sa pagod. Kararating lang namin galing sa Cebu. Naging maayos naman ang naging kasal ni Angel, pinsan ko. Nag enjoy kami doon. Parang gusto ko ngang bumalik dun eh. Yung iba ko ngang pinsan ay pumunta pa sa Mango Square para sa after party. Sayang lang at di ako nakasama kasi di pa pwede. Minor pa daw ako at ang nakakapasok lang dun ay 18 above. While I'm just 16 years old.


"Aqui nandun sa baba sina Kass." katok ni Mama.

"Pa akyatin nyo na lang dito Ma." tanging sagot ko at dumapa sa kama.

Maya maya ay narinig ko na ang mga yabag nila papalapit sa kwarto ko.

"WELCOME HOME!" sabay sigaw nilang apat. Bahagya pa akong napakislot dahil sa biglaang pagsigaw nila.

"Maka sigaw naman kayo jan." Umayos ako ng higa.

"Pasalubong namin?" tanong ni Patrice.

"Nandun sa study table ko." sagot ko lang. Nakakapagod magsalita eh. Agad din naman nilang pinagkaguluhan ang pasalubong na dala ko.


"Aqui sasali ka practice mamaya?" tanong ni Jhermaine.

"Oo naman. Ilang araw na lang bago ang contest. Magpapahinga muna ako para makabawi ng lakas para mamaya." sagot ko at pinikit na ang mga mata. Agad din naman akong nakatulog kahit na ang ingay nila Jinks. Dahil siguro sa pagod.


***


 Hindi umalis sina Kass sa kwarto ko. Kaya nang magising ako ay hinayaan ko na lang sila na mag movie marathon. Naligo lang muna ako bago ko sila inaya na pumunta na sa court. Alas 7 na pala ng gabi.

"Wala bang bagong steps?" tanong ko sa kanila. Umiling lang sila at umupo na sa mga bleachers.


 Maya maya ay namataan kong papalapit samin si Nico. Ang apat naman ay nagbubulungan. Anong meron?

"Hi Aqui. Nakarating kana pala." bati ni Nico. Ngumiti ako sa kanya.

"Kanina lang." sagot ko at umusog ng kaunti. Umupo naman sya sa tabi ko.


Ang ingay ng mga players na nasa katabing bleachers lang namin. Pa simple akong sumulyap sa kumpulan nila. Nakatitig ulit sya. Ang hilig nyang tumitig noh? Binalik ko ang tingin ko kay Nico.


"May sasabihin nga pala ako." panimula nya. Para siyang kinakabahan na ewan.

"Ano yun?" tinititigan ko siya. Bumuntong hininga siya.

"Hindi ko alam kung pano sisimulan to. Gusto ko lang sabihin na... Ah ano... Shit! Pano ba to?!" frustated na sabi nya. Napa kunot ang noo ko sa kanya.


"Gusto kita."


 Hindi agad ako naka imik sa sinabi nya. Gusto nya ako? Hindi naman kami close nitong si Nico. Ang tahimik nga ng lalaking ito. Wala nga siyang kabarkada eh. Lagi lang syang bahay at eskwela. Alam ko yun dahil hindi kalayuan ang bahay namin sa kanila. Maraming nagkakagusto sa kanya dahil mabait at maypagka misteryoso daw. Di lang ata nya pinapansin. Akala ko nga na bakla to eh. Kasi naman maraming nagpapahayag ng dadamdamin sa kanya pero di nya pinapansin. Kaya nagulat na lang ako ngayon sa bigla nyang pag amin.


"Sorry. Nabigla ba kita? Hindi ko alam kung kailan nagsimula to. Nagising na lang ako isang araw na may nararamdaman na ako sayo. Namiss nga kita kahit nung unang araw ka palang umalis." pagpapatuloy nya.

 Tumili sina Jinks na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin. Napatingin tuloy ang mga players sa amin.

"Oh my god Aqui! Haba ng hair mo." tukso ni Patrice.

"Sagutin mo na yan!" at sinigaw pa talaga ni Jhermaine. Alam kong rinig na ito sa buong court kaya napayuko na lang ako dahil sa hiya. Nanatili akong tahimik. Wala akong masabi eh.

"Hindi kita mamadaliin. Handa akong mag hintay." sabi ni Nico at ngumiti siya sa akin. Tumayo na sya at lumakad na patungo sa kabilang panig ng court. Tumili ulit sina Kass. Sinamaan ko nga ng tingin.


"Wala kanang pag asa tol hahahaha! Ang bagal kasi." rinig kong pangungutya ni Jake. Di ko nga lang alam kung para kanino.

"Nandyan na si Rocky." saad ni Jinks. Nagsitayuan na kami. Nakapwesto kami sa gitna ng bleachers kaya kailangan pa naming bumaba para pumunta sa gitna ng court. Habang pababa kami ay lumipat naman ang mga players sa bleacher kung saan sila pumwesto noon.


At habang pababa kami ay tinutukso ako nina Jhermaine tungkol sa nangyari kanina. Nasa huling baitang na kami nang nasapian ako ng espirito ng kalampaan. Naapakan ko ang sintas ng sapatos ko. Di ko namalayan na hindi pala nakatali ng mahigpit to. Pumikit ako at hinintay na lang pagbagsak ng katawan ko sa semento. Then suddenly, isang bisig ang yumakap sa aking baywang at bumagsak kami. Hindi ako nasaktan dahil nakadagan ako sa isang katawan. Unti unti kong dinilat ang aking mata, only to meet those dark charcoal eyes. Para atang nahigit ang hininga ko.


"AYIIEEEEEEE!" rinig kong tukso ng mga naka saksi. Saka ko lang napagtanto ang pwesto namin. Dali dali akong tumayo mula sa pagkaka dagan ko kay Luke. Ramdam ko ang init ng buong mukha ko dahil sa hiya.


Umupo si Luke galing sa pagkaka higa nya sa semento at itinali nya ang ng maayos ang sintas ng sapatos ko. Pagkatapos ay tumayo na sya at pinagpagan ang sarili.

"Be careful next time." seryoso nyang saad.

"S-sorry." tanging nasambit ko na lang.

"Okay! Let's start! Later na yang churvaness nyo jan!" sigaw ni Rocky kaya pumunta na kami sa gitna ng court.

Tumakbo ba ako ng ilang milya? Ba't ang lakas ng tibok ng puso ko?

Secret RelationshipWhere stories live. Discover now