Nakasalampak kami sa sahig ng entablado dahil sa pagod. Isang linggo na lang bago ang contest kaya todo practice kami ngayon.\
"Aqui bili muna tayo ng tubig, Nauuhaw na ako eh." aya ni Pat at nauna ng tumayo.
"Oh sige tara."
Nagsitayuan din ang tatlo at bumaba na ng stage. Nagsimula na kaming tumungo palabas ng court. Napansin ko na bumabagal ang lakad nilang apat kaya nauna ako sa kanila.
Kaya naman pala. Sa di kalayuan ay ang kumpulan ng mga basketball players. Mga players pala crush ng apat nato.
Nang nasa harap na kami ng kumpulan nila, hindi ko alam kung anong masamang esperitu ng kalampaan ang sumanib kay Kass at bigla siyang natalisod.
"Kass okay ka lang?" tanong ni Jinks at mabilis na dinaluhan si Kass.
"Okay lang. Di ko namalayan na may nakaharang pala na bola." sagot ni Kass at sinubukang tumayo. Pero dahil na sprain ata yung paa nya kaya natumba ulit siya. Buti nalang at nakaalalay sina Jinks at Jhermaine sa kanya kaya di siya nasaktan sa pagkakatumba.
"Buti pa dalhin na natin siya sa barangay clinic para magamot yan." suhesyon ni Pat.
Akmang alalayanin ulit namin si Kass ng marinig naming magsalita si Max. Isa sa mga players.
"Ako na maghahatid sa kanya." presenta nya.
"Hindi na. Kaya na namin to." pagtanggi ni Jhermaine.
"Kahit na apat pa kayo, di nyo kayang buhatin si Kass patungong clinic." sagot nya. Nagkatinginan kaming apat.
"Sinasabi mo bang mabigat ako?" mataray na tanong ni Kass. Buti di to nauutal. Crush nya kaya ang kausap nya.
"Just stating the fact." kibit-balikat na sagot ni Max. Sumang ayon na lang kami sa kanya. Si Kass naman ay parang nainis. Natatawa na lang kami. Sabagay naman kasi, di namin kayang buhatin si Kass kahit apat pa kami. Di naman siya mataba. Malaman lang.
Binuhat na ni Max si Kass. Nakita ko pa na bahagyang namula ang gaga kahit na nakabusangot ang mukha. Humiyaw ang mga kasamahan ni Max na parang chini-cheer siya.
Napatingin kaming apat sa kanila. Bakit ba pag tinitignan ko ang mga players, mata nya agad ang naka abang? At talagang hindi siya nahiya na nahuli ko na naman siyang nakatitig sa akin. Nakangiti pa siya. Galing siguro sa pang aasar nila kay Max. Ang impokrita ko kung hindi ko sasabihin na ang gwapo niya. Lalo na pag nakangiti.
"Aqui tara na." tinig ni Jinks na naging dahilan para maputol ang titigan naming dalawa. Saka ko lang napagtanto na nakahinto lang ako sa harap ng mga players at nakipagtitigan pa sa team captain nila. Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa hiya.
"T-tara." saad ko at nauna ng maglakad. Sumunod din naman agad sina Pat. Shit nakakahiya! Ba't ba kasi ganun siya makatitig? Para akong hinihiptohismo. Ang ganda kasi ng mata niya. Ang itim.
"May crush ka sa team captain nila noh?" pangungutya sakin ni Jhermaine. Sinundot sundot pa nito ang pisngi ko na alam kong namumula pa.
"Tumigil ka nga. Wala ah." tanggi ko. Tumingin silang tatlo sa akin ng nangungutya. Inirapan ko lang sila.
Matapos naming makabili ng maiinom ay agad kaming dumiritso sa court. Nakayuko lang ako habang linalagpasan namin ang mga players. Nahihiya ako dahil sa nangyari kanina.
Buti na lang at mahaba ang oras ng breaktime namin ngayon. Pumuwesto ulit kami sa pwesto namin kanina. Nakihalo narin sina Ginalyn at Nicey sa amin. Kasamahan rin namin sa sayawan.
"Oh, nasan si Kass?" tanong ni Gina.
"Nasa clinic. Na sprain yung paa nya eh." paliwanag naman ni Pat.
"Nasan pala si Rocky? Para ma ipaalam ko sa kanya ang nangyari kay Kass. Para makapag paalam din ako sa kanya na mawawala ako ng tatlong araw." tanong ko sa kanila.
"San ka pupunta?" takang tanong ni Nicey.
"Sa Cebu. Kailangan kong um-attend sa kasal ng pinsan ko eh." sagot ko at tumayo na ng mamataan kong kakapasok lang ni Rocky sa court. I excuse myself to them at nag martsa na patungo kay Rocky na ngayon ay nandun na sa kumpulan ng mga players.
"Rocky." tawag ko sa pansin nya.
"Yes darling?" bumaling siya sakin. Di na naman ako kumportable. Alam kong nakatitig na naman siya. Yung bulate ko sa tiyan ay nagkakagulo na naman. I mentally shook my head.
"Magpapa alam lang sana ako na mawawala ako ng tatlong araw. Dadalo kasi kami sa kasal ng pinsan ko." saad ko.
"No problem darling. Knows mo na naman ang lahat ng steps kaya gora lang." nakangiti niyang sabi.
"May maiiwan pala dito hahahaha!" narinig kong sigaw ng isa sa mga players. Napakunot ang noo ko sa kanila. Si Tyronne yung sumigaw. Actually, kilala ko lahat ng players. Tinatamad lang akong banggitin mga pangalan nila isa-isa.
"San ka pupunta Aqui?" tanong naman ni Dave.
"Cebu." maikli kong sagot.
"Nabalitaan ko pa naman na maraming gwapo dun." sabat naman ni Jake. Bakla ba to?
Biglang tumayo si Luke at pinatalbog ng malakas ang bola bago mag walk out. Nagtawanan naman silang lahat sa naging reaksyon ni Luke. Anong meron?
Di ko na lang pinansin yun at bumalik na lang sa stage. Pagdating ko ay sinalubong agad ako ni Nico. Kasamahan ko rin sa sayawan. May part rin sa sayaw namin na siya ang partner ko.
"Mawawala ka pala ng tatlong araw?" tanong niya. Tumango lang ako. Nakakatamad mag salita.
"Ganun ba?" para namang lumungkot ang ekspresyon nya.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Wala. Pag balik mo, may sasabihin ako sayo. Itong headset mo, pahiram muna ah?" tukoy nya sa headset ko na hiniram nya nung isang araw. Tumango ulit ako.
Ngumiti siya. Showing his perfect white teeth. Gwapo talaga ng mokong kaso di ko type. Aalis na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko. Nagtataka ko siyang tinignan. Tumitig muna siya sakin saka umiling bago binitawan ang kamay ko at bumalik na sa pwesto nya. Ang weird ng lalaking yun.
YOU ARE READING
Secret Relationship
Romance"Palagi na lang bang ganito Aqui? Ise-sekreto na naman natin 'tong relasyon natin? Hanggang kailan ka ba ganyan? Lagi mo na nalang inuuna ang ibang tao kaysa sa sarili mo. Maging selfish ka naman minsan!" irritation is visible in his handsome face. ...