Ehehehe
Hello po mga Virence shippers
Alam ko pong isang year na ako hindi nakaka-update ng aking mga istorya...
Itatry ko pong magsulat (or rather magtype) ng updates this upcoming year...
Ako po kasi ay naging super duper busy this recent year...
Thank you po sa mga shippers na hanggang ngayon ay nagbabasa, nagcocoment, at nagvovote sa mga isinulat ko na mga istorya at kayo ang dahilan kung bakit ako ginaganahang magsulat ng mga bago.
Merry Christmas and a happy New Year po guys!!!
By the way,
Para makabawi ako sa inyo...
Late gift ko sa inyo ito...
Mahaba-haba ito
Hahaha
Ge basa na bago magpasukan!!!
-Chineepie2k17
"1...2...3...
RAVAN!!!!"
Sinigaw ito ng leader ng mga superheroes na kinikilalang The Revengers Squad bago sila makipagbakbakan sa mga kalaban.
Ito na ang araw na kung saan pinagplanuhan ng mga terroristang nagngangalang Malabatuti group na patayin ang mga miyembro ng pamahalaan sa lungsod ng Makati.
Isang taon na ang nakalipas pagkatapos ng laban ng The Revengers Squad kay Miro. Si Emy o mas kinikilalang superhero na si Gandarra ay hindi na nangangailangan ng bertud para maactivate ang kayang mga kapangyarihan, dahil ang kapangyarihan niya ay galing na ngayon sa puso. Kasabay na rin ang pag-bago nito ang kanyang suot at buhok. Naging puti ang kanyang damit at naging pula at nakalugay na ang kanyang buhok.
Kahit maunti lamang ang miyembro ng The Revengers Squad, nahirapan parin ang Malabatuti group na kalabanin ang mga superhero na ito, kaya nag-isip sila ng plano para ma-distract ang mga ito.
"Sumuko na kayo Revengers Squad, nasa amin nang mga kamay ang isa sa mga konsehal ng lungsod na ito!!!"
Ang ngalan ng konsehal na nakuha nila ay walang-iba kundi si Jhong Hilario. Siya ay kilala bilang half-time actor at host sa ABS-CBN, at konsehal sa lungsod ng Makati.
"Tulong, tulong, hindi pa ako nakakapost ng vlog sa araw na ito, baka magalit mga followers ko!!!"
Ay grabe, magvovlog lang pala ito...
Inisip ni Gandarra. Alam niyang makakasayang lang ito ng kanyang oras kaya itinawag niya si Barna para asikasuhin ang taong ito. Buti nalang rin ay pumayag ang kanyang kaibigan.Sipa dito, suntok doon, tingin dito, ilag doon. Ito ay isa sa mga typical na araw ng paglaban para sa pamilyang ito. Kahit medyo mahirap at nakakatakot ang trabahong ito, masaya pa rin sila sa pagtulong sa mga taong nasa panganib.
Pagkatapos ng kanilang paghihirap, sila ay muling nagwagi.
"Maraming maraming salamat sa inyo The Revengers Squad at muli ninyo kaming natulungan sa araw na ito."
Maligayang pasasalamat ng mayor ng lungsod na ito.
"Walang anuman po, basta nandito po kami lagi para protektahan kayong lahat."
Sambit ni Cassy na mas kilala sa pangalan na Kweenie.
"Hindi namin alam kung paano namin babayaran ang inyong kabutihan."
BINABASA MO ANG
ViRence One Shots
Fiksi PenggemarBecause I really love ViRence... I made one shots!! And kasi andami Kong naiisip na one shots and of course There are mostly very "INNOCENT" One shots Because of my very random and wild imaginations... Kathang isip lamang po ito 'kay po. Enjoy....