Nico's POV
"What was that??!" tanong ko sa mga kasama ko dito sa gym nakakapagod mag conduct ng audition para lang ma stress ka dahil wala kang matinong mapili at nang sandaling may nagustuhan kang boses eh tumatakbo naman palabas ng gym.
"Wait lang" sabi ni Adrian atsaka tumakbo paalis ng gym.
"I smell something fishyy" sabi ng chismosong si Thor.
"Anong fishy bang sinasabi mo Thor?" tanong ko dito.
"Parang yun yata yung ka MU ni Adrian" sabi ni Angelo.
"Parang yun yata nakita ko sila dati na sweet sweetan sa may Botanical Garden eh" Law
"Hmmmm.." sabay nod naman nung Jaguars.
"Pero balita ko may fiancè na si Adrian kaya they call it quits" kapagkuwang sabi ni Thaddeus
Like seriously ako lang ba ang walang alam na may naging ka MU si Adrian dito sa school? Well wala naman akong pakialam kong may ka MU siya o wala di naman ako tsismoso katulad ng mga to.
"Gusto ko yung babae na maging vocalist sa banda natin" sabi ko sa kanila at nanlaki naman yung mga mata nila bakit ba?
"Seryoso ka?" tanong nila
"Oo bakit..? maganda yung boses niya atsaka wala akong pakialam kong ex niya si Adrian" sabi ko sabay alis ng gym bahala sila sa buhay nila maka uwi na nga gusto ko nang mag pahinga.
Adrian's POV
Hinabol ko si Tammy pagkatapos niyang tumakbo palabas ng gym alam kong nasasaktan pa rin siya sa nangyari samin sino bang hindi? All my life minahal ko si Tammy bata palang kami crush ko na siya kaya nga ang saya saya ko nung sabihin niya sakin na crush niya rin ako pero wala humantong pa rin kami sa ganito bakit ba kasi na uso pa yung arranged marraige na yan!! Di ko alam na may ganun pala na may nakatakda na palang ipakasal sakin sinabi lang sakin ni Mommy nung time na nalaman niya na may something samin ni Tammy nagalit ako di ko alam kung ano yung gagawin ko mahal na mahal ko si Tammy pero anong magagawa ko highschool palang ako kahit na may pamana ako from my grandparents di pa din mapasakin yun hangga't di ako tumuntong sa edad na 20.
Naabutan ko si Tammy sa may Botanical Garden umiiyak na naman siya kasalanan ko na naman kung bakit nag kaganito siya.
"Tammy" tawag ko sa kanya nilingon niya lang ako at di pinansin. Sh*t
"Tammy im sorry..." paumanhin ko sa kanya wala naman akong ibang masabi sa kanya kundi yun lang.
"Alam mo ba na ang saya-saya ko kapag nandito ako sa Botanical Garden? biglang sabi niya sakin.
"Kasi naalala ko dito, dito ko sinabi sayo na gusto kita at nalaman kung matagal mo na din pala akong gusto Adrian" sabi niya sabay punas nung luha niya.
"Ang saya-saya ko nun na para bang nasa cloudnine yung feeling akala ko perfect na tayo eh akala ko tayo na talaga sabi ko pa sayo na huwag mo na akong ligawan di ba kasi highschool palang tayo na ok lang kasi alam naman natin yung nararamdaman natin sa isa't-isa" sabi niya habang patuloy pa rin sa pag iyak. "pero bakit? anong nangyari Adrian? bakit ang sakit-sakit?"
"Tammy alam kong masakit kasi ako mismo nasasaktan din kasalanan ko to di ko alam na may ganun na pala kung sana alam ko lang di nako nagpapansin sayo sana di na lang ako lumapit sayo" sabi ko sa kanya habang umiiyak na rin.Mahal na mahal ko tong babaeng to at doble yung sakit na naranasan ko dahil alam kong ako yung dahilan kung bakit siya nasasaktan. "Ang tanga ko ang tanga-tanga ko" patuloy kong sabi habang sinusuntok ko yung dibdib ko.
"Shhhhh..tama na..wag mong saktan yung sarili mo Adrian ano ka ba!" sigaw niya " Di mo kasalanan kung bakit tayo umabot sa ganito wala naman tayong masisi kung bakit nangyari to siguro dapat na nating kalimutan na merong naging tayo na merong naging Tammy na nagmamahal sayo" sabi niya habang nakangiti sakin.
"Di ko kaya Tammy...di ko kaya" hikbi kong sabi sa kanya.
"Kayanin mo Adrian kasi from now on i'll forget about you coming into my life..Goodbye Adrian" sabi niya atsaka humalik sa pisngi ko at umalis.
Bakit ba sakin nangyari to...? Ano bang kasalanan ko para magdusa ako ng ganito?!!
YOU ARE READING
Love and Lies
Fiksi RemajaTamarra Mionette is a nice girl in their school kahit nasaktan siya sa kanyang first love pinilit niyang bumangon at kalimutan ang salitang love... Nico Ryan is a snob boy in their school kinalimutan niya rin ang salitang love simula nung iwan rin s...