Chapter 6

10 0 0
                                    

Tammy's POV

Kasalukuyan po akong nandito sa Love booth tssss... ang baho naman dito parang may patay dami kasing kandila na nakapaligid yung mga kandila kasi naka heart shape siya tas nasa gitna yung table na inu-upuan ko tas may mga rose petals sa paligid ewww lang ng set-up 😑 nagmamasid lang ako ng biglang bumukas ang pinto at nan laki ang mata ko nung napagtanto ko kung sino yung iniluwa sa pinto!!  it's Maxrill..

"Ahmm..do you mind?" sabi niya habang nakaturo sa uouan na nasa tapat ko

"No..it's ok upo ka" sabi ko sa kanya.

"Ang lupit ng mga student council representatives parang may lahing Flash kung makatakbo.." nakangiti niyang sabi.

Ang cute talaga nang lalaking to kaya palaging hinahabol habol to ng mga kababaihan eh.

"Sino kayang nag blind date satin noh?" tanong niya sakin.

"Ewan nagtatago nga ko sa likod nang classroom namin eh para di mahuli tapos ang ending NAHULI PA RIN AKO!!! yung Betamax ko..huhuhu" sabi ko habang naiiyak ang hirap pa namang makita sa bbq booth nung betamax 😭😭

"Hahahaha..ang cute mo.." malakas na tawa niyang sabi.

Sh**t ang gwapo talaga nitong Maxrill na to kaya madaming nahuhumaling eh pati na ang lokang si Cassidy..

Beeep!! (wag ka tunog yan nang message tone)

0934******

Hi Tammy this is Thor inform ko lang na 2pm yung band practice natin bukas :)

"Saan kaya niya nakuha number ko??" tanong ko sa isip ko pagkatapos kong mabasa ang text ni Thor.

"Ahmm..di ba ikaw yung napili ng The Abstract na maging vocalist" tanong ni Maxrill sakin.

"Ahh..Oo ako nga Tammara Tammy for short :)..?" pakilala ko sa kanya.

"Im sorry about your betamax ililibre kita next time sa ihawan na suki ko maraming betamax dun.."

"Really..!!! ^_^ naku nakakahiya naman..mahilig ka din pala sa bbq? " tanong ko sa kanya.

"Yeah..huwag ka nang mahiya sakin..ok lang ba-"

"Sure..sure ok na ok sa'kin thank you in advance Maxrill..hehe..sige alis na ko naiwan ko kasi yung mga friends ko sa school ground" tsaka tumayo palabas ng Love Booth.

"Sige..sabay na tayong lumabas di ko rin gusto ang amoy dito sa loob eh" - Maxrill.

"Oo nga parang may patay lang eh..aksaya sa kandila tong mga taong to.." sabi ko habang naglalakad.

" Hahaha..by the way nice meeting you Tammara :)" sabay lahad niya ng kamay.

"Nice meeting you too Maxrill sige una na ko pupuntahan ko pa mga friends ko :)" sabi ko sabay tanggap ng kamay niya.

Nakangiti akong naglalakad kasi na e-excite ako sa Betamax na iilibre ni Maxrill next time..hihihi

"Hoy!! anyareeh sayo..?" tanong ni Maureen sakin.

"Hehe..wala Best Mau bakit..?" balik kong tanong sa kanya.

"Para kang tangeh ngumingiti wala ka namang kasama sinong na blind date mo't parang kinikilig ka..?" ma intrigang tanong ni Mau.

"Wala yung campus playboy ang naka blind date ko" sabi ko sa kanilang dalawa.

"Whattt??!! ang swerte mo Tammy girl ang dami kayang nagkakandarapa kay Maxrill my loves 😍" ang laki ng ngiti ni Cass habang binabanggit ang pangalan ng playboy na yun..

"At isa ka na dun..hahaha"

"At isa ka na dun..hahaha" sabay naming sabi ni Maureen kay Cass na ikinanguso ng huli di mo naman din masisisi si Cass kung magka gusto siya sa Maxrill na yun may dating din naman kasi playboy nga lang.

"Kung ako sayo Cassidy kung ayaw mong masaktan maghanap ka nang ibang gugustuhin wag yang si Maxrill ang daming babae kayang pinaiyak yan..ayokong nakikita kang luhaan.." sabi ni Maureen kay Cassidy parang Nanay lang ang peg.

"Mau pasasaan ba't titino din yan si Maxrill kapag ako na yung girlfriend niya..tiwala lang Bess" positibong sabi nito habang nakangiti.

"Ewan ko sa inyo..by the way guys my schedule nako for band practice.." sabi ko sa kanila.

"Talaga kailan daw Best?" tanong ni Maureen.

"2pm bukas haystt..di nako makakalibot sa school ground.. :(" malungkot kong sambit.

"Ok lang yan Tammy girl baka maaga kayong matapos makakalibot ka pa rin." pangaalo sakin ni Cassidy.

"Oo nga text-text nalang tayo para makasama pa rin natin ang isa't-isa ok.." sabi ni Maureen.

Pumunta pa kaming Moon Cafe para usisain nila yung naging blind date kono namin ni Maxrill at pagkatapos ay umuwi na.

Nico's POV

"Na text niyo na ba yung vocalist natin?" tanong ko sa Jaguars nasa tambayan kaming lahat ngayon nagpapahinga galing basketball practice.Malapit nang mag 2pm wala pa rin siya.

"Oo Nics na text ko siya kahapon" sabi ni Thor habang pinupunasan ang pawis niya.

"May napili na pala akong tatlong kanta na pa-practisan natin.." sabi ko sa kanila habang pinupunasan din ang sariling pawis.

"Talaga Nics anong mga kanta ang napili mo..?" tanong ni Thor habang as usual tinitingnan ang sarili niya sa salamin bakla yata talaga ang g*go.

"Breakeven, Secrets atsaka Sundo.." -ako

"Sorry am i late..?" sabi ng bagong dating na si Tammara.

"Yo Tammy kanina pa kita tinitext ah..ba't antagal mo?" tanong ni Thor habang nakangiti sa bagong dating.

"Ha..? ikaw pala yun?" tanong nito.

"Oo ako yung nag text..akala ko ba na save mo na yung number ko nagkatext pa nga tayo kahapon.." -Thor

"Hehe..sorry Thor di ko na save yung phone number mo..na block kita..akala ko nagpa-prank lang eh" tawang sabi rin ng huli.

Close na pala sila kailan pa..? Tsss..wala naman akong paki si Thor pa friendly yang bakla na yan.

"Ano!! grabe ka naman Tammy..ako prankster nakakasakit ka naman ng feelings :(" pagda-drama nito.

"Sorry na..i u-unblock ko na heto na" nilabas niya naman ang phone niya at kinalikot.

"May napili na kaming kanta para kakantahin" putol ko sa usapan nila at pinakita yung mga kantang napili ko sa kanya "ok lang ba sayo?"

Lumapit naman siya at tiningnan ang hawak kong ipad "Hmmm..ok lang kaya yan.." sabi niya sakin habang naka thumbs up.

"Good..siya nga pala dito lang sa tambayan namin tayo mag pa-practice kompleto naman dito" ako habang pumunta sa guitar bass ko "magsimula na tayo para maaga tayong matapos" sabi ko sa ibang member at nagsitayuan naman sila't pumwesto na sa kani-kanilang puwesto.

"Aye..aye Captain.!!" sagot ni Thor.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love and LiesWhere stories live. Discover now