Tammy's POV
Tumatakbo ako habang umiiyak hanggang sa napunta ako dito sa Botanical Garden kung saan maraming memories samin ni Adrian, dito kami nag simula at dito rin kami natapos..
"Tammy" sh*t tawag sakin ni Adrian.
Bat ba sinundan pa ko nito..
"Tammy im sorry..." sabi pa rin niya habang nag bre-breakdown na yung boses niya.
Wala ka namang masabing iba kundi sorry eh..Sorry kasi wala kang magawa sorry kasi di mo alam na hahantong tayo sa ganito...sorry puro na lang sorry.. sabi ng isip ko pero di ko na kayang manumbat pa kay Adrian kasi lalong sasakit kung paulit ulit niyang ipamukha sakin na wala siyang magagawa na wala kaming magagawa..
"Alam mo ba na ang saya-saya ko kapag nandito ako sa Botanical Garden? biglang sabi ko sa kanya.
"Kasi dito ko sinabi sayo na gusto kita at nalaman kung matagal mo na din pala akong gusto Adrian" sabi ko sabay punas nang luha ko.
"Ang saya-saya ko nun na para bang nasa cloudnine yung feeling akala ko perfect na tayo eh akala ko tayo na talaga sabi ko pa sayo na huwag mo na akng ligawan di ba kasi highschool palang tayo, na ok lang kasi alam naman natin yung nararamdaman natin sa isa't-isa" sabi ko habang patuloy pa rin sa pag iyak. "pero bakit? anong nangyari Adrian? bakit ang sakit-sakit?"
"Tammy alam kong masakit kasi ako mismo nasasaktan din kasalanan ko to di ko alam na may ganun na pala kung sana alam ko lang di nako nagpapansin sayo sana di na lang ako lumapit sayo" sabi niya sakin habang umiiyak na rin. "Ang tanga ko ang tanga-tanga ko" patuloy niyang sabi habang sinusuntok niya yung dibdib niya.
Aishh..ano bang ginagawa nang taong to eto yung kinakatakutan ko sa kanya kaya niyang saktan yung sarili niya kapag alam niyang may kasalanan siya..
"Shhhhh..tama na..wag mong saktan yung sarili mo Adrian ano ka ba!" sigaw ko " Di mo kasalanan kung bakit tayo umabot sa ganito wala naman tayong masisi kung bakit nangyari to siguro dapat na nating kalimutan na merong naging tayo" "kahit wala naman talaga"..dugtong ng isip ko.. " na merong naging Tammy na nagmamahal sayo" sabi ko habang nakangiti sa kanya.
"Di ko kaya Tammy...di ko kaya" humihikbi niyang sabi sakin.
Ano ba Adrian wag mo naman akong pahirapan pa..di ko na kasi talaga kaya...
"Kayanin mo Adrian kasi from now on i'll forget about you, coming into my life..Goodbye Adrian" sabi ko atsaka humalik sa pisngi niya at umalis.
Last na yun from now on kakalimutan kung merong Adrian Louis Chang na naging parte ng buhay ko...
Maureen's POV
Shockksss..nagka POV din salamat author (shatap -A) ok -_-
Kasalakuyang nandito kami ni Cass sa tapat ng Botanical Garden pagkatapos tumakbo ni Best Tammy palabas ng gym ay sinundan namin si Tammy at nakita nga namin na sinundan din siya ni Adrian perfect naman talaga sana yung kung ano meron sa kanila eh pero sad lang kasi may fiancè na pala siya.Akalain mo yun uso pa yun ngayon hay naku nakaka awa ang bestfriend ko minsan na nga lang mag ka lovelife palpak pa..tsk..tsk..kaya ayoko muna nung love eh masakit..
"Best Mau nakaka awa sila Adrian at Best Tammy :( " naiiyak nang sabi ni Cass sakin tsss..parang bata talaga to napaka iyakin.
" Wala naman tayong maitutulong sa kanila eh mahirap kalabanin ang parents Cass masakit man sa'tin na nagkaganyan sila pero yung magagawa lang naman talaga natin ay i comfort si Tammy" sabi ko Cass habang punapanuod na mag usap sila Adrian at Best.

YOU ARE READING
Love and Lies
Teen FictionTamarra Mionette is a nice girl in their school kahit nasaktan siya sa kanyang first love pinilit niyang bumangon at kalimutan ang salitang love... Nico Ryan is a snob boy in their school kinalimutan niya rin ang salitang love simula nung iwan rin s...