Entry #1

45 3 0
                                    

Mula sa aking sariling karanasan:

Noong grade 3 palang ako namatay na ang lola ko.

isang araw pagkatapos ng 4 na buwan na pagkamatay niya, pumunta ako sa kusina namin para tumingin ng makakain sa refrigerator namin.

nakakita ako doon ng mansanas, pagkatapos ay pumunta na ako sa sala para manood at doon kainin ang mansanas ko.

sabado noon kaya wala akong pasok, pero ako lang at ang tita ko ang nasa bahay dahil may trabaho ang parents ko.

bandang mga tanghali iyon at naglalaba si tita ng mga oras na iyon.

habang nanonood ako ng eat bulaga at tawa ng tawa, nakita kong pumanik si tita ng hagdan at may dala itong planggana na may lamang damit.

kahit alam kong magsasampay siya, tinanong ko parin siya.

"Tita magsasampay ka na?"

hindi niya ako sinagot at patuloy parin siya sa pagakyat, inisip ko na siguro ay nainis siya sa tanong ko dahil obvious naman na yun ang gagawin niya pero tinanong ko pa.

inisip ko pa na baka mainit ang ulo niya dahil pagod siya kaya talagang may posibility na mainis siya sakin.

nang mapansin ko na magpatalastas sa t.v, agad akong pumanik para tulungan si tita.

para naman mawala kahit kaunti ang inis niya sakin.

pagkapanik ko, sumilip ako sa may bintana para makita si tita sa may terrace na nagsasampay, pero wala akong nakitang nagsasampay doon,

pero hindi kasi lahat ng bahagi ng terrace ay makikita mo kapag sumilip ka doon sa bintana, kalahating portion lang ng terrace ang makikita mo so inisip ko na baka nasa kabilang side siya nag sasampay.

kaya nagdeside na akong buksan ang pinto papuntang terrace at puntahan si tita.

laking gulat ko ng wala akong taong nakita doon, ni walang anino ng tita ko ang nagsasampay doon.

nanlaki ang mata ko at kinilabutan, nataranta pa ako, hindi ko lubos maisip kung panong nangyaring wala si tita doon gayung nakita ng dalawang mata ko na pumanik siya para magsampay.

sa takot ko, tumakbo ako pababa, agad kong pinuntahan sa labahan si tita, at nakita ko siya doon!

bigla niya naman akong tinanong ng "ohh.. bakit?"

sa sobrang takot, ikinuwento ko kay tita ang nakita ko, siya din ay tinayuan ng balahibo at natakot.

sabi niya sakin DOPPEL GANGER daw ang tawag doon, may ispiritong nang gagaya ng katauhan ng ibang buhay na tao.

pero hindi pa diyan nagtatapos ang nakakakilabot na pangyayari.

sa takot ni tita nagpasama siya sakin sa taas para mag sampay.

papanik pa lang kami, nang pagkatingin namin sa pinaka taas na baitang ng hagdan.

napasigaw at napatakbo kami palabas ng bahay ng makita doon.

Ang NAMATAY kong LOLA, nakaupo siya doon at nkatulala. katulad ng pagkakaupo niya sa kanyang wheel chair noong may sakit pa siya.

simula noon napagdesisyonan ng parents ko na magpa blessed ulit ng buong bahay.

~~~~~~~~~

Guy's! natakot na ba kayo? uulitin ko totoo ang pangyayari na inyong nabasa, base sa aking tunay na karanasan.

abangan niyo pa po ang mga susunod na kakakilabot stories.

Maniniwala Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon