Entry #2

36 3 0
                                    

Ang kwentong ito ay base sa karanasan ng isa sa aking kaibigan na itago natin sa pangalang Lenny.

Noon pa lang mahilig nang mag babad sa computer itong lenny, simula umaga hanggang madaling araw siya nag cocomputer.

tanging pagkain, pagligo, pagccr lang pahinga niya.

minsan nagagalit pa siya sa mama niya kapag inuutusan siya, kasi naiistorbo daw ang pag cocomputer niya.

at dahil sa hilig sa computer, Information Technology din ang napili niyang kurso noong mag college na siya.

May kaya ang pamilya nila kaya nakapag tayo sila ng isang maliit na business, which is Computer Shop.

naikukukwento niya saaming mga kaibigan niya na regalo daw sakanya iyon ng kanyang magulang, siya ang nag mamanage nito at nangangalaga dito.

madalas napupuno ng tao ang computer shop niyang ito, lalo na kapag bakasyon ng mga estudyanteng mahilig maglaro ng online games.

siya naman, madalas siyang nasa computer shop niya, gusto niya daw kasing maging hands on sa business niya, pero minsan hindi siya ang nagbabantay dito dahil pumapasok siya sa iskwelahan.

ang mama niya ang katuwang sa pagbabantay dito.

minsan, ginabi siya sa pagbabantay ng shop niya, dahil marami ang mga customers niya, inabot siya doon ng 12:30pm, ayon sa kanya meron pa siyang 4 na customers noong mga oras na yun.

may nag lalaro, nakikipag chat at nag kung anu ano pa ang ginagawa.

habang naghihintay matapos ang oras ng 4 na customers, nag pasya siyang mag youtube at manood ng paborito niyang show sa tv ang Gandang Gabi Vice ng abs-cbn.

binabalikan niya ang mga hindi niya napanuod na episodes nito.

dahil sobrang nakakatawa ang mga jokes ng paborito niya namang hosts nito, sobra siyang tawa ng tawa hanggang hindi niya mapansing may pumasok na palang isang matandang lalaki at umupo

inokupuhan (Occupied) ang isang unit ng computer.

may tumayo naman na isang customer dahil time na siya sa pag arkila ng computer, nagbayad sakanya ang customer at nang mapatingin siya sa mga nag cocomputer, nakita niyang apat na ito,

dapat ay tatlo nalang dahil umalis na ang isa, nakita niya ang isang matanda, hindi iyon nagsabi na ookupahan ang isang unit kaya hindi niya ito napansin.

kahit matanda na ang lalaki, makikita sa katawan nito na kaya pa nitong maglakad at pumunta kung saan nito gusto ng walang nagbabantay sakanya which means hindi pa mahina si lolo kung titignan.

napataas ang isa niya kilay dahil sa ginawa nito, pero hindi niya ito kinumpronta, inisip niya na baka nag uulyanin lang ang matanda at kung sasabihan niya ito ay baka hindi lang sila magkaintindihan nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maniniwala Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon