{7} School

293 23 2
                                        

[Sehun's POV]

Hayyst. Nakakatawa talaga si Yoona. Ang sarap niyang asarin. Lalo na kapag nakita momg umiiyak dahil kay Luhan. Mahal niya talaga si Luhan eh. Wala tayong magagawa.

Psh. Ako yung nagsalita nung nasa Cherry Blossoms kami. Yung sinabi nyang may bad spirits at ang creepy. Tss. Ang cute niyang matakot. Sarap pagtawanan.

Nagkataon lang naman na nadun din ako. Malay ko bang naggagala siya. Destiny. Huh? Anong destiny? Haynako. Pagbigyan niyo na nga ang mga brain cells ko.

Nandito ako sa school namin. Magkaklase pala kami ni Yoona. Hirap din mag-adjust ngayon sa Korea. Lalo na kapag di ka naman nabuhay dito ng ilang taon.

Naglalakad ako papunta sa classroom. Nang may sumigaw ng name ko. "Sehun! Sehun!" paglingon ko. Si Yoona pala. Hinga, hahaha. "Magkaklase tayo?" tanong niya.

Nagnod ako. "Malas nga eh." sabi ko. Aasarin ko lang naman siya.

Hinampas niya ako. Aray! "Anong malas ang sinasabi mo?" sabi niya na may pagkainis.

Nagsmile ako. "Ikaw." sagot ko.

"Arghhh! Ewan ko sayo." sabi niya. Galit na siya. Ang cute pa din niya habang galit. Napatawa naman ako.

"Bakit ka natawa?" tanong niya.

"Ang cute mo kasi tignan kapag naasar ka." Sabi ko.

Inirapan niya lang ako. "Wag mo nga akong lokohin." Sabi niya. Tss.

"Hindi kita niloloko. Ikaw na nga sinasabihan ko ng 'Cute' ayaw mo pa! Tss. Sa tingin mo, paano ka nagustuhan ni Luhan?" tanong ko. Nagulat siya. May nasabi ba akong mali?

"Huh?" sabi nya. inirapan niya lang ako at umalis na.

"Tss. Yoong!" sigaw ko. di siya lumingon at tuloy-tuloy pa din sa paglalakad.

Pagdating ko ng room, nakita ko si Yoona. Sisirain niya ata ang cellphone nya sa kakapindot eh. Mukha kasi siyang naiinis or galit. Ano kayang problema? Chismoso ko.

Lumapit ako sa kanya at tumabi. Tinititigan ko lang siya habang naka-slouch siya at nagtetext.

"Psst." sabi ko. tumingin siya sa akin.

"What?" sabi niya. bad mood agad?

"Sisirain mo ba yan phone mo?" tanong ko. inirapan na naman ako.

Umiling-iling siya. "B-busy ba talaga si Luhan sa school?" tanong niya.

Napaisip muna ako. Matalino naman kasi si Luhan. College na din siya. Pati accountancy ang kinukuha niya. Kaya medyo busy siya. Vice-President pa ata yun sa section nila.

"Oo. Busy yun. College na nga diba siya? Atsaka, bakit mo naman yun naitanong?" paliwanag ko sa kanya.

Huminga muna siya nang malalim. "Ahh. Sana naman i-text pa din nya ako or kahit tawagan man lang." sabi nya na mukhang malungkot. "P-pero w-wait lang talaga. Ang dami kong i-tatanong sayo eh."

"Ano yun?" sabi ko.

Ngumiti naman siya. "Kayo pa ba ni Tiffany?" tanong nya na kinagulat ko. syempre, nag-break na kami eh. may issue na kailangan kong itago muna. kaya nandito ako sa Korea.

"Huh? Ano nga ulet?" sabi ko kunwari di ko narinig. uulitin nya sana pero dumating na agad ang teacher namin.

Nagsi-tayuan lahat at binati naman namin ang Teacher namin. "joh-eun achim-ibnida, seonsaengnim." (Good Morning, teacher.)

"Jeun Achimimnida. Please sit down." sabi naman niya. marunong pala mag-English. mabuti naman kung sa gayon.

Habang naglelesson si Mam. Wala akong kamalay-malay. Di ako nakikinig. Syempre, di ako magaling mag-Korean noh. Pero kakayanin pa din naman. Tinatamad lang talaga ako. Napatingin ako kay Yoona. Tss. Nagsusulat sa notebook niya nang walang ka-kwenta kwenta.

Seconds of Him (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon