Chapter 2- Set Point Of Love

91 2 0
                                    

Nathalie/Alie's POV

Matapos ko mahimasmasan ay lumabas na ako ng CR. Naglakad ako pabalik sa gym kahit na kinakabahan. Hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan si Kathie matapos ng narinig ko kanina. >///<

Kathie: "Hi Alie!"

Speaking of the devil, ay hindi pala. Erase erase. Walang akong sinabing ganun ah.

Alie: "H-hello K-kathie!

Nauutal na sagot ko. I manage to fake a smile. Sana lang hindi niya nahalata.

Naglakad na ako papunta sa iba kong teammates.

Alie: "Ready na kayo guys? Start na tayo!"

"Yes Captain!", they said in chorus.

At nagsimula na nga kami. Ganun pa din naman ang mga techniques na ginagawa namin. Sana lang manalo kami sa nalalapit na tournament. Para naman makalaban kami sa Asian tournament. Kung saka-sakali makakapagdala pa kami ng bagong achievement para sa Pilipinas.

Alie: "Lindsey kaya mo yan! Bilisan mo pa, kaya mo yan. May tiwala kami sayo."

Si Lindsey kasi ang libero namin kaya kailangan mabilis talaga siya.

*****

After 5 hours.....

Oo, 5 hours kami nagpractice kasi malapit na ang tourament kaya kailangan talaga magpractice ng magpractice.

Lindsey: "Salamat Captain ah. Salamat sa pag-encourage."

Alie: " Wala yun. Alam ko naman na kaya mo yan eh."

Lindsey: "Salamat sa tiwala Captain. Sige una na ako, ingat ka."

Alie: "Sige. Ikaw din."

At umalis na si Lindsey.

Ngayon hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Nemuel yung narinig ko kanina. Naaawa kasi ako sa kanya. Kitang-kita sa mga mata niya kung gaano niya kamahal si Kathie. Kaso maniniwala ba siya sa akin? It's me vs. Kathie ang laban. :/ Bahala na nga!  Basta kailangan niyang malaman to.

Agad akong nagpunta sa kabilang gym para hanapin si Nemuel. At hindi nga ako nagkamali, nandito nga siya.

"Ano Alie? Ready ka na ba? Pwede ka pang umatras habang maaga pa. Itutuloy mo pa ba ito? Tama ba ang gagawin mo?" Bulong ko sa sarili ko. Please help me God. Hindi ko alamkung tama ba to o hindi basta concern lang ako.

Set Point Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon