Chapter 13- Set Point Of Love

64 0 4
                                    

(A/N: Last 3 chapters! Yieeee. XDD Lapit ng malaman ang ending ng love story nina Nej at Alie. Would it be a happy? Or a sad one? Ay taruuyy! XD O cya, eto naaaaaa!)

Alie's POV

Ika-8 araw na ng panliligaw saakin ni Nej ngayon. Gusto ko na nga siyang sagutin eh kaso syempre gusto niyang patunayan na deserving 'daw' siya para sa pagmamahal ko kaya maghihintay na lang ako ng right time.

Katatapos lang ng volleyball practice namin. Dadaanan ko si Nej sa kabilang gym kasi sabay kaming nauwi or should I say na hinahatid niya ako. Alam na rin pala ni Mama na niligawan ako ni Nej. Hindi nga napayag si Mama na magkaroon ako ng boyfrined eh pero nung nakilala si Nej, aba, botong boto siya. Ang sabi pa wag ko daw pahirapan. Tsk.

Nang makita ko si Nej sa malayo ay napangiti ako. Lalapit na sana ako sa kanya kaso bigla siyang tinawag ni........ KATHIE?!? Kaya agad akongnagtago sa isang sulok malapit sa kanila. Alam ko na msamang makinig sa usapan ng iba pero ito lang naman eh. Pagbigyan niyo na ako.

Kathie: "Kamutsa naman kayo ni Alie?"

Nej: "We're actually fine and happy."

Kathie: "Ahh... That's good."

Nej: "Yeah. I think so."

Kathie: "Do you really love her?"

Seryoso si Kathie nang itanong niya yan kay Nej. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya.

Nej: "Y-yes, I really love her."

Pero bakit nauutal siya? Parang hindi siya sigurado. =(

Kathie: "Ahh.. Eh ako? Do you still love me?"

Bat ba siya nagtatanong ng ganyan? Akala ko ba ok na ang lahat pero bakit ganito? Paano kung mahal pa nga siya ni Nej? Paano ako? Sila magiging okay tapos ako iiwan nila sa ere? Rebound lang ba ako?

Nej: "Yes. I still love you..."

Para akong pinagbaksakan ng langit at lupa nang marinig ko yun. Ang sakit eh. Yung akala mo okay na, magiging masaya ka na, yun pala hindi totoo ang lahat. Siguro nga panaginip lang ang lahat. A nightmare actually. Ayoko na, ayoko nang marinig ang iba pa nilang pag-uusapan. Masyado ng masakit, ayoko ng magpakamartyr or rather t*ng@.

Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang patalikod. Blurred ang nakikita ko dahil sa mga luhang nag-uunahang pumatak mula sa aking mga mata kaya hindi ko na alam kung saan ba ako papunta, ang tanging alam ko lang ay gusto kong umalis dito, gusto kong takasan ang mga narinig ko.

                               *BOOGGG*

Set Point Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon