Chapter 3- Set Point Of Love

78 2 0
  • Dedicated kay Nicole Lopez
                                    

Nathalie/Alie's POV

Naglalakad ako papasok sa gym ng makita ko si Nej, nakatayo lang siya. Balak ko na sana siyang lampasan ngunit napatigil ako ng makita ko ang tinititigan niya. O______________________O

Sobra akong nagulat ng makita ko SILA. Kahit malayo alam ko na si Kathie yun at si Coach Migs, magkahalikan sila. Nakaramdam nanaman ako ng awa para kay Nej. Alam ko naman na masakit para sa kanya ang nakikita niya. Bakit nga ba siya nagpapakamartyr?

Agad ko siyang nilapitan.

Alie: "Ayan na ang ibedensiya na hinahanap mo Nej. Hindi ka pa rin ba naniniwala sa akin?"

Nej: "Masaya ka ba Alie? Oo, tama ka, ang tanga tanga ko nga. Nagpaloko ako."

Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yan. Kitang-kita ng dalawang kong mga mata ang unti-unting pagbagsak ng luha niya. Isa lang ang na-realize ko "Mahal na mahal nga niya si Kathie."

Tinalikuran niya ako at naglakad na papalayo pero hinabol ko siya.

Alie: " Ganun ganun na lang ba yun Nej? Hindi ka man lang gagawa ng paraan para malaman kung bakit nila to nagawa sayo? Hanggang kailan ka magbubulag-bulagan? Ha?"

Inis kong sambit.

Nej: "Para ano? Para lalo lang akong magmukhang tanga? H'wag na lang. Masyado na akong nasaktan."

Alie: "Hindi ka man lang makikipag-break kay Kathie? Ano ba talagang plano mo?"

Nej: "Bat ko naman gagawin yan? Mahal ko siya, mahal ko si Kathie, mahirap ba intindihin yun?"

Alie: "Kaya handa kang magpakatanga?Kahit alam mo na ang totoo. Hindi kita maintindihan."

Nej: "Kahit kailan hindi mo ako maiintindihan. Hindi ka pa naman nagmamahal diba? Kaya pano mo ko maiintindihan? Wala kang karapatan na utusan ako kung ano dapat ang gagawin dahil WALA KANG ALAM."

Tinamaan ako sa sinabi niya. SAPUL. SAKLAP. SAKIT.

Alie: "Maiintindihan kita kung magpapaintindi ka. Hanggang kailan mo balak magpaka-martyr? Alam ko na nasasaktan ka pero naisip mo ba na MAS masasaktan ka pa kung hahayaan mong ipagpatuloy ang relasyon niyo ni Kathie? Alam ko na wala naman talaga akong kinalaman sa inyo pero gusto ko lang naman tumulong."

Nej: "Siguro nga, tama ka. Pero anong magagawa ko? Ano bang kasalanan lo? Ano bang masama sa ginawa ko? Nagmahal lang naman ako, nagmahal lang ako Alie."

Ramdam ko ang kanyang senseridad nang sabihin niya yan. Alam ko namang mahal na mahal niya si Kathie eh.Dahil hindi naman siya masasaktan ng ganito kung hindi siya nagmamahal ng totoo. At alam ko malapit na siyang umiyak.

Alie: "Alam ko naman yan Nej. Hindi mo naman kasalanan. Sa totoo nga hindi kasalanan magmahal. Alam mo kung anong mali mo? Sa maling tao ka nagmahal. Pero wala naman akong magagawa eh. Dahil alam ko na hindi natin kayang turuan ang puso kung sino ang dapat mahalin at sino ang hindi."

Set Point Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon