Chapter 7- Set Point Of Love

61 1 2
                                    

(A:N: Hallluuuhhh!! Ito na po ang suppppeeeeeeeeeeerrrr delayed na UD. Haha. Sorry, busy kashi eh, Pagpasensyahan na po. Hope you'll like it! 8 more chapters to go, matatapos na to. :( Sorry sa mga wrong typo's nagmamadali kasi eh. XD )

Alie's POV

Ngayon na ang tournament namin. Dumeretso kami sa venue ng laban. Medyo kinakabahan ako kaso kailangan kong magpakatatag. Kailangan naming manalo dito kaya para sa team namin kakayanin ko.

Isa-isa kaming tinawag. Sumunod namang ipinakilala ang mga players sa kabilang team. Matapos ipakilala lahat ng players ay nag-umpisa na, nasa kalaban ang bola, sinerve nila ito. Ni-receive naman ito ni Mich, pagkatapos ay sinet ni KathiEe, at ini-spike ko naman ito pabalik sa kanila. Nagpatuloy lang ang ganun na set up minsan makaka-score kami, minsan naman sila.

Hanggang sa matapos ang set 1, sa kasamaang palad hindi namin makuha ang Set 1 dahil ang score ay 20-25. In favor of Philippine Lady Falcons.

Set 2 na ang kasunod, kailangan naming bumawi. Nagtime-out muna. Lumapit kami kay Coach Brie, sinabi niya ang techniques na dapat naming gawin. Kailangan namin ng focus at determinasyon para maipanalo ang labang ito.

Nagsimula na ang Set 2, kami ang nagserved ng bola. Ini-spike ko ang bola kung saan wala masyadong nakabantay at sa kabutihang palad hindi nila ito nahabol. Kaya sa amin ang score. Pilit naming hinabol ang score sa Set 1, at hindi naman kami nabigo dahil sa amin napunta ang Set 2.

Muli ay nagtime-out muna. Uminon muna kami ng tubig, huminga ng malalim at nagdasal na sana ang huling set ay mapunta sa amin.

At bumalik na kami sa pwesto namin. Umpisa na ng Set 3. Ang kabilang koponan ang nagservd. Agad naman itong ni-received ni Cindy. Si-net naman ito ni Lindsey at ini-spike ko. Hindi nila ulit nahabol. Kaya amin ulit ang puntos. Hanggang sa paulit-ulit na lang kaming nagpapasahan sa bola. Sobra nang bilis ng mga pangyayare, hanggang sa...............

                           *BOOOGGSSSSHHHHHHH*

Mtapos kong marinig ang malakas na tunog na yan ay bigla na lang nagdilim ang paningin ko.

*****

"Ano bang nagyare?! Bat siya tinamaan ng bola??"

"Ewan ko! Masyadong mabilis ang mga pangyayare!!"

"Ssssshhhh... Hijo, hija h'wag kayong masyadong maingay baka magising ang anak ko."

Huh? Sino ba yun? Ang inay naman nila.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

Alie: "M-ma? C-cindy?"

Set Point Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon