Chapter 11- Set Point Of Love

58 0 0
                                    

(A/N: Last 5 chapters... :) Sana nagustuhan niyo po ang flow ng story nito. And salamat po sa mga nagbasa mula sa simula hanggang sa ngayon na patapos na nga po ito. ^_^ )

Alie's POV

Nabigla ako ng yakapin ako ni Nej at hindi lang basta yakap ito. Sa yakap niya sa akin ngayon ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Teka, mahal niya ba ako? Hindi naman diba? Pero mas ikinagulat ko nang makaramdam ako ng basa sa aking balikat at sigurado akong umiiyak siya.

Alie: "N-nej? B-bakit ka ba ganyan?"

Tanong ko matapos kong umalis sa pagkakayakap niya.

Nej: "I'im sorry Alie.. Pero hindi ko na kasi kaya eh.. Hindi ko na kaya pang pigilan 'tong nararamdaman ko para sayo."

Alie: "A-anong ibig s-sabihin m-mo?"

Nangingilid na ang mga luha ko.

Nej: "M-mahal din kita Alie. At hindi ko na kayang mawala ka pa."

                    *Plok* *Plok*

Ayan na, nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Totoo ba 'to? Hindi ba nanaginip lang ako? Pakisampal o kurot nga ako. Hindi kapani-paniwala na mahal din ako ng taong mahal ko. Kung nananaginip ako, sana wala ng gumising pa sa akin.

Alie: "P-pero *sob* p-panona *sob* s-si K-kathie?"

Nej: "Sasabihin ko na din 'to sa kanya. P-pero kailangan ko munang malaman kung.... m-mahal mo pa b-ba rin ako?"

Alie: "H-hindi *sob* naman n-nagbago *sob* ang n-naramdaman *sob* k-ko para *sob* s-sayo eh."

"Sabi ko na nga ba eh! Ahas ka talaga Alie!?!" Sigaw ni Kathie habang naglalakad papalapit sa amin. Agad namang pumagitna si Nej.

Nej: "Hindi niya kasalanan 'to Kathie. Hindi niya kasalanan na minahal ko siya. Sorry Kathie."

Kathie: "So sinong may kasalanan? Ako?! AKO pa ang may kasalanan dito?! HA NEJ?!"

Sa sobrang lakas ng boses ni Kathie  ay nakukuha na niya ang atensyon ng ibang tao. Nahihiya na ako kasi ang sama na ng tingin nila sa akin. Lalo tuloy akong umiyak. Pero biglang hinawakan ni Nej ang kamay ko kaya kahit papaano medyo nawala ang kaba at takot ko.

Nej: "Oo!! In the first place kasalanan mo 'to Kathie?! Napagod ako sayo! Napagod akong masaktan ng dahil sayo?! Akala mo ba alam mo na ang lahat ng pinagdaanan ko? Pwes, nagkakamali ka! Masakit at mahirap makita ang taong mahal mo ng may ibang kasama!!? Alam ko na kayo pa rin ni Coach Migs at ako? Anong balak mo sa akin?! Paglalaruan mo lang ba ang nararamdaman ko para sayo?! Pagod na akong magpakatanga para sayo?!? At ngayon si Alie na ang mahal ko, magagalit ka?! Bakit, anong karapatan mong magalit sa taong sumalo ng sakit para sa akin? Sa taong nagpahalaga sa akin nung mga panahon na wala akong halaga sayo?! At sa taong minahal ao nung iniwan mo ako!!"

Set Point Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon