Isang linggo na din ang nakakalipas simula ng kumbinsihin ko si Mr. Cold Hearted Guy para mag-patutor.
At sa loob ng isang linggo na iyon ay palagi ko siyang sinusundan sa loob ng campus. At palagi na din siyang naiinis sa akin.
"You again?"
"Hehe, kasi naman pumayag ka na. Saglit lang naman eh, bago lang mag-exam. At promise, magiging mabait akong student sa'yo." tinaas ko pa ang kamay ko na parang sumusumpa.
Kasalukuyan kaming nasa rose garden at wala kaming mga teachers hanggang uwian since nag-karoon sila ng biglaang meeting.
Tinignan nya ako, for the first time and suddenly I become conscious.
"Your noisy, annoying and always bothering me..."
I sigh, mukhang ayaw nya talaga. one week na lang ang natitira para makapag-patutor sa kanya, kaso hindi ata talaga siya papayag. Pero, dapat hindi ako sumuko! tama mapapapayag ko din sya, tiwala lang.
"But, kahit ano namang gawin kong pag-tanggi sa'yo hindi mo ako tiigilan. Might as well tutor you so you'll stop pestering me."
Feeling ko nag-liwanag ang mga mata ko nang tignan ko sya. Nakakatuwa naman! pumayag na din sya.
"Meet me at the library after school starting tomorrow." pagkasabi nya ay tumayo sya at humakbang na paalis.
"Aye, aye sir!"
Buti na lang at napapayag ko sin sya. Gagalingan ko para hindi sya mainis sa akin.
Tumayo na din ako at nag-lakad na paalis papuntang classroom. Kahit kasi walang klase bawal kaming umalis at umuwi since hindi pa naman time ng uwian namin.
Habang nasa hallway ay napapa-hum na lang ako sa sobrang saya ko.
▫▫
The next day, todo ang pag-rereview sa amin ng mga teachers namin, well lagi namang ganito sa amin. Mamaya na din ang start ng lesson ko kay Mr. Cold Hearted Guy sa library at nakahanda na ako.
"Ok class, dismissed" sabi ng Science Teacher namin.
Finally, makakakain na din ako. Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at lumabas na din. Naiwan kami ni Enna dito sa room since may baon kami parehas.
"So, anong balak mo sa Math, Steph?" tanong bigla sa akin ni Enna.
"Ah, no worries nakahanap na ako ng tutor ko" magiliw kong sagot sa kanya.
"Ha? sino naman yan?"
"Hmm, si Mr. Cold Hearted Guy."
Nasamid naman ni Enna sa kinakain nya. Agad ko namang binigay sa kanya ang tubig nya.
Ininom nya yung tubig at huminga ng malalim bago sumagot sa akin.
"Ano ulit yun, Steph? namali ata ako ng dinig."
"Uy, hindi ah, Si Mr. Cold Hearted Guy nga ang mag-tututor sa akin."
"Mr. Cold Hearted Guy as in si Charles Andrei Mercado?" tanong nya ulit sa akin.
"Oo bakit?"
Tinitigan naman ako ni Enna at mukhang hindi talaga sya makapaniwala.
"At paano mo naman napapayag si Mercado na tulungan ka?"
"Actually ayaw talaga niya simula pa lang nung una, so lagi ko syang sinusundan para mapapayag ko sya. At buti na lang napapayag ko talaga sya bago ang exams." mahabang paliwanag ko kay Enna.
"Naingayan siguro sa'yo yung tao kaya pumayag na din" Enna said while chuckling.
I gave her an awkward smile.
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted Guy (ON HOLD)
Teen FictionFalling to a Cold Hearted Guy is it hard? or easy?