Chapter 1
“Nagawa moba yung assignment sa Science, Steph?” tanong ni Enna, bestfriend ko
“Oo naman”
“Pakopya!”
“Ayoko nga ang dali-dali lang naman nun eh!”
“Tss, ang damot!” sabi nya sabay talikod sa akin at ginawa na ang assignment nya. Isip bata talaga ito.
Ah! By the way ako nga pala si Stephanie Martinez, but my friends call me Steph. I study here in Rose Academy. Yes, ang gara ng pangalan ng school ko diba? Rose. I’m currently a Grade 11 student. At syempre yung kausap ko kaganina ay ang aking BFF na si Enna Mae Rodriguez, she’s very noisy, yeah I admit it she is. Crazy din sya. Despite that she is very athletic. She plays badminton and guitar, she’s very good at playing those two. She sings well too. Kahit na may pagka baliw sya eh mahal na mahal ko siya.
In our school kahit na Grade 11 na kami, we still study those subjects we encountered back in junior high. Kaya kawawa talaga ang utak namin.
-Recess-
“Enna, bilisan mo jan gutom na ako eh”
“Aissh! Ikaw na nga lang bumili mag-isa tinatapos ko pa ‘tong Reflection Journal ko eh!”
Ano ba ‘tong babae na to, hindi ba sya gumagawa ng assignment nya?
“Sige, aalis na ako”
~Canteen~
“Ate, isa nga pong C2 tsaka isa na rin pong chicken sandwich” sabi ko sabay abot ng bayad kay Ateng tindera.
Hayy! Buti nakabili na ako gutom na gutom na ako eh.
Dahil ayokong kumain ngayon sa canteen, bumalik na ako sa classroom, kawawa naman si Enna doon walang kasama.
Habang naglalakad ako, may nakita akong lalaki… Hmmm? He looks familiar, Ah! Siya si Cold Hearted Guy! Sikat siya dito sa campus pero ngayon ko lang siya nakita ng personal kadalasan kasi eh nakikita ko lang sya sa stolen pictures ng kaklase ko. Naglalakad siya habang nakapikit tapos may earphones din na nakalagay sa tenga nya. Ay, ang galing naman, hindi kaya bigla na lang sya matalisod niyan, kasi nakapikit sya habang naglalakad.
Nagulat nalang ako ng bigla siyang dumilat.
Wow, ang gwapo nya pala talaga. Nagkatinginan kami. Wahhh!! Feeling ko bigla nalang uminit yung mukha ko , tapos, tapos, yung puso ko ang lakas ng tibok! Hala! Anyre sa akin? Umiwas na ako ng tingin baka kung ano na ang nangyayari sa akin. Nakalagpas na siya sa akin.
Binilisan ko nalang ang paglalakad at pumasok na sa room.
“Uy! Anyre sayo?may sakit ka ba?” tanong ni Enna
Nagtaka naman ako sa tanong nya
“Wala, bakit?”
“Ang pula pula kaya ng mukha mo” sabi nya
“Eh?”
What to do? Nagkatinginan lang naman kami ah.
◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘
My new story ♥
Please support it ♥
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted Guy (ON HOLD)
Teen FictionFalling to a Cold Hearted Guy is it hard? or easy?