Chapter 2
“Class, tandaan nyo, kailangan nyong makapasa sa test nyo next week kaya pagkadating na pagkadating nyo ng bahay ay matulog na kayo at magreview na. Class dismiss” sabi sa amin ng teacher namin tsaka na sya umalis ng room
Nagsitayuan na rin kami.
Tama, malapit na ang exam namin
Pero kinakabahan ako eh, lalo na sa Math. Hindi naman sa mahina ako sa Math pero kasi ako yung tipong pag-nakita ko na yung test paper eh makakalimutan ko na yung mga sagot, hindi ko alam kung bakit ganon ako eh.
Lumabas na ako ng room at pumunta na lang sa garden. Wala nga pala si Enna, absent sya ‘di ko alam kung bakit ‘di naman nag-rereply sa akin pag tinetext ko.
Umakyat na ako sa taas ng puno, yes tama kayo ng basa, umaakyat ako ng puno kasi mas maganda dito, kita lahat ang view sa garden, yung garden naming puro roses, kaya maganda dito sa taas ng puno pumwesto.
Pero mamaya na yang roses roses nay an! Po-problemahin ko muna kung paano ako ngayon makakapasa sa test ko sa math! Sa math lang talaga ako nahihirapan, bakit kaya ganun? Pero kapag may mga activity and quizzes kami lagi akong pasado pero pag-dating sa exam, nganga ako.
Anong gagawin ko? Kailangan kong makapasa.
Bigla namang umihip ang isang malakas na hangin. Aww, napunwing ako. At dahil ginamit ko ang dalawa kong kamay para matanggal ang puwing ko nawalan ako ng balanse at nahulog.
I expected pain pero wala akong naramdaman, instead bumagsak ako sa isang matigas na bagay, wait bagay ba talaga itong nabagsakan ko?
Naamoy ko ang amoy nito at ang bango naman nito, unfairness ha.
“Hey you, umalis ka nga ang bigat bigat mo kaya”
Napabangon ako ng mabilis. Hala! tao pala nabagsakan ko at hindi isang bagay.
“So-sorry! Hindi ko sinasadya!”
Tinignan ko yung nabagsakan ko…
Ooooppsss!
Si Cold Hearted Guy!
“Sorry talaga, di-“ naputol ang sinasabi ko ng bigla syang nagsalita
“Stop, you’re so noisy”
Eto naman, nag-sosorry na nga yung tao sasabihan pa akong maingay. Grabe lang.
Napatingin naman ako dun sa libro nyang binabasa.
MATH Grade 11
Ahhh.. nagbabasa pala sya ng Math na libro.
Wait… MATH?!!
Bigla na lang akong may naisip, sana nga lang ay pumayag sya.
“Uy! Pwede bang mag-patutor sa’yo sa Math?”
“Huh?”
“Ang sabi ko pwede bang mag-patutor?”
“Ayoko”
“Eh? Sige na please! Sa pagkakaalam ko eh ikaw ang Top 1 dito sa Rose Academy since nung Grade 7 ka hanggang ngayon”
“Arg! Stop it you know! You’re so noisy”
Pagkasabi nya non eh tumayo na sya at kinuha yung libro nya tsaka umalis
Basta! Hindi ako titigil! Magpapaturo ako sa kanya para makapasa ako!
♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦
sana magustuhan nyo ♥
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted Guy (ON HOLD)
Teen FictionFalling to a Cold Hearted Guy is it hard? or easy?