Its been a week simula ng tutoring lessons ko kay Mr. Cold Hearted Guy. At sa loob ng week na yun maayos naman ang pakikitungo nya sa akin. Siguro kasi hindi ako nag-iingay. Focus kasi ako sa mga tinuturo niya. At buti na lang hindi na siya badtrip lagi sa akin.
And when I say its been a week means tapos na ang tutoring nya sa akin. Remember? One week lang ang time ko and then pag-katapos nun ay exam na namin.
Speaking of exam, bukas na ang simula nun. Since Sunday ngayon at walang pasok, naandito lang ako sa bahay namin at nag-papahinga. Kahit naman kasi sabihin ko na maayos ang lessons ko kay Mr. Cold Hearted Guy, pero kasi yung examples nya kasi pamatay. Alam nyo yun, mas matindi pa siya sa terror na teachers namin kung magpa-example. Ganun siya.
Nagulat ako ng may kumatok sa pinto.
"Apo, gising ka na ba? Hapon na at hindi ka pa kumakain." Oooops si Lola pala.
"Lalabas na po, Lola." sagot ko sa kanya.
Tumayo na ako sa pag-kakahiga ko. Masyado na ata akong narerelax at nakaligtaan ko nang kumain. Napasarap pa ako sa tulog ko.
Lumakad na ako at lumabas na ng room ko. Bumaba na at dumiretso sa kusina. Nakita ko si Lola na nag-hahanda ng pagkain. Para sa akin siguro.
"Andiyan ka na pala, Apo. Pinag-handa kita ng miryenda. Hapon ka na nagising aba't grabe naman ang tulog mo." sabi ni Lola at nilapag sa lamesa ang mga pagkain na hinanda niya.
Sinundan ko naman siya sa dining table at umupo na sa upuan.
Woooh, turon! Ma favorite.
Kumuha ako ng isa at sinimulan ko nang kumain. Masarap ang turon ni Lola ko. Hindi ka mag-sisisi kapag tinikman mo ito.
"Thanks po Lola sa miryenda." yuuumm~
"Walang anuman Apo. Hinay hinay kasi sa pag-aaral. Napapabayaan mo na ang kalusugan mo niyan. Sige ka at mag-kakasakit ka niyan." pananakot sa akin ni Lola.
"Don't worry, 'La. Napasabak lang ako sa gyera nang mga nakaraang araw kasi exam na namin bukas. So todo review po ako ngayon. No worries naman po since pag-katapos ng exam wala na po akong masyadong po-problemahin." Ngumumguya kong pag-sabi kay Lola.
"Basta at alagaan mo ang sarili mo. Uso pa naman ang sakit ngayon. Mag-ingat ka palagi." paalala sa akin ni Lola.
Hinawakan ni Lola ang kamay ko. Napangiti na lang ako. Eto talaga si Lola, masyadong maalalahanin. Kaya mahal na mahal ko siya eh.
"Lola naman, don't worry na po talaga. Aalagaan ko po ang sarili ko." I said to her then smile for more assurance.
Napabuntong hininga na lang si Lola at nag-paalam na sa akin na mag-papahinga muna daw siya. Nag-pasalamat na lang ulit ako sa kaniya dahil sa pag-prepare ng turon ko.
Nakatira nga pala kami ni Lola sa isang two storey house. Sapat na para sa amin dahil dalawang tao lang naman kami na naandito. Malaki-laki din ito dahil isa lang ito sa properties ni Lola. Mas pinili niya dito na manirahan kasama ako. Ang sweet lang diba.
If ever na nakakapag-taka at wala ang pamilya ko at kung bakit si Lola ang nag-aalaga sa akin. My mom already died when I was 5 years old. Nakaka-depress talaga ang mga panahon na iyon. May kapatid naman din ako, dalawang lalaki, and they're older than me, kaso busy sila kaya hindi kami masyadong nagkaka-usap, tsaka sa iba sila nakatira kaya hindi ko sila nakikita. Only girl ako kaya they love to spoil me, but i know my limits naman, i'm not a spoiled kid na gustong lagi ako yung nasusunod, i much more like it kapag yung binibigay nila sa akin ay pinag-effortan nila, i'm not fond of material things. I more like to bake and cook. Namana ko kay Mommy yun. She loves to cook and bake when she was still alive. At lagi din akong nakabuntot sa kaniya kapag nag-luluto siya. Lagi ko siyang pinapanood kapag nasa kusina siya. Ang saya kasing panoodin ni Mommy kapag ang saya ng ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted Guy (ON HOLD)
Teen FictionFalling to a Cold Hearted Guy is it hard? or easy?