★★★★★★★★★★★★★★Alice POV
First Day
Ngayon ang unang araw ko sa bagong school na nilipatan ko.Ngayon din ang araw ng kung kelan ako iniwan ng pinaka importanteng tao sa buhay ko.Parang isang bangungot ang naganap kasabay ng pagkawala ng aking mga minamahal sa buhay. Hindi ko kayang balik balikan ang lahat ng pangyayari dahil yun lang ang nagpapaalala sa akin kung gaano ako kawalang kweta habang unti unti silang nahihirapan ng dahil sakin.Sinuklay ko ang mahaba kong buhok na umabot na hanggang bewang na kasing kulay ng aking mga matang kulay tsokolate. Hindi ko maiwasang mapatitig sa salaming kaharap ko. Ang mukhang meron ako ang minana ko sa aking ina. Kutis na nagmula nmn sa aking ama.
Hindi ko namalayang unti unti na palang tumutulo ang aking mga luha.
Dali dali ko itong pinunasan at saka isinuot ang aking bagong uniporme. Ngayon ang araw na ito na magbabago ang lahat. Ang dating laging inaapi at inaapak apakan lamang ay tuluyan ng naglaho.Kinuha ko ang susing nasa ibabaw ng aking lamesa at saka lumabas ng aking silid. Sinalubong agad ako ng aming kasambahay at binati . Nginitian ko lamang siya at tumuloy na sa garahe. Ngayon ko lng ulit ito magagamit pagkatapos ng insidenteng nangyari sa akin isang taon na nkakalipas .Wala paring pinagbago lagi itong pinalilinis ng aming dating driver na si mang anton. Ang nagsilbing aking pangalawang ama.
Sumakay nako at pinaandar na ang makina. Patungo sa bagong kong school ang Wilford Academy...
Susundan kita kahit saan pang sulok ng mundo. Dahil kailangan mong pang magbayad sa akin ng napakalaki mong kasalanan ...
Sisiguraduhin kong magdudusa ka kasabay ng mga kasama mo. Ako lang ang nararapat na tatapos sa iyo. At wala ng iba!
Ako ang tatapos sa larong sinumalan ninyo, kaya humanda kayo. Lahat ng pagdudusang naranasan ko sa mga kamay nyo ay ibabalik ko!
Dahil kung may dapat mamatay ay walang iba kundi ikaw! Kayo! Lahat kayo!
Gagawin ko ito para sa kaniya, sa taong inyong inalipusta na pinatay ninyo ng wlang awa kaya marapat lang na maranasan niyo ang mawalan. At sakit na dinanas ko.
BINABASA MO ANG
The Secret Behind The Beauty(killing with the demon)
Mystery / Thriller"Just being simple and silent doesn't caught attention." But being warfreak,cold and heartless giving you scared nightmare...NOW IT'S TIME TO RETURN***LET'S PLAY IN MY GAME! I WILL MAKE YOUR LIFE MISERABLE...