Be sure you'll always be safe -•skyeee***
★★★★★★★★★★★★★
Alice POV
★Flashback★
Hindi ko maintindihan kung bakit nilapitan ko pa ang bangkay na yun at itinago sa lumang gusali. Halata naman na ilang oras palang iyon pinatay dahil sariwa pa ang dugong umaagos mula dito . Hindi ko alam o kung sino yun dahil nawawala ang ulo tanging katawan lang ang iniwan. Puro saksak ang babae sa binti at braso at may nakabaon pang kutsilyo sa dibdib nito. Hinila ko yun at kinuha ibinalot ko yun sa panyong dala ko...Walang pagkikilanlan kung sino sya ngunit may napansin akong nakabukol sa kanyang bulsa kung kayat kinapa ko ito at nakita ang ID niya halatang may bahid pa ng dugo nito sa mismong litrato Alexandra Rose Romero pala ang pangalan niya niya.Kaya agad ko itong ibinulsa at
Dali dali akong nagtago sa malaking puno na katabi ng mga kinakalawang na upuan dito sa labas...Nang maramdaman kong may tao na paparating...Rinig na rinig ko ang bawat paghakbang niya dahil sa mga dahong tuyo na naaapakan niya.
Isang babae pala,medyo may kaliitan siya at maikli lamang ang buhok. Sigurado akong may hinahanap siya dahil palingon lingon siya sa paligid. Napayuko ulit siya at pinagmasdan ang dugong kumalat duon. Ngunit ang pinagtaka ko ay ang isawsaw niya ang kamay niya dun at sigurado akong ipinunas niya yon sa mukha niya.
Hindi nga ako nagkamali at siguradong nandito ang pakay ko. Lahat sila nandito at patuloy na humihinga.
Tumayo na siya at umalis. Pero hindi parin ako tumitinag sa pwesto ko dahil ramdam ko parin na may iba pang tao bukod sa akin.
"Nandito na pala ang bida" bulong ng tao sa l-ikod ko. Shit! Nabigla ako ng maramdaman ang malamig na bakal sa bandang leeg ko.Hindi ko siya napansin kanina. Pina aga yata niya ang pagkikita namin.Napangisi akong humarap sa kaniya kaya nagulat siya dahil imbis takot at kaba ang gumuhit sa aking mukha ay binigyan ko siya ng nakakangilabot na ngisi. Hindi nga ako nagkamali dahil siya nga ang taong nasa harapan ko.
"Oh long time no see " bati ko sa kaniya... .mr.tecson" hinawakan ko ang bakal na nakatapat sa leeg ko at hinagis sa kung saan.
"A-lice" nanginginig niya tawag sa akin..... katulad ng dati wala paring kupas ang taglay mong kagand-ahan. Mahal na mahal kita alice sana patuloy parin tayong magkaibigan.
"Kaibigan? Tanong ko sa kaniya, ang kapal niyang sabihin yun sa akin. Pagkatapos ng lahat lahat ng kagaguhang ginawa nila sa akin, ganun nalang ba iyon. Hindi na ako tangang dating alice na madaling mauto ng mga simpleng salita lamang.
" Alice "paghawak niya sa kamay ko.Pero mabilis ko itong hinampas na ikinagulat niya.
" Pasensya na ah pero matagal ng patay si alice" malamig kong saad sa kaniya.
"Hindi ako ang may gustong mangyari yun alice, tinakot lang nila ako kaya napasama ako sa kanila." Pagdepensa niya sa sarili niya. .Ngunit huli na dahil sa oras na ito ako na ang hahatol sa kasalanang nagawa niya.
Kinapa ko ang cutter na nasa loob ng bulsa ko at nilabas. Nakita ko kung paano siya nagulat. "Ang mga katulad nyo ay dapat ng manahimik" saad ko at saka mabilis na nadaplisan ang kaniyang kaliwang pisngi. Napaatras siya sa ginawa ko habang nakahawak sa kaniyang pinging dumudugo."Pero Alice alam kong mabuti kang tao, hindi mo yan kayang gawin dahil iba ang pagkakilala namin sa iyo." Saad niya sakin.
"Sinabi ko na sayo na matagal ng nakabaon si alice sa hukay!" saad ko at saka dinampot ang isang bakal na nagkalat mula sa mga sirang upuan. At saka ko malakas na hinampas sa ulo niya dahilan ng kaniyang pagbagsak.
"Huli na para sa pagpapatawad mahal kong kaibigan"....
End of flashback
Nandito ako ngayon sa rooftop at payapang nakaupo. Habang hinahangin ang maikli kong suot na palda... Eto na naman at nagbabadya ang aking mga luha..Bakit sa dinami dami pa ng kailangang mawala ay ang buo ko pang pamilya. Nag iisa nalang ako at pakiramdam ko unti unti na rin ako bumibigay. Kailangan ko kayanin ito hanggang sa huli. Dahil magsisimula palang ang tunay na laro...
Napalingon ako ng may maramdamang nagbukas ng pinto. So siya pala ang munting traydor. Diko alam basta napangisi nalang ako. Malamang may kinalaman sa aksidente kung bakit parang hindi niya ako nakikilanlan. Tumayo ako at humarap sa kaniya nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya sa gulat ng makita ang kabuuan ko na puro dugo ang aking uniporme. Lumapit ako sa kaniya hanggang sa napasandal nalang siya sa pader na nasa likod niya.
Gumuhit sa aking labi ang napakatamis na ngiti ng makita kong tila kinakabahan siya. Inangat ko ang kanan kong kamay at hinimas ang peklat na nasa kaliwa niyang pisngi tila nagulat siya sa ginawa ko. Sunod kong ginawa ay hinalikan ko ito at labis akong natuwa ng tila naestatwa siya sa ginawa ko. Humiwalay ako at umabante at saka naman siya tuluyan ng hinalikan sa labi. Hindi nga ako nagkamali at tinugunan niya ang halik na ginawad ko para sa kaniya.
Napangisi ako ng maramdaman kong inilagay niya ang mga kamay niya sa bandang bewang ko. Kaya ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa kaniyang batok upang mas palalimin pa lalo.Ngunit napadilat agad ako at humiwalay sa kniya at ngumisi tila nagulat siya. At saka ko siya itinulak palayo at tumakbo na pababa.
"Wag ka mag alala justin at nagsisimula pa lamang ang laro at sisiguraduhin kong sa hukay ang tuloy mo"
BINABASA MO ANG
The Secret Behind The Beauty(killing with the demon)
Misteri / Thriller"Just being simple and silent doesn't caught attention." But being warfreak,cold and heartless giving you scared nightmare...NOW IT'S TIME TO RETURN***LET'S PLAY IN MY GAME! I WILL MAKE YOUR LIFE MISERABLE...