chapter 28

15.2K 290 1
                                    

Jordan POV

Ngayon ang graduation ko at mag-isa lang ako na aakyat sa stage para kunin ang pinaghirapan,pinagpaguran,pinagpuyatan, at pinagpawisan ko
In short diploma.
Hindi na ako mag eexpect na pumunta sila mom and dad dahil nga sa galit sakin si dad dahil sa nabuntis ko si iza.
Hindi na ako aasa pa na darating sila dahil mahirap umasa ako lang naman ang masasaktan pag umasa ako.
(Humuhugot si jordan *tawa*)
Nakaupo ako ngayon sa mga upuan kung nasaan ang mga gragraduate isa isang tinatawag ang mga pangalan para umakyat sa stage at ibigay ang medal.
Nakakainggit lang dahil sila may mga parents na nagsasabit ng medal nila ako walang aakyat sa stage at walang magsasabit ng medal sakin.

May tumapik sa balikat ko kaya nilingon ko kung sino yon at nakita ko na si kuya james
"Anong ginagawa mo dito?"masayang tanong ko dito
"Edi sasabitan ka ng medal mo"sagot nya sakin
Natulala lang ako sa sinabi nya kasama nya si ate kylie at si iza
"Doon kami sa kabila uupo"nakangiting sabi ni kuya sabay tapik sa balikat ko.
Umupo sila sa mga upuan kung saan nakaupo ang mga parents hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko.
First time kong grumaduate na may aattend na parent sa graduation ko hindi man parent ang sasabit ng medal sakin atleast si kuya ang nandito.
"Jordan grey"sabi ng emcee kaya umakyat ako ng stage kasama si kuya james at sinabitan nya ako ng medal.
"Congratz bro,"masayang bati sakin ni kuya james habang sinasabit ang medal ko niyakap ko sya at kinamayan ang mga teachers.

■■■■

Masaya kami nila kuya na umuwi galing sa venue nandio kami sa tapat ng pinto at nagtatawanan.
pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si dad at mom na nakaupo sa sala kaya nawala ang ngiti sa mga mukha namin.
"Why are you here?"cold na bungad ni kuya james kay dad
"Iza,we need to talk to your parents"sabi ni dad hindi nito sinagot si kuya james.
Hindi umimik si iza at kumapit lang ito sa braso ko.
"Hindi mo na kailangan gawin yon,kami na ang kakausap sa parents nya"sabat naman ni kuya james
Suminghap si dad at halatang galit na ito
"Mas mabuti siguro na mag-usap kayo ng maayos"sabat ni kylie
"Kylie's right"sagot ni mom

Nandito kame ngayon sa dining area para makapag usap ng maayos.
"Kailangan nating makaharap ang parents ni iza"sabi samin ni dad
"Wag mo ng problemahin ang problema namin"sagot ko kay dad, nakakatakot mang masapak nya nanaman ako ay kailangan kong controlin ang sarili kong buhay besides magkakapamilya nanaman na ako.
"Alam kong galit kayo saking dalawa,alam ko rin na may pagkukulang ako sa inyo"sabi ni dad ng nakayuko
"Alam mo naman pala eh"sagot ni kuya james ng nakataas ang sulok ng labi halatang galit narin ito.
"Siguro maaayos din natin tong pamilya natin,let's fix this"pakiusap ni dad
"Wala na tayong aayusin pa dahil matagal na tayong sira"sagot naman dito ni kuya james sa cold na boses.
"Kung hindi ngayon alam kong darating ang araw na maayos din natin toh,tawagan nyo nalang ako kung nakausap nyo na ang parents ni iza"mahinahong sabi ni dad sabay tayo at naglakad palabas.
"Pag-isipan nyo ang sinabi ng dad nyo"sabi samin ni mom sabay halik sa noo ko.


My Secretary is my wife (👌editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon