chapter 23

18.6K 321 3
                                    

Kylie POV

Kagahapon ay napag usapan namin ni james na isurprise ang parents nya about sa pregnancy ko.
Kasalukuyan kami ngayon nasa bahay ng parents nya kasama ang kambal.
"Kuya bat napadalaw ka?"nakangiting sabi ni jordan kay james pag pasok nito sa kusina
"Bakit bawal ba??"masungit na sagot ni james sa kapatid nya

Hinampas ko si james sa balikat dahil sa pamimilosopo nya kay jordan
"Pasensya kana jordan mukhang may menstruation tong si james"sabi ko kay jordan tsaka tinignan ng masama si james
"Okay lang sanay na ako jan. Dito na kayo mag dinner"sabi ni jordan samin
"Kasama mo ba si tita tsaka si dad?"tanong ni james kay jordan
"Oh nandyan na pala sila eh"sabi ni jordan kaya napatingin kame sa pinto at nakita namin si tita tsaka ang daddy ni james
"Oh bat napa dalaw kayo?"nakangiting sabi ng dad ni james tsaka yakap kay james
May pagka sweet naman pala ang dad ni james eh.
"May sasabihin po sana kame sainyo"nakangiting sabi ni james
Sabay tingin sakin
"O sige, kumain muna kayo dito"yaya ng dad ni james
"Nasan na ang mga apo ko?"tanong ng dad ni james
"Kasama po ni jordan sa garden"sagot ni james

■■■

James POV

nandito kame sa dining at kompletong kumakain
"Ano pala yung sasabihin nyo at napadalaw kayo dito?"tanong ni dad sakin
"Well, kylie is 3 weeks pregnant"nakangiti kong sabi tsaka ko hinawakan ang kamay ni kylie
"Congrats,to you two"masayang sabi ni tita
"Magkakaapo na pala ulit kame"sabi ni dad
"Salamat po"sabi ni kylie
"Ang galing talaga ni kuya, naka points ulit"pang aasar sakin ni jordan.
"Yeheyy,magkaka roon na kami ng baby sister"sabi ni jade
"Hindi kaya sister,brother kaya"sabi naman ni dave
Tinarayan lang ito ni jade
Minsan talaga ay nag aasaran ang mag kambal.

■■■■
Kasama ko ngayon si jordan sa pool side habang ang mag iina ko naman ay nasa loob kasama sila dad at tita
Habang kaming dalawa ni jordan ay umiinom ng beer
"Kamusta ang studies mo? Baka puro chixs lang ang inaatupag mo"sabi ko kay jordan
"Okay lang naman,wala pa akong girlfriend kuya"natatawang sagot nya sakin
"Walang girlfriend puro pass time lang ganon ba?"natatawang sabi ko kay jordan
"Syempre naman mahirap mag ka girlfriend noh.mas okay nang puro pass time"sagot nya sakin
"By the way kuya, eh paano yan kylie is pregnant 9 months kang mag titiis"natatawang sabi nya sakin
Bigla akong napaisip na may punto sya.
"Diba puwede naman yon pag buntis?"tanong ko sakanya
"Ewan ko bakit may asawa na ba ako"pamimilosopo na sagot nya sakin.
Sabay irap sakin at tunga ng in can beer.
Minsan gusto ko na ngang batukan tong si jordan palagi nalang ako pinipilosopo.
Pero syempre maski naman ganyan yang kapatid ko mahal na mahal ko yan,
Syempre no choice ako sya lang naman ang kapatid ko
"Puwedeng humingi ng favor?"tanong ko sakanya ng nakangiti
"Sure kuya,alam ko na yang mga ngiti mo pag ngumiti ka means may iuutos ka sakin,ano yun"sabi ni jordan sakin
Ang dami pang sinabi oo O hindi lang naman ang kailangan kong sagot.
"Magtanong tanong ka naman kung puwede yun pag buntis?"malambing na utos ko sakanya
"Tsk..."he smirked at me
Minsan talaga may pagka moody tong si jordan kanina sya yung nangungulit tapos pag ako ang nangugulit puro TSK.. ang binibigay nya sakin.
"Sige na nakakahiya naman kung ako ang magtatanong diba?"nangungulit na sabi ko sakanya habang niyuyugyug sya.
Gantihan lang toh eh... makulit sya syempe mas makulit ako.
Ako kaya ang mas nauna sakanya.
"Oo na sige na"naiinis na sagot nito sakin tsaka..
Sabay irap sakin.
"Yonnnn... salamat"masayang sabi ko sabay tunga ng beer
"Basta pag may kumalat na balita tungkol sa tinatanong ko ikaw na ang mag paliwanag kay dad ha..."sabi nya sa naniniguradong tono.
Tumango lang ako sakanya.
May pagka matalino din naman pala tong kapatid ko eh...
"Kelan ka gagraduate?"pag iba ko sa usapan namin.
Wala naman kase akong pakealam sakanya dati kung grumaduate sya o hindi ngayon ko lang na feel na kailangan ko rin maging concerned sakanya.
Bigla ko lang naisip na habang wala si kylie ay sya ang nag aasikaso sa kumpanya at syempre nag aaral sya that time.
Tapos inaalagaan nya rin ako pag lasing or may sakit ako.
Yung time na wala ako sa sarili...
"This year"sabi nya sabay tunga ng beer
"Alam naba ni dad?"tanong ko sakanya
"Hindi,maski naman sabihin ko sakanya hindi sya pupunta"sabi nya
Tinignan ko sya,habang sya ay nakatingin sa unahan nya
Bakas sa mukha nya ang lungkot.
Sa bagay naiintindihan ko sya kase ako. Nung birthday ko,pasko,new year,graduation and other special occacions si mom lang ang napunta kame lang dalawa ang nag cecelebrate
Ng mga araw na yon.
Si dad puro bussiness ang inaatupag.
Pero im happy for jordan dahil maski ganon si dad ay kaya nyang takpan ng saya ang lungkot na nararamdaman nya
(HUGOT!!")
"Bakit kelan ba ang graduation mo?"tanong ko sakanya
"Next month"sabi nya sakin
"Eh.ang mom mo di ba pupunta?"tanong ko sakanya
"Hindi,no worries sanay na ako"sabi nya sabay tingin at ngiti sakin.
Tinapik ko sya sa balikat.
"Alam mo kuya, mas masuwerte ka kesa sakin"pag iiba nya sa usapan.
Ano toh drama.
Tumingin ako sakanya na parang nagtataka ngumiti lang sya sakin
"Dahil nung buhay pa yung mama mo palagi kayong masaya, nandyan sya palagi para sayo sinusuportahan ka, habang ako eto... kumpleto nga kame pero feeling ko hindi"sabi nya sakin
May point sya...
"Tsk.. wag ka nga mag drama di bagay sayo"natatawang sabi ko sakanya
Tumawa lang sya

Pero sa totoo lang, tama yung sinabi nya sakin.
"Pero alam mo tol.. mas masuwerte ka dahil kaya mong controlin ang emotion mo"pag open ko sa topic
"Tsk.."sagot nya sakin

Dedicated:MaryJoyBorres9
XenontheReaper
AmbassadorsPH
jonaxx
AkoSiIbarra
Wattpad
MYU-NEE20
owwSIC
learix86
learix86
KnightInBlack
JoeyJMakathangIsip
KissMySinfulLips
@

My Secretary is my wife (👌editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon