HADES' POV
BULLSHIT!
Ang kukupad magtrabaho!!!
"I told you to throw that soul in the dungeon!!! Anong ginawa mo at bakit mo pinakawalan?!!" Sigaw ko sa alalay kong demonyo.
"M-mahal n-n-na P-panginoon.. P-patawad po.." Nanginginig na wika ng alalay ko. Napahampas ako sa upuan ng dahil sa inis.
"Magsilayas kayo sa harapan ko!! LAYAS!!!!"
Nakakapang-init ng dugo!!
"Patayin niyo yung hampaslupang nagpakawala sa kaluluwang iyon!!"
Umalis ang mga alagad ko sa harapan ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung hindi marunong sumunod sa utos ko!
"Mahal na Panginoon, may bisita po kayo." Sabi ng aking alagad. Pumasok ang isang lalaki at lumapit sa harapan ng aking trono kung saan ako nakaupo.
"Bat ka napabisita?" Tanong ko kay Hermes.
"Nais ko lang ihatid ang isang mensahe saiyo." Wika niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay.
"Ano nanaman ang iyong sasabihin?" Walang gana kong tugon.
"Nais ng iyong nakatatandang kapatid na ikaw ay dumalo sa mga pagpupulong na iyong madalas hindi daluhan."
Hahahaha! Eh wala nga silang pakielam na sila'y may kapatid pa dito. Tinawanan ko lang ang mensaheng sinabi ng Mensahero. Kumunot naman ang kanyang noo.
"Hermes, wala akong pakielam sa sinasabi mo kaya lumayas ka na sa harapan ko kung ayaw mong ikaw ang isunod ko sa lapastangan kong alagad."
"May isa pa akong mensahe kung kaya't makinig ka. Kapag hindi ka tumugon sa aking mensahe mula sa nakatataas, balak ni Zeus na hatiin ang mundo sa dalawa. Tiyak na maaapektuhan ang iyong kaharian kung kaya't dumalo ka sa pagpupulong upang maipagtanggol mo ang iyong kaharian. Pag-isipan mo ng mabuti." Naglaho na siya sa aking harapan.
Tumayo ako sa kinauupuan ko. Hindi ito pwedeng mangyari!!! Ang kapal ng mukha nila upang sabihin yan matapos nila akong ilagay dito sa mundong ilalim!
"Nebur!!" Tawag ko sa aking alagad.
"Ano po iyon, Kamahalan?" Nakayuko niyang saad.
"Ihanda ang karwahe. May bibisitahin ako sa mundong ibabaw." Sabi ko sabay alis.
"Masusunod, Kamahalan."
Humanda sila sa pagbisita ko. Siguraduhin niyong hindi ako mababagot sa walang kwentang pagpupulong na yan!!
PUCHA!!
****************************
THIRD PERSON
"Eros.." Tawag ni Zeus sa kanyang pamangkin.
"Ano po iyon, Tito?" Sagot niya habang nakayuko.
"Ihanda mo ang iyong pana. Mayroon tayong pag gagamitan niyan mamaya."
"Maaari ko bang malaman kung sino ito?" Tanong ng Diyos ng Pag-ibig. Ngumiti naman si Zeus sa kanyang iniisip.
"Sasabihin ko saiyo mamaya. Maghintay ka lamang aking pamangkin."
"Masusunod po." Sagot ni Eros sa Hari ng mga Diyos.
*****************************
HADES' POV
"Mahal na kapatid! Buti at pumarito ka rin sa wakas! Akala ko tatanggihan mo ang aking alok." Bungad ni Zeus saakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
YOU ARE READING
Wicked Love Story: Hades
FantasiaI am the King of the underworld. and I met a young woman and she'll be my queen.