Chapter 5

44 1 0
                                    

HADES' POV

Nakakagulat ang mga pangyayari. Hindi ko akalaing gising pala siya nung mga oras na yon.

Napaka maalagain niyang nilalang. Pinatuloy niya ako at pinagsilbihan. Hindi ko akalaing magagawa niya yon saakin kahit pa na may sakit siya.
Walang ibang tao o dyos ang nakagawa nun sakin maliban sa kanya. Pinatuloy niya ako sa kanyang silid at pinahiga sa kama niya at nagsakripisyo siyang humiga sa mahabang upuan para lang maging komportable ako.

Nakakabihag ng puso. Ito ang unang beses na walang may natakot saakin at tinuring akong bisita.

Tumayo ako sa hinihigaan ko at nakitang tulog na si Persephone. Hinawakan ko ang kanyang noo. Mainit parin siya. Mataas pa rin ang lagnat niya.

Dahan-dahan ko siyang binuhat. Hindi siya ganoon kabigat. Inihiga ko siya sa kanyang kama at kinumutan. Naghanap ako ng tuwalya at binasa iyon at nilagay sa noo niya. Nakikita ko tong ginagawa ng mga mortal noon. Itinabi ko na rin ang maliit na palanggana na may tubig sa lamesa. Naalimpungatan si Persephone at gulat na nakatitig saakin.

"H-hades.. Bakit andirito na ako sa aking kama?" Naramdaman niya ang tiniklop na tuwalya sa kanyang noo at hinawakan iyon.

"Ayos lang ko. Magpahinga ka na dahil mataas ang lagnat mo. Heto ang dala kong gamot. Inumin mo para bumuti na ang pakiramdam mo." Inalalayan ko siyang umupo sa kama niya at binigay ang bote na naglalaman ng gamot.

"Maraming salamat. Dapat hindi mo na ito ginawa. Naabala pa kita." Sabi niya. Nginitian ko lang siya.

"Matulog ka na. Babantayan kita." Kinuha ko muna ang tuwalya sa noo niya at binasa ko ulit at tsaka pinigaan. Binalik ko ulit sa kanyang noo.

"Napakabait mo pala, Hades. Salamat. Bukas, pag ako ay gumaling, lulutuan kita ng masarap." Nakangiti niyang sabi kaya natawa ako ng konti.

"Sige na. Matulog ka na para matikman ko na ang lulutuin mo." Hinawakan niya ang kamay ko. Ang init niya parin. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan iyon na ikinagulat niya. "Good night, Persephone."

"Good night, Hades."

***************************

PERSEPHONE'S POV

Nagising ako sa tilaok ng manok. Umaga na pala. Napansin kong may bimpo sa taas ng noo ko. Ano nga ba ang nangyari kagabi??

Oo nga pala nilalagnat ako tapos yung estranghero nakita ko at nakasama ko pa siya sa kainan! Si Hades!!

Agad na hinanap ng mga mata ko si Hades at nakita ko siyang nakaupo sa upuan at natutulog na. Ginawa niyang unan ang kanyang braso na nakatungtong sa aking kama habang hawak ang aking kamay. Ang bait-bait niya. Nakakatuwang inalagaan niya ako gayong siya ay bisita ko lamang.

Nakakaakit sa puso.

Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko at ginising siya.

"Hades.. Gising na. Dumito ka muna humiga sa aking kama baka mangalay ka." Inalalayan ko siya sa kama ko.

"Teka, ayos na ba ang pakiramdam mo???" Nag-aalala siya saakin. Hindi ko maiwasang ngumiti.

"Oo, ayos na ako. Magaling ang doktor ko eh." I chuckled. Inalalayan ko na siya at kinumutan. Namumula ang mga mata niya. Marahil ay dahil sa puyat. Di bali. Hahandaan ko siya ng masarap na pagkain.

Nagsuklay muna ako at pagkatapos ay inayos ang mga ginamit kong kumot sa tinulugan ko kagabi. Tiniklop ko iyon at nilagay sa isang tabi.

Palabas na ako ng silid ng sumilip ako sa hinihigaan ni Hades. Tulog na tulog siya. Napagod nga siya.

Wicked Love Story: HadesWhere stories live. Discover now