Chapter 2

5 0 0
                                    

🎶 When will I see you again? You left with no goodbye... 🎶

------------

Debut

DING-DONG! Pasado alas otso y medya ng umaga, may nag-doorbell. I opened the door na walang nadatnan na tao, probably kids messing around again. Sa doormat, nakita kong may box na nakalagay. It was a shoe box. I kneeled so I could lift the cover, my eyes glistened in delight when I saw a pup sleeping tightly.

Kinarga ko ang maliit na tuta sa aking bisig. I bet nasa 2-3 months pa lang yata ito. White with golden brown fur. This cute fluffy shi tzu was still sleeping.

"Who left you on my porch? Aaww. Poor baby." I said as if I'm talking to a baby. Nailibot ko ang tingin sa labas, no sign of someone na pwedeng mag-iwan nito. Hmm... Oh well, akin na to ngayon.

Binitbit ko ang box tsaka naglakad papuntang salas. Nilapag ko ang tuta sa couch na mahimbing pa din na natutulog. Pinagtimpla ko ito ng gatas sa kusina na inilagay ko sa maliit na container. Pagbalik ko sa sala inilapag ko ihon sa center table.

Tinanggal ko lahat ang nasa loob ng box, inangat ko ang itim na tela at sa ilalim nun ay may nakatuping papel at collar. Sa leather collar ay may pabilog na golden pendant, a name engraved at the center.

Rus.

So the pup's name is Rus. Kinuha ko naman ang papel at binuklat iyon.

"Please take good care of me." Binasa ko ang nakasulat sa papel. Printed ang sulat, it was printed in a cute font.

I heard a soft whimper sa side ko. Nagising na si Rus. Wala pala siyang dog food. Kumaripas ako ng takbo papunta ng kwarto at mabilis na nagbihis. Leggings, oversized t-shirt, and cap. Kinuha ko ang bisekleta ko sa garahe at mabilis na nagpedal papunta sa pinaka-malapit na grocery store.

May malaking grocery store dito sa loob ng Grande Village. Di naman malayo mula sa bahay ko, after 15 minutes nakarating naman ako kaagad doon.

Bumili ako ng dog food na pang-puppy, treats, laruan, shampoo at soap na para kay Rus.

May nakasalubong akong dalawang dalagang teenagers. Nginitian nila ako at kinawayan, ganun din ang ginawa ko. This is one of the reasons why I chose to live here in this village. Everyone will treat you like you're an ordinary citizen. Walang nakakataas. Lahat pantay-pantay.

Nilagay ko sa basket na nasa unahan ng bisikleta ko ang lahat ng aking pinamili.

NILARO ko si Rus nang makauwi ako. He was really fluffy, mabagal maglakad. He's not a fan of running. Panay ang kagat niya sa tsinelas ko, ayaw niya doon sa laruan na binili ko.

Dala ko ang mga pinamili ko at si Rus nang umakyat ako sa ikalawang palapag. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at inilapag sa couch na naroon ang mga dala ko. Si Rus naman ay nilagay ko sa ibabaw ng unan sa kama.

Napatitig ako sa kama ko. Naalala ko ang panaginip ko nung isang araw.

"Laz..."

Umiling ako sa aking naalala. Damn it! Sariwang-sariwa pa iyon sa aking memorya. Ang lapat ng tungki ng kanyang ilong sa aking leeg, ang marahan niyang haplos sa aking pisngi at ang mainit niyang palad na pinasadahan ang mahaba kong buhok.

Nagsitindigan ang balahibo ko sa buong katawan.

"Di kaya minamaligno na ako?" Wala sa sarili kong tanong. Jusmiyo! Wag naman sana!

"Posible ding bangungot iyon." Dagdag ko. Napa-face palm ako ng wala sa oras. Gaga ka Eshi! Yun, bangungot? Seryoso ka?! Sa gwapo nung———

"AISH!" nafu-frustrate kong ginulo ang aking buhok. Baka naman nababakiw na ako. Anu ba yan?!

The Phantom's LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon