Chapter 6

1 0 0
                                    

🎶Cause we all get lost sometimes, you know?
It's how we learn and how we grow
And I wanna lay with you 'till I'm old
You shouldn't be fighting on your own~🎶

------------

Taken

"TINATAWAG po ang lahat ng driver ng mga sasakyang karga ng barkong ito na ihanda na ang inyong sasakyan para sa ating pag-daong." Sabi ng boses na nanggagaling sa speaker. Inalog ko ang balikat ni Heinrich, nakatulog at humilig pa ang walang hiya sa balikat ko.

"Hoy!" May kalakasan kong sinampal ang pisngi niya, ngunit dahil sa tulog mantika yata ang lalaking ito ay hindi man lamang siya nagising. Ayaw mo talaga magising, tignan na lang natin kung di ka pa magmulat ng mata sa gagawin ko.

Using my free hand, I reach his nose and pinched it lightly. Just enough to squeeze his nostrils. Di naman nagtagal, nakita ko na ang pagkunot ng noo niya.

Anytime by now, in one, two, three...

Umayos siya ng upo habang habol-habol ang kanyang hininga. "I had a nightmare."

"Oh really?" I put a hint of amusement in my tone but actually it's purely sarcasm. Nightmare ka diyan? Lechugas ka nangalay balikat at leeg ko nang dahil sa iyo.

"I was eating then I instantly choked and it felt like something clogged my chest."

"Ano ba kasing kinain mo sa panaginip mo?"

"I'm not sure kung ano iyon. Basta I was licking it and then something creamy filled my mo—" Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. Di ko na siya pinatapos at pinagbabayo ko ang braso niya.

"Kadiri ka! You're gross!"

"What?! Sabi ko la—wait, do you have any idea kung gaano kadumi utak mo?" And with that, I felt embarrassed. May ngiting nakakaloko na naka-plastered sa kanyang mukha.

Naihilamos ko ang kamay ko sa aking mukha. "Asikasuhin mo na lang nga sasakyan mo. Dadaong na ang barko." Pag-iiba ko ng usapan. Mabuti naman at di na niya ginatungan ang sinabi ko.

"Ok, sabi mo eh." Lumabas na siya pero di pa din natanggal ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.

DUMAONG ang barko sa bayan ng San Andres, agad akong naghanap ng makakainan. Dumiretso ako sa pinaka-malapit na karinderya para mananghalian.

Si Heinrich? Nah. May pupuntuhan din iyon kaya di ko na kasama ngayon. Tatawid na sana ako nang kalsada nang may itim na kotse ang tumigil sa tapat ko. Muntikan pa akong mahagip.

Nakahanda na akong singhalan kung sino man ang sira-ulong driver ng kotseng ito, lumabas ng kotse ang lalaking naka-white sando at khaki shorts. "Akala ko ba umalis ka na." Wala sire-siremonyang kinuha niya ang maleta ko at inilagay iyon sa back compartment. "Uy teka sandali lang!"

Hinila niya ako papasok at pina-upo sa passenger seat. Tahimik kami sa loob ng maraming minuto. Hindi niya ako kinikibo, iba ang timpla ng mood niya. Iyon ang napansin ko dahil sa ang pokerface ng kanyang mukha.

Itinigil niya ang kotse sa harap ng... Kampo? "H-Heinrich, bakit tayo nandito?" Lumabas siya sa kotse nang hindi man lamang ako sinasagot at nililingon. Hinila niya ako palabas ng sasakyan, nagpatianod na lang ako sa kanya kahit na kinakabahan na ako. Ano naman kaya ginagawa namin dito?

The Phantom's LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon