Chapter 7

1 0 0
                                    

🎶Something so Familiar Drawn from this blank page
Every line from my hand takes me back from what I can't erase
No matter how I try, no matter what I do
I'm still painting pictures of you~🎶

-----------
Nautilus Shell

NAPAUNGOL ako dahil sa parang may mabigat na bagay na naka-dagan sa tiyan ko. Kahit inaantok pa ay iminulat ko ang aking mga mata. Kung ano man ang nakadagan sa tiyan ko, gumalaw ito at mas lalo pang kumapit sa bewang ko.

Kinusot ko ang mata ko, luminaw na ang paningin ko at nakitang isang matipunong braso ang naka-yakap sa bewang ko. Napansin kong may katigasan ang unan ko-unan nga ba?

Braso din ang nagmistulang unan ko. Teka, di kaya si-

Umangat ako nang tingin at nakita ang maamong mukha ni Rich na natutulog. Ang gwapo niya, para siyang anghel. Imbes na bumangon ay nanatili akong nakahiga, hindi ako nakakaramdam ng hiya bagkus ay mas nangibabaw ang saya na bumabalot sa akin.

Gumalaw siya, hinapit ako papalapit at nagsumiksik sa akin. Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Nakiliti ako dahil sa hininga niyang tumatama sa leeg ko. Sinubukan kong ilayo ang leeg ko sa mukha niya pero mapilit siya, mas lalo lang siyang sumisiksik.

Naamoy ko tuloy yung buhok niya, natawa ako nang mapansing amoy strawberry iyon. Napahalakhak ako ng mahina. Cute.

"I miss your strawberry scented, long hair."

Natigilan ako nang marinig ko ang kanyang boses sa isipan ko. Matagal-tagal na din simula nung huling nagpakita sa akin si Laz. I wonder how is he doing?

Kumulo ang tiyan ko. Di ako nito makaka-alis nang yakap ako ni Rich tiyak ay magigising siya.

Bahala na, magigising naman din to maya-maya.

Para kaming mag-boyfriend at girlfriend sa kalagayan namin ngayon, rather mag-asawa pala. Pano ba naman, magkatabi kaming natulog at magkayakap pa. Ang close namin masyado para sa ganito, actually he's the first. First guy na hindi ko pa tuluyang kilala pero nakatabi ko pagtulog at kasama ko hanggang pag-gising.

Di ko tuloy tuluyang maikumpara silang dalawa ni Laz, yes nakatabi ko na si Laz pero I'm quite sure na umaalis naman siya agad kapag nakatulog na ako.

I ran my fingers through his hair. I keep on smelling his hair, it made me miss my hair way back 18 years from now. Maybe I should change my perfume to strawberry again.

Parang tinamad akong bumangon, gusto ko pang mag-stay na ganito. Are we friends? Tanong ng isang bahagi ng utak ko. Di naman kami friends with benefits dahil wala naman namamagitan sa aming dalawa. Wala naman kaming ginagawang milagro.

But the fact that I want to stay like this for a little longer with him, makes my day much better. Nakaka-boost ng mood.

Or sadyang makapal lang talaga mukha ko kaya ayaw kong bumangon?

"Heinrich." I started poking his cheeks. Halos nilamutak ko na ang buong mukha niya pero walang epek talaga.

Ano kaya kung i-try ko ulit yung ginawa ko kahapon sa kanya?

Ay wag na pala, baka ma-bad mood. Umagang-umaga baka mabwiset ko.

Ang higpit ng yakap niya, di ako maka-alis. Di ko namalayang dinalaw na naman ako ng antok. Pasado alas-kwatro pa lang naman, iidlip na muna ako baka sakaling magising na din siya mamaya.

Nakatayo ako sa labas ng isang bahay. Madilim pero may kaisa-isang liwanag ang namamayani sa aking paningin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Phantom's LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon