Chapter 5

1 0 0
                                    

🎶I don't know who you are but I'm...
I'm with you~🎶

----------------
Loosen up

TODAY marami akong free time, nakatambay ako ngayon sa bistro ni Bailey. Magaling na ang braso ko. It's been five days since nung nagpakita siya sa akin sa penthouse ni Heinrich. I can still feel his lips on my forehead, soft and warm.

"Just tell me kung nasisiraan ka na ng bait ah? Mapupunit na labi mo sa kakangiti."

I chuckled. Mas lumalim ang gatla sa kunot na noo ni Eross. "Wala namang masama kung ngumiti ako ah."

"Meron. Di sayo bagay." Walang alinlangan niyang sabi habang nagpupunas ng mga baso sa harap ko—sa likod ng counter.

Kinuha ko ang panyo ko at binato sa kanya. "Gago ka. Tss! Makapanlait parang ikina-gwapo mo."

"Miss Dela Torre, pangalan ko pa lang gwapo na. I'm Eross, The god of love. Duh?" Medyo may halong pangtutudyo ang boses nito.

"god of love ka diyan. Correction, it's the god of erotic love. Ni wala ka pa ngang na matchmake." Pakikisabay ko sa pangbibiro niya.

"Oyoyoy!" Halatang na-trigger siya sa sinabi ko, nilapag niya ang basong hawak sa gilid. "Erotic god man ito, pero marami na akong na-matchmake. Sa totoo nga, kasali ka sa mga taong kailangan kong i-matchmake. Pasalamat lang talaga ang gagong yun." Medyo mahina na yung pagkakasabi niya sa last part kaya di ko masyado naintindihan.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko ang panget mo." Inangat ko ang bote ng vodka sa tabi ko. Napaka ng lalaking to! "Oooyy! Ibaba mo yan, papatayin ako ni Precious."

Who the fuck is Precious? Automatic na tumaas ang isa kong kilay. "Precious? Seryoso?"

"Oo bakit?"

"Ang baduy ng tawag mo sa pinsan ko."

"Ganon talaga pag in love, nagiging baduy." Proud niyang sabi. Gusto kong masuka sa sinabi niya, ok parang ayaw kona tuloy malaman kung anong feeling nang in love. Parang ang creepy.

Seconds later...

"Nga pala, ano nga yung tatlong salitang—"

"Debut, washroom, and black." Mabilis niyang tugon, ni hindi na ako pinatapos ng sasabihin. Pinatong niya ang braso niya sa counter para mailapit ang mukha niya ng kaunti sa akin.

"Soooo?" Bakas ng excitement ang boses niya.

Naalala ko yung dahilan kung bakit ako nabalian 5 days ago. Masyado akong preoccupied noon, siguro dapat kong i-share yon kay Eross. "May ishe-share ako sayo. Di naman yata ito connected dun sa three words, but I think isa iyong memory na nalimutan ko nung naaksidente ako."

"O-okay."

"Nasa Restroom ako ng girls," pagkabanggit ko ng Restroom ay agad namilog ang mata niya at parang mas itinutok pa ang atensyon sa pakikinig sa akin. "Nag-brownout, I was crawling on the cold tiled floor. A man in an all black tux with black mask showed up." Natigilan ako ng sandali, kinakapa pa ang memorya ko. Wala nang pumasok pa sa isip ko kaya tinignan ko ng diretso sa mata si Eross. Laking gulat ko na lang na wala na siya sa harap ko.

San na napunta yon?

"PRECIOUS!" Rinig kong sigaw ni Eross mula sa bandang likod ko. Nasa tapat siya ng opisina ni Bailey. Panay ang katok niya, halos magiba na ang pinto sa sobrang lakas niya kunatok.

"ANO?!" Pasigaw na tugon ng pinsan ko. Halatang inis.

Umalis ako sa kinauupuan ko at naglakad palapit sa kanila. Ang kaninang inis na mukha ni Bailey ay napalitan ng pagkagulat at pagkamangha.
Tumingin ito sa aking direksyon at saka nginitian ako.

The Phantom's LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon