Nakikita ko sa mga ngiti mo na talagang masaya ka,
Mga ngiting puno ng matinding saya, galak, at ligaya.
Nakikita ko sayong mga mata ang pag-asa,
Pag-asa na sana, maging masaya rin ako tulad mo.
Sana sa simpleng salita mo, mapanatag na lang ang loob ko,
Sana sa simpleng ngiti mo, mawala lahat ng galit ko sayo.
Kinamuhian kita, lumayo ako sayo na para bang may malubhang sakit ka,
Nagagalit ako sayo, pero dapat nga ba talaga?
Masaya ka habang ako, ito, palihim na lumuluha,
Lumuluha sa likod mo, pero nakangiti 'pag kaharap ka,
Nagpapanggap na masaya kasi isa ka sa mga mahal ko,
Paanong hindi? Eh matalik na kaibigan kita.
Sana hindi na ako magsisi na nakilala kita,
Sana hindi ko na sabihin sa sarili ko na 'lumayo ka na lang',
Sana matanggal na lahat ng galit ko,
Pero bakit ko ba kasi nararamdaman 'to sayo?
Gusto na kitang kalimutan,
Pero paano kung sa panahon ng kalungkutan, ikaw ang sandalan ko,
Sa mga panahong umiiyak ako,
Pinapatahan mo ang mga luha ko na ikaw mismo ang dahilan.
Sana sa pagdaan ng panahon, mapansin mo,
Malaman at makita na nasasaktan ako.
Sana tumigil ka na sa pagpapakita na sobrang saya mo,
Kasi ayoko nang lumala pa ang pagkainggit ko sayo.
Gusto kong ngumiti ng katulad ng sayo,
Gusto kong magaya 'yang mga ningning sa mga mata mo,
Gusto kong makasama kita, at yung lalakeng mahal ko,
Kung hindi ko pa rin matanggap na sa ating dalawa, mas pinili ka nya, paano?
YOU ARE READING
Unspoken
RandomLeft undone, left unsaid, and left unexpressed. My head is full of words I have never said. Written by: YeonnieOh