Rooftop
It's 6:38 in the morning at kitang kita ko ang sunrise sa bintana ko. I am drinking coffee and at the same time, reading the book that I bought yesterday. I really love how sunshines in the morning hit my face. I feel really better today pero hindi ko pa rin mapigilang isipin yung away ni mom and dad.
Napatigil ako sa pagbabasa nang may nag doorbell. Agad kong binuksan ang pintuan and Ethan was there.
"Goodmorning," bati niya sa'kin with a smile.
"Goodmorning, pasok ka," bati ko pabalik. I don't know why I am comfortable with this guy, ethan, kahit 1 week pa lang kami naging kaibigan. Maybe it's just that he's very humorous.
Pinaupo ko siya sa couch at tinimplahan ng coffee. Mga 2 mins. natapos na agad ang tinimpla kong coffee.
"Parang ang aga mo ata ah," sabi ko sa kanya sabay abot ng coffee.
"I just wanna know your full name," sagot niya.
"Know my name? Why?" tanong ko. Siguro nag d-drugs siya. Palabasin ko na kaya.
"Yes, diba napag usapan na natin na pupunta tayo ng Cebu, I decided na magpapa book na ako ngayong araw and set everything," aniya. Oo nga pala. Pero sigurado na ba ako dito? Maybe I need this vacation para kahit sandali man lang maging masaya ako. Kahit ngayong summer lang.
"Yeah, right," I smiled then we finish our coffee. Actually, he's a nice person. Pero minsan nakakairita at nakakainis.
×××××
Kakatapos lang namin e set lahat at nakapagbook kami ng ticket. Tomorrow will be our flight at 6:00 pm. Nasabi ko na din kay Anika ang plano ko.
Andito pala kami ngayon sa mall, namimili ng stuffs namin na dadalhin bukas.
"Paabot ng tissue please," sabi ko kay Ethan.
"Ouh ito na, little girl," abot niya sa tissue sabay halakhak. Kainis. Hindi naman talaga ako pandak eh, sadyang matangkad lang talaga siya. Tss. I just rolled my eyes at akmang aalis na kaso may lumapit sa'min na matanda.
"Iho, alagaan mo 'yang jowa mo ha," sabay ngiti. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa.
"Syempre, mahal na mahal ko 'yan eh," sabi niya sa matandang babae. Pinandilatan ko siya ng mata pero hindi niya ito napansin kasi nakatingin pa rin siya sa babae.
"Iha," tumingin sa'kin ang matanda. Ngayon naman, kahit nakatingin ako sa matanda ay nararamdaman ko pa rin na pinipigilan ni Ethan ang tawa niya. Bwesit na lalake!
"Po?"
"'wag na 'wag kang susuko, hindi solusyon ang pagsuko," ngumiti ang matanda sa'kin. She's creepy. Hindi ko alam anong pinagsasabi niya.
"Ah ehh, sige po," I said then smiled. A fake smile. Ang weird talaga. Simula nung dumating ang matanda nag iba ang aura ng paligid ko.
"Okay ka lang?" tanong ni Ethan habang humahalakhak.
"Whatever!" tinulak ko na ang cart ko at naglakad papunta sa ibang section at sumunod din siya habang tulak tulak ang cart niya.
Nakakapikon na talaga siya. Kung 'di lang niya niligtas ang buhay ko siguro 'di ko 'to kakaibiganin.
×××××
BINABASA MO ANG
It's 9th of April, Goodnight
HumorDay is over, Night has come but our day will just begin