Joke Joke Joke
"Ladies and gentlemen, the Captain has turned on the Fasten Seat Belt sign. If you haven't already done so, please stow your carry-on luggage underneath the seat in front of you or in an overhead bin. Please take your seat and fasten your seat belt. And also make sure your seat back and folding trays are in their full upright position."
"Hoi!"
"Ano ba? 'Di ka ba titigil Ethan ha? Bwisit ka!" naiirita kong sabi sa kanya.
"Magseatbelt ka kasi, kanina ka pa tulala diyan," he reminded me. Oo nga pala, 'di pa ako naka seatbelt. 'Di pa rin ako maka move on sa nangyari kanina. Kadiri. Sobra.
"Gusto mo lang magpahalik ulit eh," pabulong niyang sinabi.
"Alam mo, ang kapal ng mukha mo akala mo gwapo kang unggoy ka!!!"
"Anong akala? Gwapo naman talaga ako eh."
"Feeler!"
"Eh ano naman kung feeler?"
"Panget!"
"Mas panget ka."
"Gago ka!"
"Ma'am, sir." napatigil kami sa pag-aaway nang lumapit saamin ang stewardess. Eto na naman. Pagsasabihan na naman kami.
"Gusto niyo po ng coffee?" akala ko papagalitan kami kasi ang ingay namin.
"No thanks," malamig na sabi ni Ethan.
"Ikaw Alli?" dagdag niya.
'Di ko siya pinansin at nagsout sa tainga ng earphones. Umiwas na ako ng tingin sa kanya at tumingin sa bintana. Pagtingin ko sa mga ulap, feeling ko ang layo ko na sa bahay ko. Although na sa Philippines lang kami. I'm stuck between missing my home and hating my home. Basta ang alam ko, 'di pa ako ready umuwi. Natatakot ako baka itutuloy ang disesyon na sa states na ako mag-aaral. I can't continue my life there kasi si Anika na lang ang kaisa-isang trusted friend ko. Tapos ilalayo nila ako sa kanya? No.
I stoped thinking deep nang may naramdaman akong mabigat na bagay sa kanang balikat ko.
"Ethan," I whispered his name.
"Ethan," ulit ko. Hindi pa rin siya gumigising. Damn! I poke his head pero wala pa rin. 'Di ko nalang siya didistorbohin.
Sinandal ko nalang ang elbow ko sa window at nilagay ang ulo ko sa kamay para hindi ako mangalay.
×××××
"Alli."
Nagising ako nang may tumawag sa pangalan ko. Kinusot ko ang mata ko at nag stretch ng kamay. Nakita ko si Ethan na nakatayo at ilang pasahero sa eroplano na palabas na.
"Nandito na ba tayo?" tanong ko kay Ethan na kanina pa ako hinihintay tumayo
"'Di ba obvious?" pamilosopo niya.
"Tss, whatever," kinuha ang shoulder bag ko.
Pagbaba namin sa eroplano. Humampas agad sa mukha ko ang sariwang hangin. Hinayaan ko ang hangin na isayaw ang buhok ko.
"Nga pala, saan tayo mag ste-stay?" tanong ko kay Ethan habang papalakad kami papunta sa destination kung saan namin kukunin ang luggage ko at ang backpack niya.
"Ewan," matipid niyang sagot.
"Basta parang ano 'yun Pscaafw," dagdag niya. Napakamot ako sa ulo ko. Pscaafw? Ang hirap e pronounce.
BINABASA MO ANG
It's 9th of April, Goodnight
HumorDay is over, Night has come but our day will just begin