Chapter 2: It's been a week

32.9K 728 6
                                    

IT'S been a week matapos kung masaksihan ang dapat na di ko makita. Matapos kong makita ang pangyayari ay mabilis akong umalis at hindi ko na ninais pa na kunin ang libro. Naiinis ako sa sarili ko kapag naalala ko ang gabing iyon. Ang tanga-tanga ko kasi at nagawa ko pa talagang tapusin ang nangyayaring kababalaghan dun sa dalawa.

Lumayo na rin ako kay Aliya dahil di ko maiwasang di maalala ang nakita kong ginawa nila ni Nickolo! Aliya is a sweet girl kaya di ko maiwasang magtaka bakit niya nagawa ang ganoong bagay. She looks like she knows what she was doing at that moment. Hindi talaga pwede na baseahan ang panglabas na anyo sa maari at kayang gawin ng isang tao.

Madalas ko na rin na makita sina Nickolo at ang mga kaibigan niya. Madalas na nasa cafeteria na rin sila kapag lunch na di tulad noon, ang alam ko sa labas pa sila kumakain. Bakit sila nagtitiis sa pagkain na nasa cafeteria kung afford naman nila ang mga pagkain sa fastfood or mamahaling restaurant.

Kasalukuyan akong nasa cafeteria kasama si Catherine ng pumasok ang grupo nila. Nang makita ko silang papasok ay iniwas ko na agad ang tingin ko sa grupo nila. Naiinis ako kapag nakikita ko sila lalo na si Nickolo. Pati ba naman si Aliya nagawa pang patulan. Wala talagang sini-sino ang lalaking ito.

"Mukhang solo natin ang table na 'to ah." Nakangiting wika ni Catherine habang paupo sa bakanteng upuan.

"Hayaan mo sila kung ayaw nila tayong kashare. Ayaw ko rin naman silang katable. Ang mga babae dito, walang ginawa kundi tumili at lumandi sa mga playboys na 'yan." Mataray na wika ko sa kanya sabay tingin sa grupo nina Nickolo. Tiningnan ni Catherine kung saan gumawi tingin ko at nakita niya sina Nickolo.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at pagkwe-kwento sa kanya. Malapit ko ng maubos ang pagkain ko ng mapansin kung di pa ginagalaw ni Catherine ang food niya. Sige lang siya sa pagtingin kay Alex. Kinalabit ko siya.

Tumingin siya sa akin. "Bakit?" tanong niya.

"Di ka pa kumakain tapos kanina pa ako salita ng salita dito wala naman pala sa akin ang diwa mo." Nagtatampong wika ko sa kanya.

"Pasensya ka na. Alam mo naman na hanggang tingin lang ang kaya kong gawin sa kanya." Paliwanag niya sa akin.

"Ewan ko ba naman sa iyo kung anong nagustuhan mo sa kanya eh babaero naman silang magkakaibigan. Basagulero at barumbado pa. Alam mo bang napaaway na naman ang mga iyang nung isang araw sa club malapit dito sa campus." Sabi ko sa kanya para madisappoint siya kay Alex.

"Di naman sila ang nagpasimula ng gulo. Yung kabilang grupo." Pagtatanggol niya kina Alex. Ipinagpatuloy ko ang pagsasalita.

"Kasi nga pinatulan ni Nickolo yung girlfriend ng frat leader nila, babaero talaga!" inis na wika ko sa kanya. Matapos ko silang makita ni Aliya sa mahalay na tagpo ay malalaman ko pang pinatulan niya rin yung babae na iyon. Kilala ang grupo nila sa campus kaya mabilis na kumalat ang balita.

"Malandi naman kasi yung babae, may boyfriend na, pumatol pa kay Nickolo." Mataray na wika ni Catherine. Nakita kong lumingon sa gawi namin ang grupo nina Alex. Mukhang napansin nila ang pagsulyap ni Catherine sa gawi nila. Iiwas na sana ako ng tingin ng magtama na naman ang tingin namin ni Nickolo. Bigla ko na namang naalala ang sa kanila ni Aliya kaya umiwas ako ng tingin at humarap na lang kay Catherine.

"Ahh, ewan ko sa iyo. Bahala ka na nga diyan sa feelings mo. Malaki ka na." sabi ko kay Catherine para pagtakpan ang kabang naramdaman ko ng magtama ang tingin namin ni Nickolo. Isa pa, kahit ano namang sabihin ko ay di pakikinggan nito. Masyado na itong bulag sa nararamdaman nitong pagmamahal kay Alex.

The Millionaire's Club: NickoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon