Special Chapter 1

2.5K 41 0
                                    



Ang mga susunod na eksena ay panahon kung saan college student pa lang sina Nick at Maddy.

"Mikael, saan ka pupunta?" tanong ni Nick sa kaibigan ng mapansin na tumayo ito mula sa pagkakaupo matapos na silipin ang cellphone nito.

"Pupuntahan ko si Nicole. Patapos na ang klase ng babaeng 'yun." Sagot naman ni Mikael kay Nick.

"Kawawa naman si Nicole. Masyado ka naman makabakod. Halos hatid-sundo mo na siya, ah." Saad naman ni Alex dito.

"Mahirap nang magpabaya." sagot nito habang pinapasok ang mga libro nito sa loob ng bag. Nasa loob kami ng Safe Haven Garden.

"Your acting strange, pare. Alam kong kayo na ang ikakasal, pero sa inaakto mo ngayon, you look like a fool who is in love." Natatawang saad ni Alex dito. Tiningnan ko lang si Mikael pero sang ayon ako sa tinuran ni Alex.

"Huwag ako ang intindihin mo, Alex. Yung mid term exam ang intindihin mo. Your father will disown you kapag bumagsak ka. Kaya mag-aral kang mabuti dyan." Ganting saad ni Mikael kay Alex sabay hagis ng libro sa huli.

"Shit ka naman pare! Pina-alala mo pa yung problema ko." Biglang inis na turan ni Alex dito.

Napabuntong hininga na lang ako habang tintingnan ang asaran ng dalawa. "Alis na rin ako. May lakad pa ako."

Biglang ikinawit ni Alex ang braso niya sa leeg ko. "May date ka na naman? Sino na naman yan, Nick? Ang lupit mo talaga."

Sarkastiko akong ngumiti sabay alis ng braso niya sa leeg ko. "Anong magagawa ko? Ayokong tanggihan kong grasya na ang lumalapit sa akin."

"Ang lakas ng hangin, 'Pre." Biro nito sa kanya.

"Sabay na tayo Mikael. Maiwan ka na namin dito, Alex. Malaki ka na. kaya mo na sarili mo." Saad ko kay Alex ng matapos na rin ako sa pagliligpit ng gamit ko. Itinaas lang nito ang isang kamay bilang tanda ng pamamaalam.

"Kumusta si Theo?" tanong ko kay Mikael habang naglalakad kami papuntang parking lot kung nasaan ang mga sasakyan namin.

"Mas okay naman na siya ngayon kumpara dati." Malungkot na sagot ni Mikael sa tanong ko. "Huwag kang mag alala, Nick. Babalik din si Theo sa dati." Nakangiting saad nito ng mapansin ang lungkot sa mukha ko.

"I hate to see him like that." Saad ko sa kanya.

"Everything will be alright. Makakalimutan din ni Theo si Althea sa paglipas ng panahon."

"Are you sure?" seryoso kong tanong sa kanya. Tumingin lang din sa akin si Mikael at tila may naisip.

"Shit!" mura nito. Siguro na realize din nito na di madaling kalimutan ang isang taong totoong minahal. Mikael knows the feeling. I am sure of that.

Nakarating na kaming dalawa sa parking lot at kanya-kanyang sumakay ng sasakyan. Nauna ako sa amin dalawa habang nakasunod ang sasakyan ni Mikael sa akin.

I was seriously driving ng may bigla na lang tumawid sa harap ko. Mabuti na lang ang mabilis kong nahinto ang sasakyan bago pa ito tumama sa babaeng bigla na lang tumawid. Inis akong bumaba ng sasakyan. Huminto rin ang sasakyan ni Mikael. Dumungaw si Mikael sa bintana ng sasakyan at sumigaw. "Nick, bakit ka huminto? May problema ba?" nagtatakang tanong nito sa akin. Di ko na siya sinagot.

"Miss, nagpapakamatay ka ba?!" galit na sigaw ko dito. "Huwag mo akong idamay sa kung ano man ang plano mo sa buhay!" Nakatayo lamang ito na tila naestatwa at di makakilos. Nkaalugay ang mahaba nitong buhok kaya natatakpan ang halos buo nitong mukha.

The Millionaire's Club: NickoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon