Special Chapter2

2.7K 53 5
                                    

Ang mga susunod na eksena ay panahon kung saan unang nakita ni Nick si Maddy.

"Saan ba tayo pupunta?" kunot noong tanong ni Alex kay Nick nang mapansin na tuloy tuloy ito sa paglalakad palapit sa stage kung saan may nagaganap ng programa.

"My mom called me na manuod ngayon ng Quiz bee." Sagot ni Nick dito na nagpatigil dito.

"Shit! Bakit sinama mo pa ako? Alam mo namang di ako nanunuod ng mga ganyan." Naiinis na saad ng kaibigan sa kanya.

"Mikael and Theo are not here today. Ikaw lang ang pwedeng sumama sa akin ngayon. I know it's boring kaya sinama kita para may karamay ako." Nang iinis na turan niya dito. Tumalikod ito at akmang maglalakad palayo sa kanya upang bumalik ngunit napigilan niya ito sa braso.

"Shit, pare! Bakit di ka na lang mag pasa sa mga girlfriends mo?" saad nito sabay alis ng kamay niya sa braso nito.

"I'm not in the mood para makisakay sa mga kaartehan nila." Sagot niya dito. "Ganito na lang, samahan mo ako at may isang utang na pabor ako sa'yo?" mungkahi niya dito upang sumang-ayon ito sa gusto niya.

Saglit itong tila nag-isip sabay sabi "Okay. May utang ka sa akin, Nick. Humanda ka sa pabor na hihingiin ko sa'yo." Pagbabanta nito sa kanya.

"Okay. I'm always ready sa walang kwentang pabor na hihingiin mo." Pang-aasar niya dito. "Halika na at late na tayo. Sesermunan pa ako ni Mommy kapag mapansin niyang wala pa ako sa program."

Naiinis man ay sumunod si Alex sa kanya papasok kung saan ginaganap ang Quiz bee for Medical and Nursing students. His parents were invited on this program due to their family own one of the famous private Hospital.

Hinanap niya agad ang kanyang mga magulang malapit sa stage. At ng makita niya ito ay mabilis siyang lumapit sa mga ito habang nakasunod naman si Alex sa kanya. Di niya na pinansin ang mga tao na nakatingin sa kanila ni Alex pagpasok pa lamang nila. Di sa pagmamayabang pero kilala silang magkakaibigan sa buong campus dahil mula sila sa kilalang pamilya at sa kanilang pisikal na katangian.

"Bakit ngayon ka lang?" bungad ng mommy niya ng umupo siya sa tabi nito.

"Hello po tita." Bati ni Alex dito habang paupo ito katabi niya. Bumati rin ito sa daddy niya. Tumango naman ang kanyang mga magulang dito.

"Late na kami pinalabas ng prof. namin, Ma." Sagot niya sa tanong nito. Seryoso ang mukha nito at di man lang ngumiti sa kanya.

Istrikto ang mga magulang niya. Minsan lamang niya ito makita dahil busy ang mga ito sa negosyo at sa Hospital. His father was a famous Doctor while his mother is a businesswoman. Mabibilang niya lang sa isang kamay kung ilang beses silang magkita sa isang buwan. Sanay na rin siya sa sitwasyon na meron ang pamilya nila.

"Go Maddison!" narinig niyang sigaw ng isang babae sa gilid. Nakapwesto ito sa gilid ng stage habang nakatingin sa stage. Hindi niya masyadong masilayan ang mukha nito dahil natatakpan ng mahabang buhok nito.

Dahil sa masayang pag cheer nito ay napatingin siya sa babaeng nasa stage kung saan ito nakatingin.

Isang nakangiting babae ang bumungad sa kanya. Isa ito sa mga contestant. Kahit nakangiti ito ay halata na kabado ito. Ngunit hindi natatakpan ng kabado nitong mukha ang taglay nitong ganda.

Habang nakatitig ako sa maamo niyang mukha ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tila tumigil ang oras ng ilang segundo ng magawi ang tingin nito sa akin. Ilang segundo kaming nagtitigan bago bumawi ito ng tingin.

"Nick." Banggit ni Alex sa pangalan ko sabay tapik sa hita ko. "Okay ka lang ba? Para ka kasing sira. Tulala ka habang nakatingin sa stage."

"Do you know her?" tanong ko dito at di na pinansin ang huling sinabi nito.

The Millionaire's Club: NickoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon