Chapter 1: What a show?!

57.8K 858 23
                                    

"Miss, meron ba kayong medium size nito?" tanong ko sa saleslady na lumapit sa akin para i-assist ako. Nasa loob ako ng isang kilalang boutique sa mall. Naisipan kong magwindow shopping pero nagandahan ako sa dress na hawak ko ngayon.

"Meron po ma'am. Sandali lang po at kukunin ko." Magalang at nakangiti na sagot sa akin nang saleslady.

"Okay." Umalis na ang saleslady sa harap ko at naisipan kung tumingin-tingin pa ng ibang damit sa boutique. Habang abala ako sa pagtingin ay nakita kong may pumasok na isang magandang babae. Mukha itong modelo sa tanggkad at gandang taglay nito. Naririnig kong may kausap siya sa phone. Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng iba pero malakas ang boses ng babae at di ko maiwasan na hindi pakinggan dahil malapit rin ito kung saan ako nakatayo.

"I am here at Nicole's boutique. Yes, you can come here." narinig kong wika ng babae sa kausap. Lalayo na sana ako dito para bigyan ng privacy ng narinig ko ang pangalan na binanggit niya.

"Nickolo Teixeira, huwag kang tamad, okay! Madali lang kayang hanapin 'to. Akyat ka lang ng second floor at makikita mo na itong boutique. Magtanong-tanong ka." Inis na sabi niya sa kausap.

Nickolo Teixeira! Imposible! Baka kapangalan lang. Pero paano kung siya nga! Di ko alam ang gagawin ko kapag siya nga ang kausap nung babae. Bigla akong kinabahan.

"Malapit ka na? Okay. I will wait here on entrance. Bye." Nakangiting paalam ng babae sa kausap.

Shit! Malapit na siya. Anong gagawin ko? Natataranta na ako nang mga sandaling iyon.

"Miss. Eto na po yung medium size." Lumapit sa akin ang saleslady na kausap ko kanina habang hawak ang isang dress na napili ko.

"Miss, I'm sorry pero nagbago na isip ko. Di ko na kukunin. Sige, bye." Dali-dali akong tumalikod sa saleslady upang lumabas ng boutique. Halos madapa na ako sa suot kung high heels sa lakad-takbo na hakbang ko. I am near at the exit when someone bumped me. Buti na lang at di ako natumba. Daplis lang naman sa balikat ang pagtama niya sa akin.

"Miss, sorry." I heard a familiar voice. Hindi ako maaring magkamali, boses ni Nickolo ang narinig ko! Nakayuko ako ng mga sandaling iyon. Buti na lang at nakalugay ang mahaba kung buhok kaya natatakpan nito ang halos buo kung mukha.

Hindi na ako nagsalita dahil baka makilala niya pa ang boses ko. Dali-dali akong naglakad palayo ng marinig ko ang pagtawag niya.

"Miss, sandali lang!" Hindi ko siya nilingon kahit narinig ko ang pagtawag niya. Lakad-takbo pa rin ang ginagawa ko habang nakasakay ng escalator. Hahakbang na sana ako pababa ng escalator ng mabangga na naman ako ng isang babae mula sa likod ko.

"Ano ba?!" mataray na wika niya. Aba at ito pa ang may ganaang magalit samantalang ito na nga ang nakabangga. Dahil sa pagtataray ng babae ay nainis ako at napaharap sa kanya.

"Alam mo, Miss, ikaw na nga ito-." naputol ang pagtataray ko rin sana sa babae ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.

"Maddy!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko at laking gulat ko ng makita si Nick na tumatakbo palapit sa akin. Natakot akong maaabutan ni Nick kaya dali-dali akong umalis. Takbo na ang ginawa ko para di niya ako maabutan. Ng lumingon ako ay nakita ko siyang pababa ng escalator. Mabuti na lamang at maraming tao kaya maraming nakaharang sa dinaraanan niya. Mabilis akong tumakbo palabas ng mall at saktong may nakahintong taxi sa labas.

Dagli akong sumakay sa taxi na nakaparada sa gilid ng mall. "Kuya alis na tayo, may humahabol kasi sa akin eh." Saad ko sa taxi driver at mabilis naman nitong pinaandar ang sasakyan. "Thank God." bulong ko sa sarili ng matanaw na walang bakas ni Nickolo na nakasunod.

The Millionaire's Club: NickoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon