CHAPTER 04

25 1 0
                                    

CHAPTER 04
[ "This is an order." ]

"Ikaw kasi dahilan ng kamatayan ko."

"Ikaw kasi dahilan ng kamatayan ko."

"Ikaw kasi dahilan ng kamatayan ko."

Mga isang buwan na ang nakalipas hindi matanggal sa isipan ko yung huling sinabi niya. Kahit sinabi niyang mema keme lang, bakit ang lakas ng impact 'nun saakin?

Nung araw na yun. Hindi ko na siya naramdaman. Hindi niya na ako kinausap after 'non. Para bang iniiwasan niya ako. Parang hangin lang na nagdaan then bigla lang naglaho.

Lakas niyang magbitaw ng salita na gusto niya pa ako makilala pero parang ito pa siyang lumalayo. May topak ba to?

Magkaklase nga kami pero di ko ramdam. Abala siya sa mga babaeng nanlalandi sakanya. Katulad ngayon. Hmp.

"So, you're playing sports rin pala? You were so good during the basketball tryouts!" isa sa mga alipores ni Elizabeth nilalandi yung letseng Samuel. Por que wala lang si Elizabeth, nagawa na makipagharutan yung mga elves niya.

"Haha, thank you." ang sabi ni Sam, "Next time Samuel, could you teach me some of your skills? Hihi."

Ang landiiiiiiiii ugh.

"Sure."

Sure???!

Pota. Ini-entertain pa ni gago. Ugh. Bakit ba urat na urat ako sa lalaking 'to?

Akmang babatuhan ko sana yung dalawa ng libro kaso kakapasok lang ng guro at late na nakarating si Elizababoy.

"Good morning, Sir Vasquez." tumayo kaming lahat at binati ang guro. Tumayo nga lang ako kaso wala akong gana magbitaw ng salita.

"Good morning. You may all take your sit." Nagsiupo nga kaming lahat.

"By the way, siguro informed na kayong lahat for the upcoming field trip? Gaganapin ang this school year's field trip as a camping na rin..."

"...So there's this new update for us fellow teachers na ang makakasama lang ay ang mga makakapasa sa surprise recitation from the teacher. Each teacher may nakaassign sakanila na classroom kung saan nila gaganapin ang recitation nila. I am assigned for this class."

Maraming nanlumo sa narinig nila. Nagulat ang marami sa sinasabing surprise recitation na gaganapin.

"So let's start?"

Sunod-sunod tinawag mga pangalan ng studyante. Maraming mga hindi nakapasa sa sobrang hirap ng recitation. Tinanong bawat studyante ng tig-15 na katanungan. Lima palang ang pasado out of 12 na tinawag na. At yung limang nakapasa, pasang awa. They got 8/15 or 9/15.

"Elizabeth Dela Buenaventura."

Tinatanong na si lechugas. Maraming namangha nang mabilis siya nakakasagot.

"12/15." Nagsipalakpakan mga alipores ni Elizabeth, feel na feel naman ng bruha.

Sunod naman na tinatanong si Samuel. Dami pang nagcheer sakanya kasama na rin si Elizabeth.

"Goodluck Sambby"

"Omgie, go babyyy"

Lalande.

Mabilis na nakasagot si mokong at dire-diretso. Maraming nagtitilian dahil sa pagkamangha kung gaano pala katalino ang binata.

May maibubuga pala 'to? Kala ko puro hangin lang masasagot nito sa sobrang hangin niya. Wooh~

ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon