CHAPTER 03

17 2 0
                                    

CHAPTER 03
[ Fishball ]

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko noong oras na 'yon. Umalis na lang siya na para bang walang nangyari suot-suot maskara niya. Hinanap ko siya 'non buong araw. Hindi na ako nakisali sa surprised Ball sa social hall kasi wala naman akong mapapala, masbinali ko atensyon ko doon sa lalaking nakamaskara ng itim.

Hindi ako magkakamali. Siya talaga 'yon.

Impossibleee.

Simula nung araw na 'yun, hindi ako nakatulog ng maayos. Hindi ako mapakali nung mga sumusunod na araw at pati si kuya Jaden nagaalala na rin saakin. Bakit ko ba iniisip 'yun?! Isa ba siyang Bell? God damn it! Siya ba yung nakamaskarang kapatid ni Hanzfred? Pero...

Bakit parang ang down ko...?

Katulad din ba siya ni Hanzfred...?

Napailing ako. Naiinis ako. Bakit ba sinasayang ko oras ko kakaisip sa kumag na 'yun? Ginayuma ba ako 'non? Bat gayuma nasa utak ko?!

TEKA BAT ANG DAMI KONG TANONG.

Galit ba siya saakin nung nabuhusan ko ng kape yung libro niya?

Bakit hindi niya ako pinapansin?

Bakit ba siya umalis kaagad?

Ano pangalan niya?

Makikita ko parin 'ba siya...?

"AYSH!!" napasigaw ako ng 'di oras. Marami nagsitinginan saakin. Pati yung atensyon nung pinaka strict kong guro nakuha ko. Fuck.

"Ms. Olivia Francoise Bermuda Henriette. Please get out." Ang cringe ng name ko!

Wala na akong nagawa kundi umalis na ng classroom. Rinig ko nagsitawanan mga kaklase ko saka nagsalita si Elizabeth, "Nababaliw na siguro 'no? Let's all pray for her at mapunta na siya sa mental, galing naman siya doon. Hahaha!"

Pinagiinitan nanaman ako ni Elizabeth at ng mga alipores niya. Baka makatikim ulit siya ng sapak pag ako 'di nagtiis. Gawin kong ulam mga alipores niyang ubod ng panget.

Tinignan ko sila ng pamatay na tingin at nanahimik yung mga alipores niya. Nag-roll eyes na lang si Elizababoy.

Nagpatuloy na akong lumabas at dinabog yung pinto.

"Hay..." nagawa ko na lang magbuntong hininga at sumandal sa pintuan ng classroom, nagiisip kung saan tatambay.

Nang handa na akong umalis, may humarang na anino ng isang human being sa harap ko. Lakas maka-human being.

Tinaas ko ulo ko nang makakita ng isang binata.

I found myself shookt.

SHOOKT.

"Uhh..." nakangiti siya saakin, "Uhhh....."

"Are you okay?"

Nang nagsalita yung binata, bumalik na ako sa katauhan ko.

Sure 'ba na gising na ako? Natutulog ba ako? Nananaginip ba ako? Pota, eto nanaman tong mga tanong ko!

"You're too shocked. Tumutulo nanaman laway mo. Hehe!" Umayos ako ng tayo at tinuro siya. Nagulat siya sa asta ko.

"Anung ginagawa mo dito?! Iniistalk mo ba 'ko?! INAANO KITA?!"

"Teka! Chill, 'wag kang assuming." nagreact ako sa sinabi niya, "Mataas standards ko." sabay kindat niya saakin.

Hindi na ako nagdalawang isip kundi sipain tuhod niya.

"Aray!" napahawak siya sa tuhod niya at tumingin siya saakin. Yung mukha niyang napapa-wtf saakin.

ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon