Chapter 05
" Papyrus "Nandito ako sa library. Kasama si kumag.
Ugh.
"Bakit nakasimangot ka nanaman diyan?" pagbabasag ni Sam ng katahimikan.
"Sinong hindi kapag kasama ka?"
"Ahihi kilig ako."
Nandiri ako sa sinabi niya at sinamaan siya ng tingin.
Kanina pa kami nandito sa library. Nakaabot na ng isang oras, hindi parin mahanap ni Sam yung librong gusto niyang hiramin.
"Ano ba kasi pangalan ng libro?"
Hindi siya sumagot. Aba? Kailan pa natuto 'tong iignore-ignoran ako?!
Lumapit ako sakanya habang abala siya maghanap. Pinitik ko ng malakas kaliwang tenga niya. Hindi niya padin ako pinapansin.
Hmp.
Bakit ba ako nasama dito in the first place? Dapat nanunood ako ngayon ng Riverdale e. Isang kupal talaga 'tong Sam na 'to. 'Di na nahiya! Wooh, gawin ko 'tong tinapa kapag 'di ako nagtiis e!
Umabot na ng mga kalahating oras at sa wakas, nahanap na rin niya ang isang...
PAPEL?!
"Huh?!"
"Oh bakit?" tinignan niya ako na may halong pagtataka. Ang cute niya. Ang cute niyang sapak-sapakin.
"Yan lang?! Bakit hindi mo ko sinabihan at marami kaming papel sa bahay!"
Natawa na lang siya. Ugh. Bakit kahit simpleng tawa lang niya nakakahypnotize na? Para kang sasakupin ng langit sa sobrang kilig-- inis. Inis.
Lumabas na kami ng library.
"Special kasi 'tong papel na 'to." may kinuha siyang mini flashlight na violet ang ilaw. Tinutok niya yun sa papel at may nakikita akong mga nakasulat sa papel.
"Hala. Majek!" sigaw ko at akma kong kukunin yung papel at flashlight kaso masyado siyang matangkad.
Asar na asar akong tumingin sakanya.
Nakangiti.
"Teka. Kalma. Mahalaga to. Papel na gawa ng mga Europeo. Masyado 'tong maselan."
Sus. Bond paper lang sapat na. Inaarte pa.
* * *
Magisa akong lumalakad ngayon ng hallway ng school. Walang katao-tao. Tumungo ako papuntang Music hall.
May flag ceremony kasi sa social hall, hindi ako umattend. Mabilis ako mangalay, kahit gusto kong rumespeto sadyang mabilis ako maurat. Mapagod.
Nagstay muna ako dito sa Music hall, umupo ako sa harap ng isang piano.
Wag kayong assuming, hindi ako marunong gumamit neto.
"So ano na plano mo, Sans?"
"Pucha, tumahimik ka."
"Hayss. Ngalay na ako sayo ah."
Mabilis akong tumago sa likod ng isang malaking speaker. Letse, mahirap na kung huliin ako dito. Dagdag sakit sa ulo ni kuya nanaman 'to kapag irereklamo ako nito sa admin.
May dalawang lalaking nakatalikod sa gawi ko ang pumasok sa Music room. May seryoso silang usapan base sa pagoobserba ko.
Haysh. Masama tong ginagawa ko pero who kers? In the end, I'm already eavesdropping.
*ring
"Huy, tumatawag na si Boss."
"Edi sagutin mo. Tanga."
Natawa ako ng mahina sa sinabi ng isang lalaki sa kasama niya.
...
"Sir. Yes, tuloy ang concert bukas."
...
"... Oo. Everything's going according to plan."
...
"Tomorrow, Samuel will be dead."
...
Sa huling sinabi ng isang lalake, kinabahan ako ng sobra. Napatakip ako sa bibig ko upang hindi marining ang paghinga ko ng malalim.
