CHAPTER 02

21 3 1
                                    

CHAPTER 02
[ Hanzfred's "will ]

Hanzfred Bell. The "known" boss of Jaden Henriette.

Let us say, former bestfriend ni kuya.

Nakakahiyang pakinggan sa iba na may isang Henriette ang nagiging alipin ng kalaban ng pamilya. Pero oo, yumuyuko ang isa sa pamilya namin sa katulad niyang plastik.

Ang pamilya Bell, pangalawa sila sa mas nakikilalang maimpluwensyang pamilya sa buong mundo. Sila ang kilalang kalaban sa mga negosyo ng mga Henriette. Sa maraming tao, nananatiling mapayapa ang dalawang magkalaban pero ang totoo, lahat yun para lang sa media.

My kuya had no choice but to accept Hanzfred's huge offer para makaahon kami. Basta ang kapalit? Fame. Fame na may inaapakan siyang Henriette sa publiko. He likes the feeling of being overpowering.

Inakala naming mabuti siyang Bell, inakala lang naman pala. Ginagamit lang pala niya si kuya para makaramdam ng kapangyarihan. Isang sakim. Ahas.

Wala akong magawa kundi magipon ng galit sa loob. He betrayed Jaden. He treated Jaden like shit, even though he's shittier. Wala siyang kaalam-alam kung gaano kabrutal yung ginawa niya kay kuya. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa pagiging hayup niya.

"Hoy--" may isang guard na humarang saakin sa may gate, "--May permit po ba kayong pumasok--?!"

"---Chupe." ang nasabi ko na lang at akma ko siyang tinulak sa daan. Ako na mismo nagbukas ng gate at binagsak ko 'yon pasarado.

Nauna na si kuyang pumasok sa letseng mansyon na to. Na-akma niya kasing nakita siya ni Hanzfred naghihintay sa labas. Wala na siyang nagawa kundi pumasok.

Nagaalala lang ako kasi ayoko siyang iniiwan magisa lalo na tuwing birthday ng hayup na 'yon.

Last time niyang bisita, pinahiya siya sa mga kaibigan ni Hanz. Wala akong nagawa kundi sapakin si Hanzfred sa harap ng maraming tao.

Akala ko nga makakaalis na kami pero hindi din, ginawa niya rin saakin yung ginawa niya kay kuya.

No choice.

Ang laging will ni Hanzfred, bumisita si kuya lagi sa birthday niya at sa mga formal events niya. What's really worst is yung birthday niya, kasi kaya niyang gawin lahat ng gusto niya.

Kung hindi papayag si kuya, mawawalan ng trabaho si kuya at handa niya kaming pabagsakin pa lalo. Sa sobrang pagmamahal ni kuya para saakin, nilunok na niya buong pride niya.

Naging entertainment si Jaden Henriette kay Hanzfred Bell.

And here I am, being useless as fuck.

May mga formal bodyguards ang humahabol saakin pero huminto na rin sila nang may tumawag sakanila through a walkie talkie. Hindi pa ba nila ako kilala? Ako lang naman yung kayang sumapak kay Hanzfred.

"Woah. The two useless Henriettes again? The slave and the black sheep?"

Napalingon ako. Mga mayayaman at kilalang taong nagbubulungan. As usual, isang malawak na party nanaman para sa isang spoiled na Hanzfred. Birthday niya.

Ramdam ko ang sobrang yaman ng pamilya. Sa mga okasyon palang na pinapabongga na nila, parang sinasampal nila sayo na walang wala ka sakanila.

Pinuntahan ko si Hanzfred at kuya sa club ng mansyon. Nadatnan ko silang naguusap.

Nahuli kong nanlulumo si kuya.

"Olivia, welcome!" I ignored Hanzfred at hinila si kuya.

"Kuya anung nangyari sayo?"

ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon