Prologue
"Gumising ka oy."
"Huh?"
Bakit ang ingay?
Tambad ng ingay ang buong paligid ko na para bang may live concert na nagaganap, pero kakaiba, may halong lungkot at takot sa boses ng mga tao.
Teka... tao?
Bakit ang daming tao?
"Miss, okay ka lan--Shit. Pre, pre! May sugatan dito! Alalayan naten!"
Ngayon ko lang narealize na hindi ako makagalaw ng maayos. Namalayan kong may tumutulong dugo sa bandang noo ko. Hindi parin ako nalilinawan sa mga nangyayari. Ang bagal ng kilos ng mundo, hindi ko malaman kung nananaginip lang ba ako o ano.
"I'm glad you're fine."
Pinilit kong pagmasdan ang mga tao sa paligid ko. Saang galing yung boses na yon? Bat ang pamilyar?
"A-ano y-yon...?" bulong ko sa sarili. May mga umaagos sa mga riles na bagama't kulay pula. Dugo? Tinignan ko ng mabuti hangga't nakita ko ang isang hugis katawan pero mukhang... kulang-kulang na ang mga parte nito.
Hangga't naalala ko na ang lahat.
Napatakip ako sa mukha at napasigaw ng malakas dahilan kung bakit naka tuon na saakin ang atensyon ng mga madla.
Hindi ako natakot sa nakita ko. Sakit at galit lang ang nararamdaman ko.
"Bakit mo ginawa 'yon...?! Bakit?!!"
Kumalma ako nang dahil sa hangin na dumidikit sa mukha ko na pilit akong papikitin ng walang rason.
"Shh.."
Malakas na hangin ang nagpatahimik sa lahat at pagkasabay 'non, ay ang huling patak ng luha ko nang nawalan na ako ng malay ng tuluyan.
Naramdaman ko.
Naramdaman ko ang mga huling haplos mo.
'¤'¤'¤'¤
chokii's:
HELLOOO! Jokes. Ang informal masyado.Good day! Gusto ko lang malaman niyo na bago palang ako sa mga ganito. Still learning and stuff but I really want to strive for the best. So always leave a comment kapag may mga suggestions kayo for my upcoming story. 💕 Helpful ones po ah! 😊 Thankyouu.
- chokii