Rea
Mabilis na lumipas ang mga araw at sabado na ngayon. First day ng camping at nasa school na ako ngayon. Hinihintay na lamang namin ang go signal ng aming adviser sa S.C. na si Ma'am Hiens Kaity Hermes. Siya ang asawa ng nagma may-ari nitong school. Na ngayon ay dinadala niya ang first born nilang mag-asawa kung kaya't todo ingat siya sa kanyang mga kilos. Nasa tabi naman niya si Sir Marlon na kanyang asawa para alalayan siya.
Naka-upo na ang lahat kung kaya't sinimulan na naming ang program. Na-una ang prayer, sunod ay ang pagkanta sa pambansang awit at pagkatapos nito ay ang opening speech ni Sir Marlon. Naka upo ako ngayon sa may stage kasama ang student council officials nitong school. Katabi ko naman si Ma'am Kaity na ngayon ay nakatingin sa kanyang asawa na nagsasalita sa harap ng maraming tao. Nakita ko siyang ngumingiti habang hinihimas himas niya ang kanyag tyan gamit ang kaliwa niyang kamay. Napangiti ako sa ginagawa ni Ma'am, tumingin ako kay Sir Marlon na ngayon ay nakangiting tumingin sa kanyang asawa at kumindat pa. Ang cute nilang dalawa! Tumingin ako sa ibaba kung saan naka upo ang mga estudyante.
Nakita ko rin na todo hiyaw sila sa ginawa nitong mag-asawa. Yung iba naman ay napa sabunot sa katabi nila. Yung iba naman ay kinikilig lang at naka ngiti. Ngunit napunta ang aking tingin kay Sir John na ngayon ay nakatingin din sa akin na naka ngiti. Umiwas ako at sakto naman at natapos na ang opening speech ni Sir Marlon.
Pagkatapos ng opening speech ay mayroong mga performace namang inihanda ang ilang mga estudyante. Yung iba naman ay kanta patungkol sa leadership. Mayroon namang nag sadula ng isang babae na naging matagumpay sa buhay kahitna ilang problema ang kanyang napagdaanan at mga problemang dapat niyang masolusyonan.
Pagkatapos ng mga performace ay bumaba na kami sa stage at naglalakad na papunta sa field kung saan mangyayari ang unang game namin ngayon bago kami kakain ng breakfast.
Dalawang guro ang naging MC at lahat kaming mga leaders ay sumali sa laro.
"Sa laro ngayon, makikisali ang mga gurong naka upo doon." Itinuro ng isang guro ang isang ibayo dito sa field kung saan naka upo ang iba pang mga guro na kumakaway. Nakita ko din doon Sir John na nakikisali sa kaway at mukhang kakatapos lang tumawa sa isang havey na joke.
"Ngayon, tatawagin ko ang pangalan ng isang guro at pangalan ng isang student council president."
Nag-ingayan silang lahat at nagpalakpakan. Hinihintay ko lamang na matawag ang aking pangalan upang makapunta na ako sa finish line kung saan tatayo ang mga student council presidents kasabay ng mga guro.
"Sir John dela Lliña and Miss Rea Fuentes. Go to the finish line of number 23 please."
Tumakbo na ako sa finish line at doon na ko na din nakita si Sir na tumakbo din papunta dito. Ngumiti ito sa akin at gumanti din ako ng ngiti.
Kaya pala sinali ang mga guro sa game na ito dahil kaming mga presidents ang kukuha sa pagkain ng aming grupo, ngunit kailangan namin ng tulong ng mga guro dahil hindi namin alam kung saan ito makikita. Kahit nga ako ay hindi ko alam kung saan ito naka tago.
Kailangang matapos ng mga ka-grupo namin ang mga obstacle bago namin hanapin ni Sir John ang mga pagkain. Kaya nasa kamay ng aming mga ka grupo kung anong oras kami makakakain ngayon ng breakfast.
Naunang natapos ng aming grupo ang mga obstacle kung kaya't na-una din kami ni Sir John na tumakbo sa lugar kung saan naka-hilera ang mga pagkain. Pagkatapos noon ay naglakad na kami pabalik.
"Hey, Rea." Hingal na sabi niya.
"I'm curious, saan ka ba nag-aral ng elementary?" Dagdag niya.
"Dito parin po. Bakit sir?" Tanong ko rin sa kanya.
"May nakita kasi akong litrato sa kwarto ko with you. Na captured siya 4 years ago na ang nakakalipas, so I think kasama ka sa past ko na nakalimutan? Tama ba ako?" Paliwanag niya.
Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot kung kaya't nanahimik na lamang ako. Natapos ang laro at ngayon ay oras na para kumain. Hindi namin kasabay na kakain ang mga guro at yun ay pinapasalamat ko. Ayoko na munang marinig ang mga tanong niya patungkol sa aming nakaraan na kanyang kinalimutan.
Mabilis na lumipas ang gabi at ngayon ay oras na upang matulog. Naka higa na ako ngayon ngunit ang aking isipan ay ayaw pang matulog.
Nakapag isip-isip ako. Paano kaya kung hindi nakalimutan niya yung nakaraan namin? Paano kung may ala-ala siya ngayon ng kanyang nakaraan? Ano kaya ang mangyayari?
Paano kung sabihin ko kaya sa kanya ang lahat? Paano kung maalala niya kaya ang lahat? Ano kaya ang gagawin niya?
Mamahalin pa rin ba niya ako? Mamahalin pa rin ba niya ako kung ngayon ay isang hamak lamang akong estudyante sa kanyang paningin?
Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya. Ano kaya ang mangyayari?
Ngayon pa na nakapag desisyon na ako.
Nakapag desisyon na ako na sa abot ng aking makakaya. Kung ano ang itatanong sa akin ni Sir John tungkol sa nakaraan na kanyang nakalimutan ay sasagutin ko. Kahit kasama pa doon ang nakaraan namin.
Na realize ko kasi na may karapatan naman siyang malaman ang lahat. May karapatan siyang alamin ang lahat. At tutulungan ko siya. Dahil. Dahil mahal ko siya.
BINABASA MO ANG
"Teaser and Insulter" |On Going|
Teen FictionShe is vulnerable, really straight forward. Pero pagdating sa isang lalaki na nagngangalang John dela Lliña ay nawawala ito. She really do admire this guy for four years in her life. But it turns out na bawal. Why? Because she's a student, and this...