Chxptxr Xne: Truth

6 0 0
                                    

Rea

"Hey Rea. Anong ginagawa mo dyan? Alam mo namang spot ko yan eh!" Sigaw nung lalaking papunta sa akin.

Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil sa sinag ng araw.

"Stand up babe! May klase ka diba?"  Hinawakan niya ang right cheek ko at nakita ko siyang ngumiti.

Napabangon ako dahil sa aking napaginipan. Inayos ko ang aking higaan at pumasok na sa banyo para maligo at maghanda. Pagkalabas ko sa kwarto ay sakto naman na lumabas ng bahay sina mommy at daddy. So ako lang pala ang kakain ng breakfast today. Akala ko sabay kaming tatlo ngayon.

"Ija, tara na! Kumain na't nang makapunta ka na sa school ng maaga." Pumalakpak si nani sa aking harapan para magising ako sa aking kahibangan.

Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Mabuti na lang at hindi ako nag-iisa dito sa bahay. Sabay kaming kumain ni nani at kasama din siya sa pag hatid sa akin sa school.

Lumabas ako ng kotse at inayos ang aking school uniform at pumasok na sa school gate. May narinig akong preno ng isang motor sa aking likod kung kaya't tumabi ako sa kalsada. Naka helmet ito na kulay black at naka uniform na pang guro. Nag park ito at tinanggal niya ang kanyang helmet kasabay ng pag slow motion ng paligid. Nakita ko ang pag-ayos niya sa kanyang buhok at kung paano niya inayos ang kanyang uniform.

Napapikit ako kasabay ng isang pangyayari noon sa akin at sa isang lalaki na aking iniibig.

"Alam mo Rea, yang motor na yan bagay na bagay talaga sa akin." Sabi niya.

"Saan dyan? Yang kulay black ba?" Tiningnan ko naman yung mga motor na naka helera sa isang shop.

"Oo! Tapos gagamitin ko yan papunta ng school." May pagmamalaki ang kanyang pagkabigkas ng mga salita sa aking harapan.

"Talaga? Isasabay mo ba ako dyan?"

"Oo naman! Ikaw pa? E, malakas ka nga sa akin eh!" Ngumiti siya at hinawakan niya ang aking dalawang pisngi at kanyang pinanggigigilan.

Ibinukas ko ang aking mga mata at kasabay naman nito ang pagbalik ng oras sa tamang lalagyan.

Naglakad na ako papasok sa building at naka sabay ko siya papasok. Yumuko ako tanda ng paggalang. Siya si Sir John dela Lliña at isa siya sa mga bagong guro dito sa aming paaralan.

Naka-upo na ako ngayon at nakatulala sa kawalan, hindi ko namalayan na tapos na pala yung last subject. Ang bilis pala ng panahon kapag busy ang utak mo sa kaka-isip sa mga bagay-bagay na dapat mo nang kalimutan at ibaon na lamang sa limot.

"Okey ka lang Rea?" Tanong ni Zian.

"Nahilo lang, pupunta na muna ako sa clinic." Paalam ko sa kanya.

Tumango naman siya at naglakad na ako papunta ng clinic.

Pagdating ko sa clinic, walang nurse akong nasilayan kung kaya't humiga ako sa isang higaan dito na kulay puti. Pumikit ako saglit upang maibsan ang hilo ngunit naramdaman kong may isang tao na pumasok sa clinic. Nagbabaka sakali naman akong si nurse iyon kung kaya't binuksan ko ang aking dalawang mata at sa hindi inaasahang pangyayari, nakita ko ulit ang aking iniibig 4 years ago hanggang ngayon.

"Okey ka lang ba?" Tanong niya sa akin.

"Sumakit kasi ang aking ulo kaya't pumunta ako dito sa clinic para humingi ng gamot." Pagpapaliwanag ko.

Pumunta siya sa isang cabinet at kumuha ng isang gamot doon. Kumuha naman siya ng isang basong tubig bago pumunta sa aking kinalalagyan.

"Inumin mo yang gamot para maibsan ang pananakit ng iyong ulo."

Tumango ako at kinuha sa kanyang kamay ang gamot. Inilagay ko ito sa aking bibig at pagkatapos ay kinuha ang tubig sa kanyang kamay. Hindi ko maiwasang mahawakan ang kanyang kamay at hindi ko rin mapatigil ang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan galing sa kanyang kamay.

Ininom ko ang tubig at binigay ito ulit sa kanya. Ngumiti siya sa akin at ginantihan ko naman ito.

"Mabuti pa't humiga ka na muna dyan."

Tumango ako at humiga na nga. Pinikit ko ang aking dalawang mata at pinakiramdaman ang paligid.

"What is your name, ija." Tanong niya.

Pinikit ko ng madiin ang aking mga mata bago nag salita.

"Rea, sir. Rea Fuentes." Sagot ko.

"Alam mo, familiar yung mukha mo eh. Saan ko nga ba nakita?" Tanong niya sa kanyang sarili.

Ibinuka ko ang aking mga mata at tumingin sa mukha ng aking kausap ngayon.

"Kahapon sir, nandoon kasi ako sa gathering as the student council president." Sagot ko.

"Ahhh! Kaya pala! Pero parang nakilala na kita bago ako bumalik dito sa school eh!" Maktol niya.

Sasagot na sana ako ng magsalita ulit siya.

"Alam mo kasi, may nangyari kasi sa aking 3 years ago kaya't hindi ko masyadong nakikilala yung mga taong naging kaibigan ko noon. Kahit nga nanay at tatay ko hindi ko maalala." Tumawa siya pagkatapos.

Umurong ang aking dila sa aking narinig galing sa kanya bibig. May nangyari sa kanya? Ano kaya iyon?

"Uhm, sir. Balik na po ako sa room. Uuwi na po ako."

"Sige Rea, ija. Gusto mo bang sabayan kita?" Alok niya.

"Huwag na po sir. Okey lang po ako. Hindi na po sumasakit yung ulo ko ngayon." Ngumiti ako sa kanya at ponipigilan kong huwag umiyak sa kanyang harapan.

"Ganoon ba? Sige, take care Rea. I'll see you tomorrow then." Ngumiti siya sa akin kasabay ng wave ng kanyang kamay.

Tumalikod ako sa kanya kasabay ng pag-agos ng aking mga luha na ngayon ay nag-uunahan.

"Rea, babe. Walang makakalimot diba?"

Pero bakit nakalimot ka? Kung bakit ba kasi  kung sino yung bumibitaw ng pangako ay siya pang sisira sa kanyang ipinangako. Kung bakit ba naman kasi ang layo ng agwat namin.

'Age is just a number.'

Really? Age is just not a number. Ito ang nagpapatunay dito sa mundo kung ilang years ka ng nabubuhay dito. Kung ilang taon mo ng tinatanggap at nilalabanan ang tadhana. Kung ilang taon mo ng nalampasan ang mga hinanakit sa buhay. Kung ilang taon mo ng nilalabanan ang mga problema na dadating sa iyo. Ang mas masakit pa dito, ay kung ilang taon na din ang nakakalipas ng iniiwan ka ng iyong mga mahal sa buhay at ang best part? Wala kang magagawa dahil hindi mo kayang ipahinto ang takbo ng oras, hindi mo kayang ibahin ang naka tadhana sa kanila at sa kung ano ang dapat na mangyari sa iyo.

Katulad na lamang ng isang lalaki na aking minahal ng lubusan. Aking pinakawalan dahil sa inuna namin ang aming sarili na maging matatag na kami lang mag-isa. Ngunit dumating ulit siya nang hindi man lang dala-dala ang aming nakaraan.

Siya si Sir John dela Lliña. Ang mas masakit pa, siya iyong lalaki na aking minanamahal 4 years ago na hindi ko kinalimutan hanggang ngayon.

"Teaser and Insulter" |On Going|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon