Rea
Sa araw-araw kong pamumuhy dito sa mundo, isa lang ang alam ko. People come and go. 'yan ang sabi ng isang tao sa party na pinuntahan namin noon nila mommy at daddy. Nakatatak ito sa aking isipan hanggang ngayon. Minsan totoo, minsan naman hindi. 50-50 ito dahil una, people usually go dahil hindi sila nakukuntento sa kung ano ang meron sila gusto nila yung mas mataas pa sa kung ano ang meron sila. Pangalawa, yung mga taong ayaw talaga umalis pero walang choice katulad ng mga tao na OFW.
Sa part ko, siguro yung pangalawa ang pipiliin ko. Medyo pasok kasi siya ngayon dahil sa may lagnat ako. Umulan kasi kagabi at ewan ko kung ano ang nasa isip ko at pumunta ako sa may garden at hinayaan na mabasa ako ng ulan. Okey, I admit na si John ang nasa isip ko noong mga panahon na 'yon dahil katulad ko hilig din ni John ang mag tampisaw sa ulan kahit na masakitin kaming dalawa.
No choice ako kundi hindi pumasok sa school ngayong araw at ilaan ito dito sa kwarto. Nakakatamad pero ang cool. Nakakatamad kasi wala akong kausap dito minsan nga haharap ako sa salamin tapos kakausapin ko yung sarili ko, o hindi kaya I will practice my expressions. Cool, kasi misan lang ako nandito sa kwarto 24/7 at walang ginagawa kundi mag muni-muni mag-isa.
Medyo makalat nga dito sa kwarto kasi wala akong oras para iligpit itong mga gamit ko. Wala naman akong ginagawa at medyo okey na yung pakiramdam ko kaya ililigpit ko na ito. Inuna ko yung mga scratch papers na pakalat-kalat dito. Tapos yung mga lapis ko naman na naka tambak lamang sa isang tabi at yung study table ko na mukhang natamaan ng bagyo kani-kanina lang. I'm suck at cleaning my place kasi unang-una, araw-araw ko silang ginagamit at nakakatamd ng kunin sila isa-isa sa mga lungga nila tapos ibabalik ulit. Yung mga papers naman na pakalat kalat ay hindi ko tinatapon sa trash can ko dito sa kwarto kasi trip ko lang. Noong bata kasi ako, kapag nanunuod ako ng mga movies parati kong nakikita sa mga lalaki na tinatapon nila yung mga scratch papers kung saan-saan, tapos mayamaya magiging bundok na ito. Lumiwanag yung mga mata ko doon kaya ngayon ako naman ang gumagawa sa napapanuod ko. Isang word lang yung masasabi ko. AMAZING. Hahah.
Napunta ako sa mga boxes na naka lagay sa tabi ng aking study table. Ang mga nakalay sa mga boxes ay mga pictures. I love photography actually at gusto kong ma-treasure yung mga moments at yung mga lugar na napuntahan ko na. Wala naman sigurong masama kung titingnan ko ulit itong mga pictures namin diba?
xxxx
I sit at my bed at huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pinakamaliit at itim na box. Dito ko nilalagay ang mga litrato namin ni John. Noon. Para akong tanga na umaasa sa alam kong hindi na mangyayari dahil sa wala naman akong ginagawa para bumalik ang dating kami.
Nakita kong ang iba't ibang litrato. Yung mga araw na pumupunta kami kahit saan na kami lang dalawa. May nakita rin akong mga sulat na bigay niya sa akin noon. Mga rosas na ngayon ay lanta na. Ngunit ang naka agaw ng pansin sa aking dalwang mga mata ay ang itim na sobre. Kinuha ko ito at binuksan. Mga mahahalagang litrato namin ang naka lagay ulit. Katulad na lamang nitong litrato na kinuha noong una naming pagkikita at iba't iba pa.
People usually come and go dahil likas na ito sa kanila. Ngunit, paano 'yong mga tao na umalis at bumalik ulit? Acceptable ba itong rason upang maging likas ito sa isang tao? Dahil para sa akin? Hindi.
Tanga na lang siguro 'yong mga tao na nagbibigay ng second chance sa mga tao na iniwan sila noon at bumalik na parang si flash ngayon, and I accept it. Isa ako sa kanila. Iyong mga tao na tanga. Tanga dahil kahit nasaktan na, patuloy parin na nagmamahal at nagpapaka-tanga sa pagmamahal sa isang tao na minsan na silang iniwan.
No choice, mahal ko eh. Kahit na sayangin pa niya yung second chance na ibinigay ko sa kanya, mahal ko pa rin siya. Kailangan kong sumugal ulit kahit nasasaktan na ako. Kailangan kong maglaro ulit ng apoy kahit sunog na sunog na ang aking mga balat. Ang aking katawan. Ang aking puso. Lintek na mahal kasi.
Simula bukas. Gagawa na ako ng paraan upang maka-usap siya. Ipakita itong mga litrato sa kanya. Upang ma-satisfy itong puso ko at higit sa lahat. Upang matuto na ang aking puso na hindi sa lahat ng bagay marunong siya sa lahat. Na dapat matuto siyang sumuko at ipa-ubaya na sa aking isipan ang pagpapasiya sa mga ganitong bagay at huwag ng magmagaling. Kahit hindi ko aminin, alam ko sa sarili ko na nasasaktan na ako ng sobra sobra. Kailangan ko itong gawin para sa kanya at para sa akin.
Humanda ka bukas John.
Dahil handa na ang puso ko.
Handang masaktan ng paulit-ulit para sa iyo.
Para sa 'yong presensya.
Para sa 'yong ngiti.
At para sa 'yong pagmamahal.
Dahil gusto kong bumalik ulit ang John na minahal ko noon. Hindi ang John na isang guro na ngayon.
BINABASA MO ANG
"Teaser and Insulter" |On Going|
Teen FictionShe is vulnerable, really straight forward. Pero pagdating sa isang lalaki na nagngangalang John dela Lliña ay nawawala ito. She really do admire this guy for four years in her life. But it turns out na bawal. Why? Because she's a student, and this...